Mikay's POV
Nagamot ko na si Muning, napagpasyahan kong pumunta sa kumbento. Mukhang kailangan ko ang tulong ng bagong pari na iyon. Pagdating ko sa tapat ng simbahan ay agad akong nagtanong sa isang ministro.
“ Manong, nandiyan po ba ang bagong pari?”tanong ko sa ministro at sumilip-silip sa loob ng kumbento.
“ Ano ang kailangan mo sa kaniya iha?”nagtatakang tanong nito, huminga muna ako ng malalim bago muling sumagot.
Bahagyang ino-observe-ran nya ang kilos ko. “ Gusto ko lang po sana magpasalamat sa kaniya sa pagtulong niya sa akin kahapon,”nagpapacute kong sagot. At dahil ayaw ko sa mga pari, sisirain ko ang reputasyon niya, pare-parehas lang naman sila. Gagamitin ko ang aking taglay na karisma at sisiguraduhin kong masisira ang reputasyon niya, magbibitiw rin siya sa pagiging pari niya. “ Sige na po.” Hinahaplos ko ang braso ng matandang ministro.
“ O sige iha, tatawagin ko lang muna siya.” Nakakadiri ang matandang ito, akala niya siguro papatulan ko siya. Di nga ako pumapatol sa mas bata pa sa akin, kasing edad pa kaya ni kapitbahay kong pulubi na si Manang Yolanda. Pumasok siya sa loob ng kumbento kaya't napangisi ako. Uto-uto talaga tsss...
Maya-maya ay lumabas siya kasama iyong bagong pari. “ Ano ang maipaglilingkod ko sa---”hindi nakatapos sa pagsasalita iyong bagong pari nang masilayan ang aking ganda. Nagulat siya nang makita ako.
“ Good morning po,” bati ko sabay yumukod sa kaniya. Magpapakabait muna ako ngayon sa mga lingkod ng simbahan nang sa ganun ay madali kong masira ang reputasyon nila.
Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin, tila hindi niya inasahan ang pagdating ko. “ A-anong ginagawa mo dito?”nauutal na tanong nito sa akin. Kinagat ko ang ibaba kong labi at sabay na pumulupot sa braso nito na ikinagulat niya at ng matandang ministro.
“ Iha....wag kang pumulupot sa braso ni Father Aris. Kunting respeto naman,” saad ng Huklubang Ministro. Papansin talaga ang isang 'to. Bahagyang hinawi ni Father Aris ang kamay ko sa braso niya. “ Iha, kung ano ang kailangan mo ay sabihin mo na upang makabalik na sa kaniyang tungkulin si Father Aris.”anang Dagdag nito
Napakabitter talaga ng hukluban na ito. Inirapan ko lamang ito. “ Fr. Aris,”itinaas lamang ni Father Aris ang kaliwa niyang kamay, hudyat na pinapatikom niya ang bibig nito. “ Let her be, wag kang mag-alala Ministro Cresente walang masamang mangyayari sa akin, kakausapin ko lang saglit ang dalagang ito.”
“ Ngunit, Father Aris hindi ka po pwedeng sumama o makisalamuha sa mga babae dahil kapag nakita ito ng mga residente dito ay baka ikasira ito ng reputasyon mo.” Giit ng huklubang ministro, pakialamero talaga ang isang ito. “ Alam ko, Ministro Cresente. Mag-uusap lang ho kami ng dalagang ito. Babalik ho agad ako.” Lihim akong napangiti sa mga narinig ko. Sige lang, Fr. Aris!
Hinila ko si Fr. Aris sa likod ng kumbento. “ Father Aris, saan po kayo pupunta?”sigaw ng huklubang ministro. Bahala ka diyan, magkakagoiter ka sanang matanda ka!
“ Saan mo ako dadalhin miss?” tanong nito habang kinakaladkad ko siya papunta sa likod sa kumbento. Itinulak ko siya at sabay na isinandal sa pader. Kinorner ko siya gamit ang dalawa kong kamay. At wala siyang takas sa akin!
Sunod-sunod ang paglagok niya nang unti-unting kong ilapit ang mala-Marian Rivera kong labi. “ A-anong ginagawa mo, Miss?” nauutal na tanong nito at mas lalo akong natrigger sa reaksyon niya. “ Diyos ko patawarin mo sana ang dalagang ito, di niya alam ang ginagawa niya.” Rinig kong bulong nito at mariing napapikit.
At agaran kong idinampi ang labi ko sa labi niya. Bumilis ang t***k ng puso nito sa kaba. Nanlaki ang mga mata niya. First time niya atang mahalikan ng isang dalagang pinaghalong Maria Makiling at Marian Rivera.
Itinulak niya ako.“Labag sa diyos ang ginagawa mo iha!” sambit nito sabay takbo palayo sa akin. Labag ng Diyos mukha mo, ulol ka, Fr. Aris. Nakangisi akong nakasunod sa kaniya at para siyang hinahabol ni Kamatayan. Gago talaga ang pari na ito. Dampi pa nga lang iyon ay halos ikabaliw na niya. Paano na lang kaya kung sisipsipin ko ang dila niya.
