Chapter 25

986 Words
"Thank you for helping," I said, bago ko ibaba ang tawag. Huminga ako ng malalim, medyo kinakabahan. Itinabi ko ang burner phone na gamit at itinago ito sa bag ko. Hindi ako puwedeng gumamit ng latest cellphone ko dahil naka-register ito sa mafia, magagaling ang cyber unit nila at baka ma-trace ang tawag na ginagawa ko. May contact na ako sa media and she's very willing to cooperate with me. I promised to give her every important details once makuha ko na ang mga tamang ebidensya. She's excited more than I am, katulad ko, iisa lang ang hangarin niya at iyon ay ang tapusin ang hari-harian ng mga opisyales na nakaupo sa gobyerno. Exposing them in public is just the best way to do. With proper documents and evidence, the people will believe. Sa oras na ang mamamayan ay mawalan na ng tiwala at paniniwala sa kanila, ikababagsak na nila. Lumabas ako ng Jollibee ng matapos. Nandito ako sa ikatlong bayan, dito ako tumawag para makausap ang journalist na iyon. Masiyado itong malayo at marami ang open signal dito, walang makakalusot. Hindi katulad sa Contario, maaari na madetect nila ang signal ko at ma-trace nila ang tawag ko. I couldn't lose this one, hindi dapat ako magpabaya. Sa oras na malaman ng Contario ang gagawin ko, bago pa ako magsimula ay baka patay na ako. Alam kong nandiyan si Rehan sa tabi ko pero alam ko rin na hindi bawat oras ay mapo-protektahan niya ako. Isa't kalahating oras ang ba-biyahihin ko pabalik ng Contario. By 1PM, dapat ay naroon na ako. Alas-dos magsisimula ang pagpupulong para sa akin at aaminin ko, totoong kinakabahn ako. Wala naman akong magagawa kung mawawala sa akin ang posisyong ito, pero ewan ko, kinakabahan pa rin ako. Ang makasama ang matataas na officers ng Contrares at makita muli ng personal ang Don ay talagang nakaka-kaba. I got 7 missed calls from Silvana, Dario and Rehan. Malamang ay hinahanap na ako ng mga iyon para i-briefing ako. As if naman na hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pagdating ko ng Contario, dumiretso agad ako sa dorm dahil alam kong naroon sila. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Silvana na naglalakad pabalik-balik, parang kinakabahan. Samantalang si Dario naman ay tahimik lang na naka sandal. Si Rehan ang unang lumapit sa akin. Hinaplos nito ang braso ko. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka siya hinalikan sa labi. "Where were you?" Nagaalala niyang tanong. "Nag-crave kasi ako sa Jollibee kaya dumaan lang ako diyan sa bayan." "Hindi mo ako inaya?" "You were busy, Rehan. Ayokong makadistorbo sa iyo, alam mo 'yan." He sighed, alam niyang tama ako. When it comes to work, we are both professional in it. Hindi namin aabalahin ang isa't isa para lamang sa personal na dahilan. "Ano ka ba, Alena! Hindi ito ang oras para gumala ka!" sermon na bungad ni Silvana. Natawa ako at lumapit sa couch para umupo. Medyo napagod ako sa pag-drive ha. "Spare her the nagging, Entiz." Rehan said with his baritone voice. "What's the plan?" Silvana asked, "Plan, what plan? We're just going to the forum! Rehan and mine's presence are enough to scare the s**t out of them!" of course, si Dario 'yan. Siya lang naman ang mahangin ang utak dito. "Don't be stupid, Dario. Alam mong kahit naroon kayo ay hindi iyon magiging ganoon kadali!" Silvana with her nagging tone voice. I couldn't help but roll my eyes on them. Ito na naman, magbabangaya na naman sila. Nauumay na ako, bakit kasi hindi na lang mag aminan ang dalawang ito. "They will start questioning her promotion, whose recommendation and who signed it. Ilalatag nila ang mga ebidensyang patunay na hindi ka nararapat sa position. Pagtapos nila, tayo ang susunod na magsasalita." Tumango kami sa sinabi ni Rehan. Iyun ang magiging pagkakataon namin para ipaglaban naman ang desisyon na nangyari. Dario seem like practicing what he's going to say. Si Silvana, parang wala lang lalo si Rehan. Kampante siyang sumisimsim ng kape habang nakapikit. Samantalang ako, hindi mapakali sa kaba. We are 15 minutes early. It's a good impression we needed to at baka makatulong iyon, suggested by my dear friend. Kaya heto, wala pang tao sa conference room, nandito na kaming apat nakatunganga. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero hindi na ako umaasa at tatanggapin na lang lahat ng magiging desisyon. Kumabog ng malakas ang puso ko ng bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok ang mga senior officers. Natanggap ko agad ang matatalim nilang tingin sa akin pero kaagad din umiiwas kapag nahahagip ng mata nila si Rehan. "If I know kaya sila nagagalit sa promotion mo ay dahil may mga kakilala silang ipinasok pero hindi natanggap." bulong ni Silvana. Siniko ko siya para hindi kami pagtinginan. Tuwid akong nakaupo at halos hindi makahinga ng maayos sa kaba. Hindi pa nagsisimula ang pagpupulong pero ramdam ko nang ginigisa ako ng mga ito. Few more minutes and Don Henarez came inside with his five mafia reaper. I have heard about these reapers. Isa sila sa dapat na katakutan. Mahuhusay sila at kaya ka nitong patayin sa isang lingat lang. Even Rehan and Dario considers them as really dangerous. Kung kanina ay simpleng kaba, ngayon ay triple na. Halos napigil ko ang hininga habang nararamdaman ang bigat ng prisensya ng mafia boss ng Contrares. Makita mo pa lang ang prisensya niya, parang mamamatay ka na. Wala pa siyang ginagawa, pero maiihi ka na sa kaba. He's very stiff, hindi mo makikitaan ng kahit na anong reaksyon. Mafia reapers escorted him with full respect and admirability. Everybody stood up including me, nobody talk, we waited until he sits on his throne bago kami uupo muli. He didn't even bother to look at me or anyone in the room. "The forum starts." He declared, and the senior officers started talking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD