Papa's program finally started at 3 pm. Napuno ang lahat ng seats at talagang kinulang pa dahil may mga nakatayo na. Marami ang bata sa gilid at lahat ay masayang nakikinig sa program na hinanda ng emcee. May naimbatahan na kakanta at sasayaw. Pagkatapos niyan ay ang maraming palaro na may prizes na candies para sa bata at simpleng mga keychain lang ang para sa matatanda. Napuno ng tawanan ang buong beach side dahil sa kasiyahan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan ang matawa kapag may nadadapa sa mga naglalaro, o natutumba. Si Papa at Mama, nakaupo lang sa gilid sa isang special na table and chair para sa kanila. Ang sosyal talaga. Simpleng birthday lang ni Papa yan, paano kapag 50th birthday na? Tito Lucio sponsored the alcoholic drinks. Malaki rin ang ginasta niya sa dami ng dinala niya

