Venice' Pov: The same scene keeps happening all over again. Paulit-ulit na pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Hindi pa nakatulong ang matitinis at masasakit na boses na pilit tumatawag sa akin. Ayoko na! Gusto ko nang matapos ang hirap na pinagdadaanan ko! Isinigaw ko iyon ngunit walang boses na lumabas mula sa akin. Napipi ako at ang tanging nararamdaman ko ay ang kilabot sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa pare-parehong sitwasyon. Muli akong napatili nang maramdaman ko na naman ang paglipad ng katawan ko sa ere. Bago pa ako makakilos para protektahan ang ulo ko ay bumagsak na ako sa tambak ng mga plywood. Napaluha na lang ako nang maramdaman ang pagbaon ng ilang mga kahoy at pako sa likuran ko. May dugong umagos sa bibig ko at maging ang sikmura ko ay nagdudugo na din. Teka...

