Chapter 60- Embodiment

2964 Words

Donna's Pov: Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang tinitingnan si Crayon mula sa malayo. Kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya at masaya silang kumakain. Katulad ng dati ay magulo at maingay ang grupo nila. Nangingibabaw ang malakas na halakhak ni Fernando habang ka-trashtalk-an n'ya si Oscar. Nakangiti lang na naiiling sina Queven at Bhrail habang nakikisali sa halakhakan si Crayon. Tinanggal ko sa kanya ang mga mata ko at itinutok sa pagkaing nasa harapan ko. Nauna pa ako sa kanila dito sa cafeteria pero hanggang ngayin ay hindi ko pa nagagalaw ang almusal ko. Hindi na din iyon mainit at kahit ang gatas na kasama niyon ay lumamig na. Muli akong nagnakaw ng tingin sa grupo nina Crayon. Malakas na ang halakhakan nila dahil sa kalokohan ni Fernando. Hindi lang din ako ang napapatingin s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD