bc

Seducing, Father Aristotle

book_age18+
307
FOLLOW
2.6K
READ
forbidden
HE
age gap
heir/heiress
drama
lighthearted
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Siya si Fr. Aristotle Villarizon o kilala ng mga tao bilang Fr. Aris. Siya ay nadestino sa Bayan ng San Juanico, nang dumating siya sa bayan na ito ay nagbago ang takbo ng panunungkulan niya sa simbahan at iyon ay dahil kay Mikay ngunit pilit niyang nilalabanan ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga. Magagawa kayang mapigilan ni Fr. Aris ang kaniyang nararamdaman kung si Kupido na mismo ang naglalapit sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Simula
Ang lahat ng residente sa bayan ng San Juanico ay nae-excite sa pagdating ng bagong pari sa kanilang parokya, ngunit ang dalagang si Mikaela, o kilala sa palayaw na Mikay, ay wala itong pakialam. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya at mas lalong wala siyang pakialam sa mga taong nakakasalamuha niya . Nagpasya si Mikay na maglakwatsa sa isang parke kasama ang pusa niyang si Muning, mahal na mahal niya ito dahil ito ang pamilya niya. Ulila na kasi siya at sa lansangan siya nakatira. Nakaupo si Mikay malapit sa swing. Isang pamilya ang nakita niya at di niya mapigilan ang sarili niya na mainggit dahil minsan ay hindi niya naramdaman na may nagmamahal sa kaniya. Ang tingin ni Mikay sa kaniyang sarili ay isang basura, walang kwenta at malas. “Muning, wag mo akong iiwan ah? Tulad ng ginawa ng mga magulang ko sa akin, dahil di ko kakayanin kapag mawala ka sa akin. Ikaw lang ang meron ako,” naluluhang sabi niya sa kaniyang alagang pusa na si Muning at sabay niya itong niyakap ng mahigpit. “Mahal na mahal kita, Muning.” Alas otso na ng umaga at medyo mainit na rin ang sikat ng araw kaya't napagpasyahan ni Mikay na umuwi sa mansyon niya, isa lamang itong sako na pinagtagpi-tagpi at karton naman ang tinutulugan niya ngunit para sa kaniya ay mansyon na ito. Minsan ay sinisira pa ito ng mga kaaway niya sa lansangan. Kung anu-anong raket ang pinasok ni Mikay upang matustusan ang pangangailangan niya sa pang-araw-araw ngunit hindi siya nagtatagal sa mga raket niya dahil ang tingin sa kaniya ng mga tao ay pulubi at basura. Ngunit ni-minsan ay hindi niya nagawang magnakaw, mang-snatch, at maghold-up ng ibang tao. Kahit kakarampot lang ang kinikita niya sa pagtitinda ng mga dyaryo at plastik, kuntento na siya sa anumang meron siya. Galit rin siya sa Diyos dahil sinisisi niya ito sa mga nangyari sa kaniya, dahil iniisip niya na pinapababayaan siya ng Diyos. Sa kabilang banda, dinumog ng mga residente ang bagong destinong Pari na si Fr. Aristotle o kilala sa pangalang Fr. Aris. Masaya ang residente na napalitan ng bagong pari ang kanilang parokya dahil iyong pari na pinalitan nito ay salbahe at mapang-abuso. Kurakot din ito. At hindi maiiwasan na mga kababaihan na mahumaling sa taglay na kagwapuhan ni Fr. Aris. May lahing Kastila at lahing Canadian ito, kaya't lutang ang kaniyang kagwapuhan. “Kung mortal sin ang pumatay ng tao, ngunit sa tingin ko ay mas mortal sin ang umibig kay Father Aris! Oh my god! Ang gwapo niya! So hottie!” “Oo nga, Rizza, handa akong maging makasalanan basta't magiging akin lamang si Father Aris!” kumento naman ni Laila. Halos maihi na ito sa sobrang kilig ngunit si Mikay ay wala pa rin itong pakialam. “ Tsssss,“ tanging bulalas ni Mikay nang marinig ang mga kumento ng mga dalaga. " Ang o-oa ng mga reaksyon nila. But for me, wala iyan sa kagwapuhan ng Muning ko. Siya ang numero-unong gwapo sa paningin ko.” Mariing dagdag niya ngunit napansin si Fr. Aris. Saglit na napatingin sa kaniya si Fr. Aris, tila nakakita siya ng isang anghel na bumaba mula sa langit. “ O-okay ka lang, Fr. Aris?” nag-alalang tanong sa kaniya ng isa sa mga ministro ng parokya na si Cresente at nabalik sa huwisyo si Fr. Aris. “ I'm fine, Minister Cresente,“ “ Sino pala ang dalaga na iyon, Minister Cresente?” tanong ni Fr. Aris, naguguluhang tumingin iyong matandang Ministro kay Mikay habang papalayo ito ng simbahan. “ Hindi ko alam, Fr. Aris at basi sa pananamit nito ay tila isa itong pulubi na napadaan lamang dito sa tapat ng simbahan.“ Tanging naisagot ni Minister Cresente. Tumango si Fr. Aris sa kanya ngunit hindi mawala sa isipan ni Fr. Aris ang taglay nitong ganda na siyang pumukaw sa puso niya. Bago umuwi si Mikay ay bumili muna ito ng pandesal sa isang maliit na bakeshop. “ Sampung piso nga pong pandesal, Manang!” tawag ni Mikay sa tindera. At pagkatapos ay bumili siya ng dalawang pisong tubig, iyong piso-piso na tubig at nilagay niya ito sa isang Ysabella's Drinking water. “ Gutom ka na ba, Muning?” tanong ni Mikay sa alaga niyang si Muning. Saglit na huminto si Mikay sa may gilid ng kalsada at umupo dahil pakakainin niya muna ang alaga niyang si Muning. Kumuha siya ng isang pirasong pandesal at hinati niya ito sa dalawa. Kalahati sa kaniya at kalahati naman kay Muning. Kinain ni Muning ang binigay niyang pandesal at maya-maya ay nilapitan siya ng limang tambay sa kalsada at sinipa siya ng lider nito. “ Oh bakit ka nasa teritoryo namin?” sambit ng lider nito sabay sipa kay Mikay. Umalma ang pusa ni Mikay na si Muning, tila galit na galit ito sa tambay na sumipa sa amo niya. “ Meoooooww!” Inagaw ng mga tambay ang pandesal na bitbit ni Mikay sa kabilang kamay nito. “ Hoy akin iyan!” pilit na inagaw ni Mikay ang pandesal sa mga tambay ngunit sinuntok siya sa tiyan ng lider nito. “ Aaaaaah!” daing ni Mikay. Pinagtatadyakan rin ng dalawang tambay ang pusa ni Mikay na si Muning. “ Meooooooowww!” “ Wag niyong sasaktan, si Manong parang awa niyo na!” nakaluhod si Mikay sa lupa habang hawak-hawak ng lider ng mga tambay ang buhok niya. “ Bakit? may magagawa ka ba kung papatayin namin ang Muning mo?” natatawang sabi nito sa kaniya.At kaniya itong binaliktad, tinulak kaya't napahiga si Lino sa lupa. “ aaaaaaaaah!” daing ng tambay na si Lino. Awtomatikong nakapalibot sa kaniya ang mga kasamahan ni Lino. “ Ayokong sinasaktan si Muning! Pagbabayarin niyo ang ginawa niyo kay Muning!“ galit na sigaw ni Mikay at sabay na ikinuyom ang kaniyang kamao, tila handa na itong sumugod sa apat na tambay. Bahagyang napangisi ang isa sa mga tambay. “ Aba't palaban ito ah? Bro, attack! Wag nyong titigilan hangga't hindi nalulumpo iyan!” sigaw ni Peter, isa sa mga tambay na may galit kay Mikay. “Hindi ako natatakot sa inyo!” buong tapang na sigaw ni Mikay at sabay na sumugod sa apat na tambay. Sa kanyang isipan, bumalik ang mga eksena mula sa mga pelikula ng paborito niyang Chinese actor na si Jet Li. Ang bawat galaw, bawat suntok, at bawat sipa ay tila naka-engrave sa kanyang memorya. Alam niyang wala siyang sapat na lakas para talunin ang mga tambay, ngunit kailangan niyang ipaghiganti ang alaga niyang pusa na si Muning. Agad na