"Follow up order number 40!" sigaw ko sa kusinera. Tanghali at marami ang customer kaya hindi na rin mag kanda ugaga ang mga staffs ko. Mahaba ang pila at na iintindihan naman 'yon ng mga suki ko pero may ibang customer din talaga na mainipin at hindi ko puwedeng isisi yon sa kanila. "5 minutes ma'am, dalhin na lang po namin sa table niyo." nakangiti ang staff ko. Walang nagawa ang customer kung hindi maghintay pa. My staffs are trained to work fast, sadyang dagsa lang talaga ngayon dahil Sunday at tanghali pa. Usually talaga pag mag week end na, doon kami dinadagsa. Kahit ang isa kong guard ay tumulong na rin sa pag liligpit ng pinagkainan. I need to remind myself na dagdagan ang sahod niya. I smiled at Kuya Dodong. "Kuya, hindi mo na trabaho yan!" Ngumiti ito sa akin ng maayos at h

