Kabanata 3

1212 Words
Kabanata 3 Mikay's POV Narinig kong tumunog ang kampana ng simbahan, tila may ikakasal. Dali-dali akong tumayo at sabay na ibinulsa ang brief ni Father Aris. Pasimple akong sumilip sa loob ng simbahan. Ang daming tao, kasal nga ito dahil base sa pananamit nila. Maya-maya pa ay may dumating na isang puting bridal car. Ang ganda! Inalalayan ng isang ginoo ang babae palabas ng bridal car. Ang ganda ng bridal car, pero ang sakay, ang papangit. Hihi. Biglang bumukas ang malaking pinto ng simbahan, pasimple akong pumasok sa loob at pumwesto ako sa kabilang side. May hawak pa akong popcorn sa mga sandaling ito. Maya-maya ay nagmartsa ang bride kasama ang escort nito. Tatay niya ata ito, magkasing-pangit kasi sila. Hihi. Ang ganda ng sounds, ngunit di nababagay sa ikinasal ang tsatsaka. Napapasabay na rin ako sa pagkanta. At nang mahagip ako ng huklubang ministro, bigla akong napatayo. Pinagdilatan ko lamang ito ng mata, bahala siya. Panay sa pagkuha ng litrato ang mga attendee sa bride at sa escort nito. Nagsimula na rin ang seremonya ng kasal. Pagdating ng bride sa altar, nagmano ang groom sa tatay ng bride. At bumeso-beso ang tatay ni bride sa pamilya ng groom. Nang makita ko si Father Aris, sumilay ang satanas smile sa labi ko. Hihi. Di nagtagal ay nagsimula na rin ang seremonya ng kasal. Nagpalitan sila ng “I do’s” at may kunting speech sila sa isa't isa. Na-touch ako sa speech ng girl, di ko alam kung matatawa o maiiyak ba ako. Puro kasi nila ito mga kapilyahan days noong hindi pa sila mag-on. Naol! May memories pa. Hihi. Nakikitawa na rin ako, parang baliw iyong bride dahil iiyak at tatawa ito, mas malala pa nga siya sa akin. Lumakas ang tawanan nang matanggal ang pustiso ng groom. Halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Si bride na mismo ang pumulot ng pustiso ng groom niya. Oy! Sanaol sweet, parang Candy Crush lang. Paborito ko itong laro eh noong hindi pa ninakaw ang Cherry Mobile ko, nabili ko lang ito sa bangketa. At mas lalo akong humagalpak ng tawa nang masagi ng bride ang buhok nito at bigla na lamang itong tumilapon. Ay, gagi! Kalbo pala si groom! Sa kakatawa ko, lumabas iyong sipon ko. Kumuha ako ng panyo sa loob ng bulsa ng jogging pants ko na nabili ko sa ukay-ukay ng bente pesos. Lahat sila ay napalingon sa gawi ko, pati si Father Aris. "Oh, bakit sa akin kayo nakatingin?" “Miss, mali ata ang nakuha mong panyo,” sagot ng isang lalaki sabay takip ng kanyang bibig. Sunod-sunod ang paglunok ni Father Aris habang nakatingin sa akin. Napasign of the cross iyong huklubang ministro. Ano ba kasi problema nila? Sumenyas-senyas sa akin si Father Aris kaya’t bahagya akong napayuko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong brief ni Father Aris ang naipunas ko sa aking ilong, kaya pala naglingon sila sa akin. Dali-dali kong ibinalik ito sa bulsa ko at sabay ngumisi. Lumabas ako at gumapang palabas ng venue. Invisible woman ako sa mga sandaling ito. Wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa akin. Mga bulag ata ang mga ito. Napahinto ako sa paggapang nang may taong nakatayo sa harap ko. Sunod-sunod ang paglunok ko at marahan kong iniangat ang aking tingin. Ayun, nahawa na rin ako sa huklubang ministro. Awtomatikong napasign of the cross ako. Baliktad nga lang, mas nauna ko sa tiyan pataas. Ang sama nitong makatingin sa akin, tila hihigopin niya ako ng buhay. "Who the hell are you? Magnanakaw ka 'no?!" galit niyang sabi sabay hila sa akin. Nanginginig ako ngayon, hindi sa takot kundi sa kapangitan