Donna's Pov: Hindi na ako nagulat nang muling sumabog ang nagtagpong kapangyarihan namin ni Bernadette. Kahit paano ay nagawa kong protektahan ang ulo ko. Hinihingal na napahiga na lang ako sa sahig. Kahit nga si Bernadette ay napasalampak na doon, mabuti na lang at kahit paano ay nasasanay na kami sa kapangyarihan ng isa't-isa. Hindi na kami gaanong nasasaktan pero lagi pa din kaming tumatalsik at lumilipad sa ere na kinasanayan na namin. May isang linggo na nang simulan naming magsanay ng magkasama ni Bernadette. Para sa akin ay matagal na iyon pero kaunti pa lang ang improvement ng combined training namin. Ang nagagawa pa lang namin ay protektahan ang mga sarili namin sa kapangyarihan ng bawat isa. Ni hindi ko na nga magawang mabisita ng madalas si Zen. Isang beses ko pa lang yata

