Chapter 22 Mikay's POV Nandito ako ngayon sa mall kasama si Manang Yolanda habang naglilibot kami sa second floor, may kakaiba akong naramdaman, tila may sumusunod sa amin. Paglingon ko, nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Father Aris. Walang emosyon ang mga mata niya at namamaga rin ito. “Why are you following us?!” Hindi siya sumagot, umiling lang ito sa akin. Napangiwi na lamang ako. Sinungaling talaga. Obvious naman na sinusundan niya ako. “Okay, get lost!” hinila ko ang kamay ni Manang Yolanda, dumiretso kami sa dressing room upang sukatin ang mga napili naming damit. “Hindi ba't siya iyong kaibigan ng kuya mo, Mikay? Bakit siya nandito?” naguguluhan na tanong ni Manang sa akin. Habang sinusukat ko ang cocktail dress, sumagi sa isipan ko ang gabi kung kailan nakuha ni