ng taong nasa harap ko. Iyong ilong niya ay parang nasa gyera na takot matamaan ng bala, sobrang dapa. Iyong mga mata niya ay kasing laki ng mata ng owl. Natawa na lang ako bigla, dahil naalala ko si Smeagol sa kaniya, iyong nasa The Lord of the Rings, yung laging bukambibig ay "PRECIOUS" sabay ngisi. Namula ang mukha nito sa galit. "Pinagtatawanan mo ba ako ha, babae?" Buti naman, alam niya na siya ang pinagtatawanan ko. Ginaya ko rin ang ngisi ni Smeagol at medyo nilakihan ko rin ang mata ko. Singkit kasi ako kaya't nahirapan akong gayahin ang hitsura ni Smeagol sa The Lord of the Rings. Maya-maya pa ay lumapit iyong groom. "Anong nangyayari dito, Johnny? Anong ginagawa mo sa babaeng 'yan? Pati ba naman ang kaawa-awang babae na iyan ay papatulan mo ha, Johnny?!" singhal ng groom kay Johnny the Smeagol kaya't agad niya akong binitawan. "Iha, okay ka lang ba?" alalang tanong nito sa akin, at tumango lamang ako sa kaniya. "Kumain ka na ba iha? Halika," aya nito sa akin, at kunwari ay matamlay ako at malungkot. "Hindi pa po eh. Ilang araw na akong hindi kumakain." May bahid na awa sa mukha nito. Epektibo ang paawa effect ko. "Hindi ba't ikaw iyong dalaga doon sa simbahan? Iyong... ginawang panyo ang isang brief?" pigil tawa nitong sa akin. Napayuko naman ako. Agad na pumulupot iyong bride sa groom niya. Akala niya siguro aagawin ko ang groom niya. Mas mabuti pang mag-madre na lang ako. Tss. "Wag na wag mong aahasin ang asawa ko." "Hindi po, ate. Pagkain lang po ang pinunta ko dito!" "Mabuti naman ng ganun." Pangit na nga, suplada pa. Hays... Inirapan ako nito. Sarap niyang ibala kay Huklubang Ministro. Hihi. Pinakain ako ng groom. Kahit pangit ito, may mabuti itong puso, di katulad ng asawa niya, ang pangit na nga, ang sama pa ng ugali. Asan ang hustisya doon? "Father Aris, mabuti't nakarating po kayo!" Nabilaukan ako sa aking nginunguya na manok nang marinig ko ito. Nahirapan akong huminga sa mga sandaling ito habang umuubo. Hawak-hawak ko ang puso ko. Napalingon sa gawi ko ang iilan sa mga bisita ng groom. "Maraming salamat sa pag-imbita sa amin, Mr. and Mrs. San Pedro." Pasalamat nito sa bagong mag-asawa. Agad na nataranta si Father Aris nang makita akong nahihirapang huminga. Dali-daling kumuha ng tubig iyong groom. Hinampas ng malakas ni Father Aris ang likod ko kaya't tumalsik iyong laman ng manok.Pinainom nila ako ng tubig. Pinagtsi-tsismisan ako ng mga taong narito sa reception. Nagi-guilty tuloy ako kay Father Aris dahil utang ko sa kaniya ang buhay ko. Kundi niya ako tinulungan, patay na sana ako. Huhu. "Maraming salamat po, Father Aris at Kuya Groom." Mariin kong pasasalamat sa dalawang tao na nagligtas sa buhay ko. Samantalang ang asawa ng groom ay sama nitong makatingin sa akin, di ko naman inagaw ang asawa niya. At hindi naman ako mang-aagaw ng hindi ko pagmamay-ari. Oo, sutil ako at pilya, ngunit di ako ganung klaseng tao. "Sa susunod na kakain ka, Mikay, maghanda ka ng kahit isang basong tubig," bilin ni Father Aris na may pag-aalala. Ngayon lang ako nakatagpo ng isang pari na may malasakit sa kapwa, di tulad 'nung dating pari na pinalitan ni Father Aris. Inaabuso nito ang mga kababaihan at pini-perahan ang mga taong nasasakupan niya. Minsan na rin akong naging biktima 'nun, kaya nga malaki ang galit ko sa mga pari eh, kasi mas lalo nilang sinira ang buhay ko. Ngunit tila nagbago ang pananaw ko dahil sa ipinakitang kabutihan ni Father Aris sa akin, kahit 'nung mga araw na iyon ay pinagtri-tripan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD