Donna's Pov: "Okay lang kaya s'ya? Hindi ba natin s'ya dadalhin sa clinic?" "Hindi ko alam e. Ano na naman kasi ang ipinagawa sa kanya nina GrandMaester? Tingnan n'yo nga oh, mukha s'yang pagod na pagod. Said na said ang lakas ni Donna." "H'wag nga kayong maingay. Baka mamaya magising si Donna. Ang gulo-gulo n'yong tatlo." "Hoy Dice, buhatin mo na kaya papunta sa dorm si Donna? Para mas makapagpahinga s'ya ng ayos." "Oo nga. Hindi 'yong nandito s'ya. Saka paano pala s'ya napunta dito? Dito pa talaga s'ya dumayo ng pagtulog." Ang mga boses na iyon ang tuluyang gumising sa akin. Medyo nasilaw pa ako sa liwanag ng ilaw. "Bess!" Agad na tinabig ni Bernadette ang iba naming kaibigan nang makitang nagising na ako. "Mabuti naman at gising ka na. Okay ka lang ba? Gusto mong dalhin ka namin

