Chapter 1
“Good morning!!” sigaw ko.
Isa na namang umaga na puno ng pag-asa at saya!
Iminulat ko na ang maganda kong mata at inunat ang slim kong mga braso.
Hay…
Ang umaga talaga ang pinaka-favorite kong araw. Ewan ko ba? Mayroon talagang kakaiba sa umaga na automatic na nagbibigay sa akin ng sigla.
Siguro ay dahil na rin sa fact na buhay pa ako.
Bonus na ‘yon.
Tumayo na ako at lumapit sa maliit na aquarium na nakapatong sa lamesa sa may bintana ng maliit kong silid. Agad akong napangiti nang makita ang mga alaga ko.
“Good morning, Chuchay! Good morning, Babi!” bati ko sa alaga kong mga tilapia.
Oo, tilapia sina Chuchay at Babi. Isang pares sila na matagal ko ng inaalagaan. Siguro ay two years na sila sa akin.
Ang lalaki na nga nila dahil nga sa well loved sila.
Kumuha ako ng pagkain nila at dahan-dahang ibinuhos sa aquarium. Agad silang lumangoy palapit na parang may pa-free buffet.
Napangiti ako.
“‘Yan, busog na naman kayo. Pero alam niyo…” napapailing kong sabi. “Hindi ba kayo nalulungkot diyan? Dalawa lang kayo. Kailan ba kayo magbebembangan para magkaapo na ako?”
Ewan ko ba sa dalawang ito.
“Siguro baog ka, Chuchay? Ang tagal mo na kasing hindi nangingitlog e!”
Tahimik pa rin kaya napailing na ako.
“Sige kayo! Ipiprito ko kayo!” banta ko pa.
Para namang nakaintindi ang dalawang isda at lumayo bahagya sa akin.
Natawa ako ng kaunti.
“Baby! Nasaan ka na ba?!”
Napatayo ako nang maayos noong marinig ko ang boses ni Nanay.
Oo nga pala!
Dali-dali na akong nagbihis. Nakalimutan ko na kailangan palang maaga kami ngayon sa palengke. Linggo ngayon at peak hours ng mga gutom.
Nagsuot ako ng pink bralette at mahabang palda. Sinuklay ko ang bahagya kong kulot na buhok at inayos iyon.
Sanay na ako sa ganitong suotan.
Actually, ito na nga ang uniform ko sa palengke.
Marami ang nagtataas ng kilay.
Bakit ba? My body, my rules!
Isa pa—sayang naman kung hindi ipapakita. Malapad ang balakang ko, maliit ang baywang, at… well, gifted sa taas. Bonus pa na kahit laki ako sa hirap, makinis pa rin ako.
Hindi ko kasalanan kung pinagpala ako.
Inggit na lang sila.
At mas lalo pang naiinggit dahil madalas maubos ang paninda ko sa kanila.
Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Hanggat wala naman akong inaapakang tao, ay go lang ako sa buhay.
“‘Nay! Ano pong almusal?” tanong ko pagkalabas ko ng silid ko.
Tumigil si Nanay Kleng sa pag-aayos ng dadalhin namin sa palengke at napatingin sa akin. Nangunot agad ang noo nito.
“Ano na naman ‘yang suot mo, Baby? Magpalit ka nga roon! Isda ang binibenta natin. HIndi ikaw!” inis na sabi nito.
Napangiwi ako sa sinabi ni Nanay. Siya ang number one basher ko sa mga choice of clothes ko
“‘Nay, hindi ba ako maganda?”
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nanay. “Anak kita, Baby. Kaya maganda ka. Pero hindi ko gusto ‘yang mga suot mo! Hindi mo ba naririnig ang mga tsismis nila sa ‘yo sa palengke? Hindi lang daw tilapia ang binibenta mo, pati ang tilapia mo mismo!”
Naiikot ko ang mga mata ko. Lumapit na ako sa kaniya at tinulungan siya sa pag-aayos ng styrofoam.
“H’wag mo na sila isipin, ‘Nay. Ang isipin mo na lang ay ako talaga ang pampaswerte mo.”
Napapailing si Nanay. Kahit naman ganito siya magsalita, alam ko na nag-aalala lang siya sa akin. Pero mabuti na lang at supportive pa rin siya.
Ilang sandali pa ay umalis na kami ni Nanay sa bahay. Naiwan doon ang dalawa ko pang kapatid. Nag-iwan na lang si Nanay ng almusal nila at baon sa school. Habang kami naman ay doon na lang sa palengke kakain. Nauna na kasi roon si Tatay. Alas singko na rin, sigurado na marami ng tao sa kalye trese ngayon.
Pagkarating namin doon ay tama nga ako, marami na ang tao sa palengke ng kalye trese.
Sa totoo lang, marami talaga ang mamimili dito sa palengke. Dito kasi ang bagsakan ng halos lahat ng mga paninda sa syudad namin. Marami ding mga karatig baranggay na dito pa namimili. Isa pa, mura din ang mga paninda namin at sariwa pa.
“Oy! Tilapia kayo diyan! Fresh na fresh! Parang ako!” masayang sigaw ko habang pinapalo-palo ng marahan ang mga isda naming paninda.
Hindi lang naman tilapia ang paninda namin, may iba’t ibang klase din ng mga isda. Pero mas marami lang ang tilapia dahil mula pa ito sa mga alaga nila Tatay.
Kasali kasi sa isang organisasyon si Tatay at nag-aalaga sila ng mga tilapia. Isa kami sa araw-araw na nagha-harvest doon at nagbibenta niyon sa palengke.
“Tilapia na, Ma’am! Sir! Bili na kayo!” tawag ko sa mga napapadaan na customer.
Madalas ay napapatigil ang mga ito at tumitingin sa pwesto ko. Agad ko naman silang kinakawayan kaya lumalapit sa kanila.
Kung sa pagbibenta lang siguro ng isda ay masasabi ko na ako na ang pinakamagaling. Walang sino man ang hindi napapabili sa akin kapag naririnig na nila akong mag-sales talk sa kanila.
“Ay sus! Dumali na naman ang isa diyan!”
Napatigil ako sa saglit sa pagbibilang ng sukli para sa customer ko noong marinig ko ang boses ng nagsalita. Si Dianne, ang anak ng may-ari sa kabilang stool. Nagtitinda rin sila ng mga isda, pero hindi kagaya namin ay madalas may natitira sa kanila. Kaya galit na galit at naiinggit sila sa amin dahil nga malakas akong bumenta.
Lalo na ‘yang si Dianne. Inggit lang siya kasi mas mataba siya sa akin at maitim. Talbog na nga siya ng mga paninda ko, insecure pa siya sa akin.
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
“‘Yan! Thank you sa pagbili, Sir! Balik ka ulit bukas!”
Kumaway pa ako rito. Ngumiti naman nang malapad ang lalaki. “Aba’y syempre! Babalik talaga ako agad bukas! Narito ka pa rin ba?”
Marahan akong tumango. “Yes, SIr. Kaya balik lang kayo!”
Napangiti nang malapad ang lalaki. Bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Partikular sa may dibdib ko. Marahan pa itong nagbasa ng labi gamit ang dila.
Napangiwi ako. HIndi na bago sa akin na may ganitong lalaki ang bumili sa amin. Kaya napangiti rin ako nang malapad. Bahagya kong inipit ang mga braso ko sa may dibdib ko at marahang dumukwang sa kaniya para mas makita pa nito ang view ng cleavage ko.
“Bili ka pa, SIr? Baka kulang pa ang ulam niyo?” marahan kong tanong. Pinalamya ko pa ang mga mata ko at bahagyang kinagat ang labi.
Lalo namang parang nabuhayan si Sir. Kulang na lang ay may lumabas na bituin sa mga mata niya dahil sa pagkasabik.
“O-Oo! Isang kilo pa! Hindi! Dalawahin mo na!” dali-daling sabi nito.
Napangiti ako nang malapad. Tumayo ako nang maayos at inabot ang isang libo na nasa kamay niya.
“Thank you, Sir!”
Oo, ako si Beverlyn Ramirez, kilala ako sa palayaw kong ‘Baby.’
Marami man ang napapataas ng kilay sa paninda ko at sa akin mismo, pero alam ko. Hindi nila maitatanggi. Nakahuhumaling talaga ang tilapia ko.
At ito ang kwento ng buhay ko bilang tindera ng tilapia sa palengke ng Kalye Trese.