Dumiretso ako sa isang carwash. Maghahanap-buhay muna ako upang mabuhay ko ang aking sarili lalo na si Muning.Hinahayaan lamang ako ng may-ari ng car wash. Naawa na rin siguro ito sa akin o nadali siya sa taglay kong ganda. "Manong, ako na po ang mag-carwash. Bigyan mo lang ho ako ng bente pesos pangkain lang po," bungad ko sa kakarating na kotse.
Bahagyang binuksan ng driver ang bintana ng kotse. "Pasensya ka na, Miss. Hindi kami nagpunta dito para magpa-carwash. Nagpunta kami dito para kausapin ang may-ari ng carwash na ito," sabi ng driver sa akin. Bakit nila hinahanap si Manong Felicio? Kamag-anak kaya niya ang mga ito?
May nahagilap akong ginang sa loob ng kotse. Base sa panlabas na anyo nito, sigurado akong big time ito. Sa pananamit pa lamang niya, halatang mayaman siya.
"Okay po, Manong."
Dahil wala namang nagpapa-car wash, doon muna ako sa tindahan ni Aling Bebang. Maghuhugas ako roon ng plato upang makalibre ng pananghalian. Iniwan ko si Muning sa kapitbahay kong si Manang Yolanda doon sa ilalim ng tulay. Hindi ko kasi ito pwedeng isama dahil may sugat ito sa bandang paa. Baka kasi maimpeksyon ang sugat niya.
Tatalikod na sana ako nang makita kong pinagbuksan ng driver ang ginang. Inakay niya ito palabas ng kotse. "Madame Clarissa!" awtomatiko akong napatalikod nang marinig ang boses ni Manong Felicio. Umalis na lamang ako. Kailangan ko na talagang maghanapbuhay. Hindi pa kasi ako kumain.
Pagdating ko sa restaurant ni Aling Bebang ay agad akong nakiusap sa kaniya na maghugas ng plato kapalit ng pang-agahan at pananghalian naming dalawa ni Muning. Uuwi rin kasi ako mamaya.
"O sige sige, Mikay. Kailangan ko rin taga-hugas ngayon, absent kasi si Melinda eh," sagot nito na labis kong ikinatuwa.
"Maraming salamat ho, Aling Bebang." Mariin kong pasasalamat kay Aling Bebang at nagsimula na akong maghugas ng mga pinggan. Medyo marami ang mga customer niya ngayon.
"Father Aris, Ministro Cresente. Anong maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?" napahinto ako sa paghuhugas nang marinig ko ito.
Anong ginagawa nila dito? "Kakain ho kami dito Aling Bebang, ibinalita kasi sa akin ni Ministro Cresente na magaling ka raw magluto ng balbacua," sagot ni Fr. Aris kay Aling Bebang. Kumakain pala ng balbacua si Fr. Aris?
Kasama niya ang huklubang ministro. "Wag kang lilingon sa kinaroroonan nila, Mikay," sambit ko sa aking sarili habang naghuhugas ng pinggan.
"Oo naman po. At kapag natikman mo ang specialty kong balbacua, Fr. Aris, hahanap-hanapin mo talaga ito." Masarap magluto si Aling Bebang, kahit anong putahe ay kaya niyang lutuin. Ang specialty niyang dish ay balbacua at iyon binalik-balikan ng mga customer niya.Ilang sandali ay tinawag ako ni Aling Bebang. "Mikay, pakiligpit nga itong pinagkainan ni Fr. Aris at ni Ministro!" tawag nito sa akin.
"Sige po, Aling Bebang!" Nakayuko akong nagtungo sa kinaroroonan nila Fr. Aris at Ministro.
At nagtama ang paningin naming dalawa ni Fr. Aris. "Dito ka pala nagtratrabaho, Miss?" seryosong tanong nito sa akin habang pinupunasan ang bibig niya gamit ang tissue.
"Raket ko lang ho ito, Fr. Aris," taas-noong sagot ko kay Fr. Aris at ang sama makatitig ni Ministro sa akin.
“Kumain ka na ba, Miss?” tanong ni Fr. Aris sa akin.
“Hindi pa po, Fr. Aris. Bakit ho, ililibre mo ba ako?” pang-aakit kong tanong sa kaniya. Halos pumutok na ang budhi ni Ministro nang sambitin ko ito.
“Kumuha ka ng kahit ano, Miss. Ako ang magbabayad!” sagot nito sa akin, at di nagustuhan ni Ministro ang sinabi ni Fr. Aris. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko kaya't hindi ko na ito tatanggihan. “Maraming salamat ho,” sambit ko sabay pisil sa mukha ni Fr. Aris.
