Mikay's POV
Pagkatapos kong icheck at pakainin si Muning ay bumalik ako sa restaurant ni Aling Bebang upang tapusin ang sinimulan ko. Mas lalong dinaragsa ng mga customers ang restaurant ni Aling Bebang kaya't marami akong nahugasan na plato. Pagsapit ng alas singko, tinulungan ko si Aling Bebang sa pagligpit.
“ Mikay, halika!” tawag sa akin nito. Dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya.
“ At dahil dinumog ng mga customers ang restaurant ko. Lahat ng natira ay sa'yo na at t'saka ito oh,” may dinukot si Aling Bebang sa kaniyang pitaka. “ tatlong daang piso sa'yo, Mikay!” naluluha akong tinanggap ito, di ko inasahan na bibigyan niya ako ng tatlong daan sa paghuhugas ko ng plato.
“ Maraming salamat po, Aling Bebang malaking tulong na po ito sa akin.” Pasalamat ko sa kaniya, nilagay niya sa plastic ang mga natirang ulam at kanin. Ibinigay niya ito sa akin, bilang pasasalamat.
Nakakapaghugas lamang ako sa restaurant niya kung di papasok ang taga-hugas niya. Siniswerte nga ako ngayon kasi hindi pumasok ang taga-hugas siya, wala sana akong tatlong daang piso at libreng ulam at kanin. May dinukot siyang panyo sa loob ng apron niya, inabot niya ito sa akin. “ Para saan po ito, Aling Bebang?” nakangiwing tanong ko.
“ Panyo iyan ni Father Aris naiwan niya. Paki-daan na lang sa kumbento.” Napakamot na lamang ako sa aking batok at ako'y umalis na.
“ Wag mong kakalimutang idaan iyan sa kumbento, Mikay ah?”
“ Opo, Aling Bebang!”
Pinagtri-tripan ka talaga ni Satanas, Father Aris. I'm cuming! Naaadik ako sa amoy ng panyo niya, napakabango. Pagdating ko sa kumbento ay nakita ko si Father Aris kausap nito ang huklubang ministro.
“ Oh? Iha, may kailangan ka na naman ba kay Father Aris kaya't napadaan ka dito?” nakangiwing tanong ng huklubang matanda sa akin.
Dinukot ko ang panyo nito sa loob ng aking bulsa at sabay ko 'tong inabot kay Father Aris. “ Panyo na ho, naiwan sa restaurant ni Aling Bebang!”
Ang lagkit ng mga titig ni Father sa akin, tila hinuhubaran na ako nito sa paninitig niya sa akin. Kaya't upang mabalik ito sa huwisyo ay mariin kong inapakan ang paa niya. “ Aaaaaaaah!” daing niya pa.
Umusok ang ilong ng huklubang ministro sa ginawa ko kay Father Aris. “ Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo iha? ang walang modo at respeto?”
Sinapian ata ng demonyo ang isang 'to. Papansin talaga ang hukluban na ito. “ Sa tingin mo ba, Ministro? magkakaganito ako kung kapiling ko sila? Hindi naman siguro 'no?” mataray kong tanong sa kaniya pabalik. Attention seeker talaga ang hukluban na ito eh. “ Ganiyan ba ang tamang asal iha?”
“ Sige, po Father Aris aalis na po ako baka kasi sumabog sa galit ang kalbong ministro na iyan.” Mariin kong sambit kay Father Aris. Napapailing na lamang ito sa aking sinabi. Kumaripas ako ng takbo palayo sa kumbento dahil handa ng sumabog sa galit ang huklubang ministro.
Panyo ko ang ibinigay ko kay Father Aris nang sa ganun ay hahanap-hanapin niya ako. Wala ka talagang laban kung si Satanas na ang kumikilos.Tss. Tsss.. At dahil nga apo ako ni Satanas, lumiko ako patungo sa likod ng kumbento. Sa bintana ako dadaan. Papasukin ko ang kwarto ni Father Aris. Para akong akyat bahay sa mga oras na ito. At nagmala-spiderman ako upang makaakyat lamang sa kwarto ni Fr. Aris.
Muntikan pa akong mahulog dahil sumemplang ang isa kong paa. Sakto dahil wala siya. Nanghahalungkat ako mga ebidensya na ikasisira ng reputasyon nito ngunit napalagok ako nang may narinig akong yabag papunta sa silid na ito. Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama. “ Bakit nakabukas iyong bintana? Mahabaging panginoon hudyat naba ito na may bagyong paparating?” rinig kong sambit niya, bukas lang ang bintana niya bagyo agad? Wag naman sana, saan ako titira kung magbabagyo.
