It's Sunday. Nakagawian ko ang magsimba tuwing linggo at never ko itong kinalimutan kahit gaano pa ako ka-abala sa ginagawa ko. Marami akong ipinagpapasalamat sa Panginoon, at marami rin akong ipinanghihingi ng tawad kabilang na roon ang mga nagawa kong mali, pero wala akong pinagsisisihan.
Walang makakabali sa nakasanayan kong ito kahit pa ang mahal na hari na si Rehan. Remember, he forbids me from going outside. Not on Sunday, nope. Isa pa, may pagtatampo ako sa kaniya kahit pa naman nauunawaan ko rin ang dahilan niya.
Hindi pa siya umuuwi. He promised he'd be gone by midnight but it's been three days. Alam ko naman kung nasaan siya at anong ginagawa niya. Hindi ko lang maiwasan na magtampo ng kaonti.
Isa na rin siguro iyon para suwayin siya at mag rebelde although not totally dahil hindi pa rin talaga ako papipigil pumunta sa simbahan. Medyo malayo pa naman din dahil sa may kabilang bayan pa iyon. Malaki ang Contario, kompleto sila sa mga boutiques, foodstores and other necessity stores pero ang wala sila ay simbahan.
Dahil ba sa ginagawa nila, bawal na 'yon? I don't get it. Marami pa rin naman ang masasama na madalas sa simbahan, katulad ko.
Pasakay ako ng sedan ko ng makaramdam ng kakaibang prisensya. I alerted my sixth sense- of course there's no sixth sense dumbass! But yeah, nagingat ako but as his presence went nearer, parang na-recognize ko na lang ito bigla.
It's Levi Moritesez.
Nakatalikod ako sa kaniya pero naramdaman ko ang pagbagal ng hakbang niya. Mukhang gugulatin pa yata ako. Kaylangan ko bang mag pretend?
"Ali!" pasigaw niyang tawad, may bahid ng pang-gugulat.
Ako naman si tanga, nagpanggap na nagulat. Tinaas ko pa ang balikat ko at humawak pa ako sa dibdib ko para effective. Nilingon ko siya na nanlalaki ang mata kahit pa naman mukha akong tanga sa ginagawa ko, sabagay ako lang naman ang nakakaalam.
Humalakhak siya na waring nagtagumpay sa ginawa. No dear, you did not.
"Ano ka ba naman, Levi!" hampas ko sa kaniya, kunwari ay hindi mawala ang kabog ng dibdib ko.
Ano ba naman itong ginagawa ko, hindi ko alam bakit ko ito ginagawa. Nasisiraan na yata talaga ako ng bait. Kaya kaylangan ko na talagang bumalik sa simbahan.
"I'm sorry, nagulat pala kita." nakangiti niyang sabi.
Dumb! Sinadya mo iyon.
"Loko ka! Bakit pala?" tanong ko.
Man, I really need to go. Baka biglang umuwi si Rehan at hindi ako makapunta sa simbahan. Abala naman ang isang ito. Oh, sorry! Kaibigan ko pala 'to.
"Wala, nakita kita e. You ditched us last session! Baka gusto mo ng bumawi ngayon?"
"May lakad ako ngayon," kung hindi ka bulag sana, kanina mo pa dapat napansin na papasok na sana ako sa kotse ko para umalis.
"Saan ba? Puwede kitang samahan. I had my schedule free for the whole week." pagmamayabang niyang sabi.
Well, sanaol.
"Diyan lang sa kabilang city, magsisimba ako."
"You're still that Alena, I knew it." ngumiti siya ng matamis. "Samahan na kita."
Nope, hindi na ako ang Alena na 'yon. I changed for the better. What..
Gusto ko sana talagang kumontra pero sa estado ng mukha niya, kahit anong sabihin ko ay hindi niya tatanggihan. Malas dahil wala akong oras makipag matigasan. Naiisip ko pa lang na biglang nandiyan si Rehan ay nag ngingitngit na ako sa inis.
