Donna's Pov: "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Pang-ilang tanong na 'yon ni Dice mula kanina. At kahit pa nga nagamot na ako ng mga healer ay parang ayaw pa ding maniwala ni Dice na maayos na ang kalagayan ko. Naisara na din ang mga natamo kong sugat kaya maayos na maayos na ang binti ko. Kayang-kaya ko na ngang magtatalon. Wala na din ang mga galos at gasgas na nakuha ko mula sa pakikipaglaban sa Dark Spirit na iyon. "Okay na ako. Huwag ka nang mag-alala." Sabi ko at bahagyang nilingon ang pinanggalingang silid. Kagagaling ko lang sa opisina ni GrandMaester at kakatapos n'ya lang akong kausapin tungkol sa nangyari kanina. Hindi na din naman n'ya ako tinanong pa dahil sa wala din naman akong alam sa kung ano ang talagang nangyari. Wala sa loob na napabuntong-hininga ako. "Bakit?" A