At mas lalong sumama ang titig ni Ministro sa akin. Nagseselos ba siya? Tsss...
“Mikay, pakiligpit na iyan!” kalmadong sambit ni Aling Bebang.
Dali-dali kong dinala sa lababo ang mga platong pinagkainan nila Fr. Aris at Ministro.
At hinugasan ko ito. “Mikay, halika ka rito!” muling tawag sa akin ni Aling Bebang.
Pagdating ko, bumungad sa akin ang tatlong putahe ng ulam, kabilang na roon ang balbacua na paborito ko. “Naawa sa'yo si Fr. Aris kaya't nilibre ka niya. Kumain ka muna, Mikay.” Uupo na sana ako ngunit naalala ko si Muning.
“Oh bakit, Mikay? May problema ba?” nag-alalang tanong ni Aling Bebang sa akin.
“W-wala po, Aling Bebang. Naalala ko lang ho si Muning. Pwede ko ba siyang dalhan nito mamaya pagkatapos kong kumain? Babalik din ho agad ako dito.” sagot ko sa kaniya.
“O sige, Mikay. Papayagan kita, kumain ka muna upang hindi ka malipasan ng gutom.” Agad kong sinunggaban ang tatlong putahe na nilibre ni Fr. Aris sa akin. Hindi na rin nagtagal sina Fr. Aris dahil inaya na siyang bumalik sa kumbento ng huklubang ministro na kasama niya. Pagkatapos ay saglit akong umuwi, dala ang pritong isda. Paborito kasi ito ni Muning.
Aristotle's POV
Nang masilayasan ko ang angking ganda ng dalaga ay hindi na ako makapagconcentrate sa aking trabaho dito sa loob ng kumbento..At di ako makatulog ng maayos dahil sa tuwing pipikit ako ay mukha ng dalaga na iyon ang nakikita ko. Until now hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan nito.
Habang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko ay biglang may kumatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko dito sa kumbento. Agad ko itong pinagbuksan ng pinto at bumungad sa akin si Ministro Cresente.
“ May kailangan po ba kayo sa akin?”
“ May dalagang naghahanap sayo sa labas. Nais ka raw niya makausap ng masinsinan," sagot nito sa akin. Sino kaya ang dalagang ito? Agad akong lumabas ng kwarto at lumabas ng kumbento kasama si Ministro. Nang makita ko iyong dalagang nakikipagbasag-ulo kahapon sa mga tambay ay bigla akong natameme at muling sumagi sa isipan ko ang ginawa niya kahapon sa mga tambay. Nakabestidang pula siya at mas lumutang ang ganda niya sa kaniyang suot. Nakalugay ang kanyang buhok.
“ Ano ang maipaglilingkod ko sa----” natigilan ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya.
“ Good morning po!”bati nito sa akin. At dahan-dahan akong naglakad papalapit sa akin.
“ Ano ang ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong sa kaniya, napakamisteryoso niya talaga. Ngunit nagulat ako nang bigla itong pumulupot sa braso ko. “ Iha....wag kang pumulupot sa braso ni Father Aris. Kunting respeto naman,”saway ni Ministro Cresente sa dalaga. “ Iha, kung ano ang kailangan mo ay sabihin mo na upang makabalik na sa kaniyang tungkulin si Father Aris.”
“ Fr. Aris,”mariing giit ni Ministro sa akin ngunit itinaas ko lamang ang aking kaliwang kamay upang patikumin ang bibig nito. . “ Let her be, wag kang mag-alala Ministro Cresente walang masamang mangyayari sa akin, kakausapin ko lang saglit ang dalagang ito.” Ngunit, Father Aris hindi ka po pwedeng sumama o makisalamuha sa mga babae dahil kapag nakita ito ng mga residente dito ay baka ikasira ito ng reputasyon mo.” Muling Giit ni Ministro sa akin. Alam ko naman na dapat kong pangalagaan ang reputasyon ko, hindi naman ata masama kung makikipag-usap ako sa dalagang ito. Alam ko, Ministro Cresente. Mag-uusap lang ho kami ng dalagang ito. Babalik ho agad ako.”Sagot ko kay Ministro kaya't natahimik ito.
. “ Father Aris, saan po kayo pupunta?”sigaw ni Ministro nang bigla akong hatakin ng dalaga sa kung saan. “ Saan mo'ko dadalhin, Miss?“ tanong ko sa kaniya ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kaniya, ngumisi lamang ito sa akin. Itinulak niya ako sa pader at sabay niya akong kinorner gamit ang dalawang kamay niya. Napalagok ako nang ilapit niya sa mukha ko ang mukha niya.
“ A-nong ginagawa mo, Miss?”
“ Diyos ko patawarin niyo ho sanaa ang dalagang ito dahil di niya alam ang kaniyang ginagawa. ” Mariing akong nanalangin ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mariin niyang idinampi sa labi ko ang labi niya.
Saglit akong natameme.At itinulak ko siya at sabay akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.