"Fine," binato ko sa kaniya ang susi ko.
Malawak ang ngisi niya na sinalo at siya na ang umupo sa driver's seat. I was rolling my eyes habang papunta sa kabila. Damn it!
I thought of texting Rehan but nevermind.
Bahala siya.
For just 20 minute ride, narating namin ang sentro ng Cabanatuan. Itinuro ko sa kaniya kung saan ako madalas na nagsisimba. Maaga pa pero marami na ang taong na sa labas kasama ang pamilya nila. Marami rin ang mga vendors at batang naglalaro sa sidewalk.
Mabilis din naman kaming nakahanap ng magandang parking slot. Medyo crowded na ang paligid at maraming kids na naglalaro. Pagbaba ko ng sasakyan, saglit kong naalala ang simpleng buhay ko kasama si mama at papa.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapakla sa isip ko. Para sa matayog kong pangarap para sa kanila, sa impyerno ako dinala. Kung sana, na kuntento na lang ako sa pipitsuging paaralan, e 'di sana ay hindi sko mauuwi rito.
I sighed.
"Ito yata ang unang beses na nakapunta ako sa ganitong simbahan Ali. It's crowded but the kids' giggles makes it look like a happy place, not just a simple church." he smiled. "Thank you for bringing me here."
Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko naman siya dinala rito at nagpumilit lang siya, kaso baka ma-offend.
I closed my eyes the whole mass. I did not open it, not even once. Sanay na ako sa ngalay but I prefer that. I solemnly pray with myself and I'm contented with that. I devote myself to go to church but the truth is, I can't stand seeing Him. I was too embarass, walang kahihiyan.
Levi of course asked me about that at sinagot ko rin naman siya ng totoo. He understood dahil maging siya ay nahihiya rin naman sa mga nagawa niya.
It's funny that we feel this way pero heto't hindi naman kami tumitigil. Ang hipokrito lang talaga.
Levi is fun to be with. Marami siyang kwento at hindi napapagod ang bibig niya sa pagdaldal. For a guy, he's really talkative. Wren is also like that pero hindi ganito katulad kay Levi.
He's like an open book just letting everyone to see him.
I decided to just buy a take out snack at sa sasakyan na lang kakain or sa dorm. Ayokong kumain na kasama si Levi sa labas. I feel guilty for Rehan. Nai-imagine ko pa lang ang pagkunot ng noo niya at matatalim niyang tingin, kinakabahan na ako.
I bought two box of pizza and boxes of different pastas. Pauwi na kami at medyo malapit na rin sa vicinity ng Contario.
I look up at the rear view mirror and noticed a black sedan behind us. I smirked as I confirmed they're tailing us. Kanina ko pa sila napansin at kanina pa ako naghahanap ng tiyempo para sa kanila.
Unti unti nang nawala ang mga bahayan sa kalsada at puro halamanan na lang ang tanging makikita. Ginilid ko ang sasakyan para iparada ito. Tumingin ulit ako saglit sa salamin at nakita ang paghinto rin nila.
"Why did we stop?" Levi, a dumb one asked.
Is he really part of the mafia? Ni hindi 'man lang siya aware sa paligid niya.
I get my pistol and loaded it. I'm confident I could finish them kaya taas noo akong bumaba ng sasakyan hawak ang baril sa kanan.
Bumukas din ang apat na pinto ng sasakyan nila at bumaba ang limang kalalakihan. Lahat ay matangkad at mukhang physically fit. I recognize their tattoos.
"I didn't know ganito na katapang ang Riverle para tumapak sa lupa ng Contario?"
Dahan dahan akong lumapit. Na sa likod na ako ng kotse ko. Wala akong nakikita na may hawak silang armas but who knows!
"Alena—" levi called.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig si Levi na sambitin ang oangalan ko. The f**k is wrong with him!
