Donna's Pov: "Natatandaan mo ba ang pinagawa ko sa'yo noong mga nakaraang araw?" Sinulyapan ako ni Miss Thalia. Tumango ako at tiningnan ang ginagawa n'yang pagsasaayos ng nasirang body tissues ng ibong naghihingalo na. Marahan ang bawat galaw ng mga kamay n'ya, tila ba ingat na ingat s'ya sa ginagawa. Dalawang ibon ang nasa harapan namin. Ang isa ay ang ginagamot ni Miss Thalia at ang ikalawa ay ang wala nang buhay na ibon. "Opo." May dalawang linggo na mula nang magsimula kami ni Sir Myel para sa training ko sa pagkontrol ng isa ko pang kakayahan. The ability to give life. Iyon na din ang pinagtuunan namin ng pansin sa training. Kalahating araw lang akong nagsasanay para sa physical training at ang kalahating araw ay para dito na. Hiningan nga lang ng tulong ni Sir Myel si Miss T