Nanlaki ang mga mata ko nang maghubad ito. Mariin akong napalagok. Nagtungo siya sa shower kaya't dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko. Ibinulsa ko ang hinubad niyang brief. Alam niyo ba kung ano ang gagawin ko sa brief niyang ito? Pang block mail ko lang sa kaniya. Agad akong bumaba sa bintana at maya-maya pa ay nakita ako ng tagalinis ng kumbento na si Manong Kanor. “ Iha! Anong ginagawa mo?” gulat nitong tanong, ngumisi lamang ako sa kaniya at sabay na kumaripas ng takbo palayo sa kumbento. “ May akyat bahay!” sigaw nito kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pagod ngunit di ako pwedeng huminto baka maabutan ako nito. Hinabol niya kasi ako. Naging runner tuloy ako ng wala sa oras.
Takbo, Mikay! Wag na wag siyang magsusumbong dahil babalikan ko talaga ang matanda na iyon.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa plaza. At medyo nanunuyo na iyong lalamunan ko kaya't bumili ako ng tubig na tig piso-piso. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos.
Bago ako umuwi, bumili muna ako ng cotton candy. Paborito kasi ito naming dalawa ni Muning.
Aristotle's POV
Napahinto ako sa pagkuskos ng aking ulo nang narinig kong sumigaw si Manong Kanor. Dali-dali akong nagtapis ng tuwalya at mabilis na sumilip sa bintana. Nakita kong may hinabol si Manong Kanor.
Basi sa tindig nito ay alam ko na kung sino iyong hinabol at iyon ay walang iba kundi iyong dalagang unang naka-angkin sa labi ko at ang babaeng umagaw sa akin ng atensyon. Simula 'nung nakilala ko siya, hindi siya maalis-alis sa isipan ko.
“ Ano kayang ginagawa ni Mikay dito?“ tanong ko sa aking sarili. Napapangiwi na lamang ako nang maalala ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Mahabaging Diyos, patawarin niyo ho sana ako, dahil nagkasala ako saiyo. Napapailing akong bumalik sa banyo.
Magbibihis na sana ako ngunit napansin kong nawawala iyong brief na hinubad ko kanina. Saan na napunta iyon? Hinanap ko ito sa buong kwarto ko ngunit hindi ko ito nahanap. Baka pumasok si Manang Lucia, ang labandera dito sa kumbento. Tama baka, nilabhan niya. May ikakasal pa ako bukas kaya't kailangan kong matulog ng maaga.
Nagdasal muna ako bago matulog. Ipinagdasal ko na sana mawala na iyong kakaibang naramdaman ko sa dalagang si Mikay dahil labag iyon sa batas ng simbahan at sa diyos. Hindi kami pwedeng umibig. Kaya't kailangan kong pigilan ang nararamdaman kong ito bago pa masging huli ang lahat.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Naligo ako at nagbihis dahil may ikakasal pa ako mamayang alas otso, mamayang hapon ay may patay naman na ililibing kaya't medyo busy ako ngayon. Hinanap-hanap ko ang balbacua ni Aling Bebang kaya't tinawag ko si Ministro Cresente, magpapabili ako sa kaniya. Alas sais trenta pa ng umaga kaya't may oras pa ako. “ Ministro Cresente!“ tawag ko agad naman itong nagtungo sa aking kwarto.
“ May iuutos po ba kayo sa akin, Father Aris?” tanong nito sa akin.
“ Pwede mo ba akong ibili ng Balbacua kay Aling Bebang. At pumili ka rin kung anong gusto mo.” Sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang libong piso.
“ Oh sige po, Father Aris. Ngayon din po! Aalis na po ako!” paalam nito sa akin at tumango ako sa kaniya bilang tugon. Bente minutos ay nakabalik na si Ministro, bitbit ang isang supot ng plastik.
Inilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa. Tatlo lamang kaming narito sa kumbento maliban sa labandera at si Manong Kanor. Si Ministro ang taga-luto ko dito sa kumbento, marunong naman akong magluto ngunit busy kasi ako at minsan.At nang matikman ko ang especialty ni Aling Bebang ay hinahanap-hanap ko na ito. Sabay kaming kumain dalawa dahil maagang umalis si Ministro Lucio, may pinuntahan raw ito. Ngunit babalik iyon mamayang alas otso.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa washing area, kung saan naglalaba si Manang Lucia upang tanungin kung nilabhan niya ba ang brief na hinubad ko kagabi. “ Manang..” saglit na huminto si Manang sa pagkusot ng pants ko nang tawagin ko ito. Bahagya niyang inangat ang kaniyang ulo.
“ Oh, Father Aris may kailangan po ba kayo?” tanong nito sa akin at sabay na nagbigay galang sa akin.
“ Magtatanong lang sana ako kung nakalaba kaba ng brief ko? Iyong kulay gray kong brief, na may brand na grandsler.” Mariin itong umiling sa akin.
“ Pasensya kana po, Father Aris dahil kulay puti, itim at kulay pula lamang ang nalabhan ko ngayon.”Sagot nito sa akin na ikinangiwi ko. Kung ganun, saan na ito napunta? Wala kasi ito sa kwarto ko.
“ O sige, po Manang salamat po.” Pasalamat ko sa kaniya. Nasaan na kaya iyon?