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. He shouldn't call me by my real name. Wala kaming codenames but it's one golden rule na kapag na sa labas, you don't call your fellow their real names.
"Nakita namin ang tattoo ng kasama mo, parte ba yan ng Contario?" tanong ng isang matangkad sa gilid nila.
Tinignan ko ang braso ni Levi at nakita ang insignia ng Contrares mafia na hindi pa kompleto.
"Ah, hindi. Wannabe lang 'yan at ginaya ang tattoo nila. Bakit?" naka ngiti kong sagot.
Tumawa naman sila na parang nagbibiro ako.
Oh, yeah. Nagjoke nga pala ako.
"Tingin mo ba maloloko mo kami?"
Of course not, dumbass! Hindi pa ba obvious sa hawak kong baril?
But I noticed something. His questions seem to me na hindi niya ksmi kilala. Sinundan lang nila kami dahil sa nakita nilang tattoo kay Levi. Reckless naman ng mga 'to.
"Masama ba i-try?"
"Gago pala 'to e! Sugurin niyo na! Malaking halaga kapag makahuli tayo ng miyembro nila."
Ganon? Lahat ng member kahit maliit na tao may bounty? What a lame.
Nagulat ako ng hinugot ng lalake ang isang baseball bat mula ss likod niya. Naglabas na rin ang iba ng armas nila at halos lahat may knuckles.
Tangina! Hindi dapat ako matamaan niyan, lalo na sa mukha.
Unang sumugod 'yung may hawak na baseball bat. Bobo ba 'to?
Hindi ako nag atubili at binaril siya sa noo habang ang mata ko ay naka tutok sa kausap ko kanina. Bumagsak ang walang buhay niya sa sahig kasunod non ang pagkagulat sa mata ng mga kasama niya.
"Inakala niyo ba talagang laruan 'to?" bored kong tanong.
Sumandal ako sa puwetan ng kotse ko, naka ngiti sa kanila.
Sabay sabay silang sumugod. Sinalag ko ang kamay ng isa na tatama sa mukha ko at pinilipit ito gamit ang kaliwang kamay sabay sipa sa sikmura ng isa pa na palapit sa akin. Napa-atras kaonti ang sinipa ko kaya walang atubili kong binaril sa noo ang lalaking hawak ko na pinilipit ko ang kamay.
2 down, ang dali naman nito.
Naka buwelo ka agad ang sinipa ko at naging cue iyon ng dalawa para sugurin ako ng sabay. Sinalag ko ang kamay ng isa at binali ang mga daliri nito, tsaka ko sinipa ang kaliwang tuhod niya mula sa likod. Sa lakas ng sipa na iyon, sigurado akong hindi siya makakatayo.
Mabilis akong yumuko para ilagan ang kamao na tatama sa akin. Pag yuko ko tsaka ko naman tinutok paitaas ang baril ko at tumama iyon sa sikmura ng isa.
The other one grabbed my hair. Mahigpit ang hawak niya to the point na parang mawawasak ang anit ko. Tangina! Hinawakan ko ang kamay niyang nasa buhok ko at hinila ang braso niya para i-arm throw! Successful kong nagawa iyon at bumagsak ang likod niya ng malakas sa sahig. Hindi ko pa nabibitawan ang braso niya, pag tingala niya sa akin, ang huling nakita niya na lang ay ang nguso ng baril ko bago ko ito pinutok.
Hindi na nakagalaw ang nananatiling nakatayo at halos natululos ito ss kinakatayuan sa tindi ng takot. Sa ilang segundo na iyon, naubos ang kasamahan niya.
"You should just run." fine, pagbibigyan ko ang isang 'to.
Hindi na siya nagdalawang isip at tumakbo agad palayo. Bobo, puwede siyang pumasok sa sasakyan nila at patakbuhin iyon palayo. Tangang tunay! Nagbago tuloy ang isip ko, mas maigi na mabawasan ang tanga sa mundo.