sumugod ang apat na tambay kay Mikay. Ang unang tambay ay nagpakawala ng suntok, ngunit mabilis na umiwas si Mikay at ginamit ang kanyang siko upang tamaan ang tagiliran ng kalaban. “Aaaaaah!” daing ng tambay na si Lino habang napahiga ito sa lupa. Ang pangalawang tambay ay sumugod kay Mikay, ngunit mabilis siyang umiwas at ginamit ang kanyang tuhod upang tamaan ang tiyan ng kalaban. “Aaaaaah!” daing ng tambay habang napaluhod ito sa sakit. Ang ikatlong tambay ay nagpakawala ng suntok, ngunit muling umiwas si Mikay at ginamit ang kanyang siko upang tamaan ang panga ng kalaban. “Aaaaaah!” daing ng tambay habang napahiga ito sa lupa. Ang huling tambay ay nagpakawala ng suntok, ngunit muling umiwas si Mikay at ginamit ang kanyang tuhod upang tamaan ang tiyan ng kalaban. “Aaaaaah!” daing ng tambay habang napaluhod ito sa sakit. At nang maramdaman ng mga tambay na hindi nila kaya ang bilis at liksi ni Mikay ay nagsiatrasan ang mga ito sa takot. Sa di kalayuan mula sa kinaroroonan ni Mikay ay nakatayo si Fr. Aris, at nang makaalis ang mga tambay ay agad na nilapitan ni Fr. Aris si Mikay. “ Okay ka lang Miss?” nag-alalang tanong ni Fr. Aris. “ Wag kang lumapit sa akin, di kita kailangan!” taboy ni Mikay kay Fr. Aris. At dali-dali niyang binuhat si Muning, paika-ika siyang naglakad palayo. “ Sandali lang, Miss! Saan ka pupunta?” sigaw ni Fr. Aris ngunit hindi siya nilingon ni Mikay. “ Kumapit ka lang, Muning. Malapit na tayo sa babay natin, magagamot na kita. Kapit lang,” pilit na pinipigilan ni Mikay ang luha sa kaniyang mga mata. Nag-alala si Fr. Aris kay Mikay ngunit mailap ito sa kaniya. Kaya't napagpasyahan niyang sundan ito, at nakaramdam ng awa si Fr. Aris nang makitang pumasok si Mikay sa isang maliit na bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping sako at karton. Hindi niya inasahan ang mga nakita niya. Gustuhin man niya itong lapitan ngunit alam niya na iiwasan at iiwasan lamang siya nito kaya't hindi na niya pinilit pa ang kanyang sarili. Bumalik si Fr. Aris sa kumbento. Sa kabilang banda, pinahiga ni Mikay si Muning sa isang karton at kinuha niya ang amoxicillin na nabili niya 'nong isang araw nang siya'y nasugatan sa ulo na kagagawan ng mga taong walang magawa sa buhay. Nilagyan ni Mikay ng amoxicillin ang sugat ni Muning sa bandang paa, nilagyan niya rin ito ng betadine. At pinunit niya ang manipis na tela na nabili niya sa ukay-ukay 'nong isang linggo upang takpan ang sugat ni Muning dahil natatakot siya na baka ito'y mainspeksyon. “ Wag kang mag-alala, Muning nakapaghiganti na ako sa mga tambay na gumawa sa'yo niyan, simula ngayon wala ng sinumang aapi sa ating dalawa. Ipagtatanggol kita sa mga taong walang magawa sa buhay kundi saktan tayong dalawa. Sa kabilang banda, nang makabalik si Fr. Aris sa kumbento ay hindi niya lubos maisip na nasa ganoong kalagayan ang dalaga. Kaya't pasimple siyang kumuha ng mga gamot, pagkain at damit sa kumbento at may inutusan siyang residente upang ibigay ito kay Mikay ngunit walang kaalam-alam si Fr. Aris na ang residenteng inutusan niya ay isang taon mapanlamang sa kapwa. At walang anumang dumating kay Mikay mula kay Fr. Aris. KINAGABIHAN ay hindi siya makatulog ng maayos dahil si Mikay ang nasa isip nito. Ngunit kailangang pigilan ni Fr. Aris ang kaniyang nararamdaman para kay Mikay dahil labag ito sa batas ng Diyos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook