If there's one thing I don't want to happen right now, that is to never make Rehan mad. He kills when he's mad, it's Sunday, I don't want him to kill someone today.
Wait, I just killed!!
Oh, no! What have I done? I broke my very first rule! Sunday is supposed to be my relaxing day! No bloods, no stress! Ughh!
Nawala sa isip ko ang araw ngayon. Haaay, now I'll have to deal with the mad Rehan again.
We've been together for a year, in that short period of time nakilala ko na ang unang yugto ng pagkatao niya. He's always jealous! Para naman maganda ako para may pagselosan siya. Hindi ako maganda, my face is the typical look of a Filipina. But I'm no pango! Matangas naman ang ilong ko, kayumanggi and I'm chinita. My hair is pure black and I'm small. Madalas sa pinay ang pandak.
Silvana is not just beautiful, she's gorgeus! Maputi siya, matangos ang ilong at tapos iyong mata niya masiyadong malamya ewan yung parang aakitin ka talaga, ganon? Ang pula rin ng lips niya samantalang iyung sakin ay namumutla. Kahit may ilan siyang freckles sa mukha, hindi iyon nakabawas sa ganda niya. Heck, it makes her even hot more!
Napaka-unfair! Ako tigyawat lang, oily pa. If she only wear dresses and heels, she would look like an elegance lady. Pero ang boyish kasi ng dating nun. Palaging naka jogger, Nike slippers, XL na sweat shirt— whatever!
Mas maganda siya pero mas babae ako manamit sa kaniya. She even uses sports bra instead of brassier! Kakaiba talaga.
I glance at my friend beside. Tahimik lang siya at waring may malalim na iniisip.
Levi did not talk to me again, we were silent sa buong biyahe pabalik. Siguro na-feel na niyang hindi maganda ang mood ko idagdag pa noon na naroon na si Rehan. Marahil natatakot siya roon o ano. Ayoko ng isipin pa.
I sigh heavily. Pagpasok ko sa parking ay natanaw ko agad ang pigura niya sa slot ko. Kahit pa sa malayo, tanaw ko na ang madilim nitong tingin sa sasakyan ko. Bumilis ang t***k ng puso ko, totoong kinakabahan.
Anong sasabihin ko? Napaka-seloso pa naman niya. Tumabi siya ng mag-park ako. Napakagat ako sa labi ng makita si Rehan sa prenteng nakatayo habang ang dalawang kamay ay naka sukbit sa magkabilang bulsa ng maon pants niya. Napapikit ako ng ma-sense na naka kuyom ito.
I hesitated a bit pero nagulat ako ng lumabas bigla si Levi. Pinatay ko ang makina pero nakita kong lumapit si Levi kay Rehan at nakita kong nagusap sila. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.
Malamig at madilim na titig agad ni Rehan ang sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa kaniya na parang wala lang at bakit, wala naman akong ginawang masama.
Taas noo akong lumapit at humalik sa pisnge niya.
"Nandito ka na pala, hindi ka nagsabi." I said, after I kissed his cheek.
Nagigting ang panga niya, hindi umimik.
"Mauna na ako, Alena." Levi smiled.
Tumalikod na siya at hindi na ako hinintay na makapag pasalamat pa. Binalik ko kay Rehan ang tingin at nakitang umuusok na ang ilong niya.
I couldn't help but giggle. He's so cute damn it!
"Where were you?!" his voice thundered and I think kahit ang taong na sa loob ng sasakyan ay narinig iyon.
I rolled my eyes. "Alam mo naman kung nasaan ako diba?"
"Yes, and you should have wait for me dahil alam mong sasamahan kita kahit na saan. Bakit nagyaya ka pa ng iba at lalake pa?" halos magdikit na ang dalawang perpekto niyang kilay sa inis.
Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ito sa baywang ko. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang niya para yakapin siya.
"I'm sorry. Hindi ka kasi nagpaparamdam at iniisip ko na pagbabawalan mo akong pumunta roon."
"What?!" he asked, "I know how much important for you to go there every week end. Tingin mo ba'y ganoon ako kasama para ipagdamot iyon sa iyo? If you just wait a bit more minute, maaabutan kita at ako ako sasama sa iyo!"
I sighed. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya para itago ang nahihiya kong mukha. Damn it! Malay ko ba! Hindi ko ine-expect ito. Inisip ko na pati iyon ay ipagbabawal niya since he's so over protective of me.
"Sorry na."
Huminga siya ng malalim. "at sa dinami-rami, bakit ang lalaking 'yon pa?"
"Are you really jealous of Levi?"
Hindi siya sumagot.
"Don't be. Hindi kami interesado sa isa't isa. We're friends and nothing more than that, hmm?"
I smiled at him. Binuksan ko ang sasakyan at kinuha ang mga takeouts na pinamili kanina. Rehan helped me bringing those. We walked back to my dorm kung saan din siya halos tumira na.
"Dario came to me."
Tumingin agad siya sa akin at nakataas ang kilay. Natawa ako sa reaksyon niya. Selos na naman ang baby ko.
Naalala ko lang kasi 'yung pinagusapan namin noong nakaraan.
"What did he tell you this time?" seryoso niyang sabi.
He also found out it was Dario who brainwashed me. Of course nagaway sila, nagsuntukan ganon ganon parang bata, pero nagayos din naman sila after that.
"It's about the officers cooking something to question my promotion."
He sighed like he knows what I'm talking about.
"I knew they would do that. But you have nothing to worry, Ali. I had things under control."
"He said he's going to help me, that you won't be enough to dismantle the officers given your current position."
I heard him cursed. Ngumisi ako, malamang iniisip niyang lalamangan lang siya ni Dario.
"You believe him? Well, he's quite right but he's wrong when I can't dismantle the officers."
Tumingin ako sa kaniya ng hindi naniniwala. "Rehan, your current position holds only 40% of power and the officers are in a higher position than yours. Alam natin na kahit ikaw ang heir, your father wouldn't take your side just like that as he values position and integrity."
"Baby, do you really think I'm incapable of these things?"
Umiling ako, of course not! "Maybe Dario is right, let him help me. Ayokong masira ang pangalan mo sa sarili mong ama kung patuloy mo akong tutulungan."
"You are my girlfriend, I will help you at any cost."
"I know and that's exactly what they knew. I'm gonna lose this position, Rehan. We need Dario, o kung sasarilinin mo lang ito, I might ask Glaq to just transfer me to another department with a different position lower than this."
"You won't be needing his help baby, trust me in that. And I don't like it when you're asking for his help when I can certainly provide everything for you!"
"Please, Rehan. This is not the time for you to be jealous—"
"I'm not, I just don't see your point asking somebody else' help when I had things under my control already."
Hindi ako nakapag salita. This is getting harder than I thought. I should have known that convincing Rehan was like convincing Atheist that God exist.
"Just don't do anything baby. Let me play this game for you."