Ilang metro ang layo niya, tinutok ko ang baril sa kaniya at pinutok ito. Bumagsak na walang buhay. Sigurado akong head shot 'yon, nakita ko ang naging impact sa ulo niya e.
Nakarinig ako ng pagimpi. Binalik ko ang tingin sa lalaking nakadapa. Buhay na buhay ngunit hindi makatayo. Ito ang binalian ko. Kanina lang ay ang tapang niya, ngayon ay umiiyak siya. Hindi mo talaga aakalain na ganon kabilis magbago ang ihip ng hangin.
"Ma-matapang ka lang d-d-dahil m-may baril ka." umiiyak siya pero ang sama ng tingin niya sa akin.
Tumango ako sa sinabi niya. "Tama ka, dahil sa baril na ito. But I prefer using this one para sa mga taong walang kuwenta at ninais lang maghanap ng gulo. Hindi ko aaksayahin ang pawis ko sa inyo lang."
Hindi siya sumagot.
"You know what, I will let you live." ngumiti ako.
But I shoot his right knee. Malakas na hiyaw ang nagawa niya sa sakit. His right knee is bleeding habang 'yung kaliwa naman ay bali ang buto.
"Puta ka," nanghihinang sigaw niya.
Now, I need to clean up my mess. I retraced my footstep and found my shell casings. Isa-isa ko iyon dinampot at sinilid sa bulsa.
Nalingunan ko si Levi at nakita ang gulat nito sa nangyari. Nailing ako at dumiretso na pabalik sa sasakyan.
"You react like that when you're used to this?" I asked, pagbukas ko ng pinto.
"I am! Pero hindi ko inaakala na kaya mo na!"
Natawa ako sa sinabi niya. Sasakay na sana ako ng may bumusina sa malayo. Isang puting BMW big bike ang papunta sa direksyon namin galing ng Contario.
Huminto ito sa gilid namin. Nagtanggal siya ng helmet at nakita na babae siya. Mahaba ang buhok niya at maputi, maganda siya! Na-insecure agad ako sa lips niya, ang reddish at ang pouty. Damn it!
"You must be Alena?" naka ngiti niyang tanong.
Tumango ako, still mesmirized by her beauty.
Bumaba siya sa motor at pinagmasdan ang paligid, nakita niya ang mga bangkay sa kalsada maging ang natitirang lalaki na nagaagaw buhay na ngayon sa dami ng dugong nawawala sa kaniya. Sad, akala ko mabubuhay siya.
Lumapit siya roon sa lalaki. Naglabas siya ng dagger at maingat na hiniwa ang pulsuhan nito sa leeg. Damn that move! Masiyadong precise ang pagkakahiwa niya.
I look at Levi and gave him a sino-itong-babae-na-ito look pero nag kibit balikat siya sa akin tanda na hindi niya rin kilala.
Hindi pa ako ganoon katagal sa Contario but I have seen and familiarize many faces at ito ang unang beses na nakita ko siya.
"When it comes to Riverle, huwag kang magiiwan ng buhay. Even if it's dying, kill it already. Ang isang segundo na natitira sa buhay niya ay maaaring magdulot ng pagka-expose ng pagkatao mo." she said that, smiling.
Gamit ang panyo na nasa bulsa, pinunasan niya ang dagger niya at ibinalik ito sa shelf niya.
"Riverle's expertise is fishing. They hear a name and they can get that name's background in a second."
Damn! Sinabi lang naman niyang careless ako indirect 'man o hindi, nasampal ako roon.
"Anyway, I came here because of an order to bring you back to Contario." naglakad na siya pabalik sa motor niya at sinuot ang helmet niya.
"Order?" tanong ko, wala nang ibang masabi.
"Halos baliktarin na niya ang Contario mahanap ka lang. Rehan is really angry right now." she said that tapos ngumisi pa.
Nanigas ako sa kinatatayuan at nakaramdam ng panlalamig. Damn it! He's back!