Chapter 18

1638 Words
Chapter 18 Mikay’s PoV Sampung taon na ang lumipas mula nang maglayas ako mula sa puder ng ama ko. Hindi ko kayang tanggapin noon na ikakasal siya sa ibang babae, kaya’t nagdesisyon akong umalis. Ang sakit na nararamdaman ko ay tila isang sugat na hindi gumagaling. Ang nanay ko ay namatay sa panganganak sa akin, at siya na lang ang natirang magulang ko. Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata, kaya't hindi ko kayang makita siyang may ibang kasama sa buhay. Para sa akin, ako lang ang dapat na nandiyan sa tabi niya, ako lang ang dapat niyang mahalin at alagaan. Naging rebelde ako sa kanya. Siguro dahil na rin sa labis na sakit, hindi ko na kayang tanggapin ang desisyon niyang mag-asawa muli. Hindi ko rin alam kung bakit nagalit ako nang ganito, pero sa mga panahong iyon, hindi ko na kayang maging masaya para sa kanya. Ang galit ko ang naging dahilan ng aking paglayas at pagtakas mula sa kanya. At alam ko, matagal na niyang natunton ang kinaroroonan ko, ngunit hindi ko na siya pinansin. Minsan, naiisip ko na baka nga mahal na mahal pa rin ako ng ama ko, pero sa kabila ng lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko, hindi ko kayang magpatawad. Sa puder ni Reysan ako nanirahan, at doon ko naisip na baka doon ko lang matatagpuan ang sarili ko, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang magtanong—bakit nga ba hindi ko kayang makipag-ayos kay Papa? Ilang taon na rin ang lumipas, ngunit ang sakit ng nakaraan ay patuloy na bumabagabag sa akin. Palibhasa'y bata pa ako nang mangyari ang lahat, hindi ko natutunan kung paano humarap sa mga sugat na iniwan ng pagkawala ng nanay ko at ng ama ko. Habang tumatagal, mas lalo akong natututo kung paano magtakip ng mga sugat na iyon, ngunit hindi ko pa rin kayang buuin ang mga piraso ng relasyon namin ni Papa. Minsan naiisip ko, kung hindi ko ba siya iniwasan, baka iba ang takbo ng buhay ko ngayon. Ayoko munang umuwi sa mansyon ng aking ama. Hindi pa ako handang makita ulit ang ipinalit niya kay sa mama ko. After that, dinala ko si Manang Yolanda at Muning sa apartment na sekretong nirentahan ko, di iyon alam ni Reysan. Medyo malayo-layo sa bahay nila Reysan. “Saan mo ako dadalhin?”tanong ni Manang Yolanda sa akin habang nakasakay kami ng taxi papunta sa Magallanes kung saan naroon ang apartment na nirentahan ko, kung sakaling magkabukingan na. “Sa apartment ko, nay.” Nakangiting sagot ko kay Manang Yolanda. Nanay ang itinawag ko sa kaniya. “Okay, anak. Kung saan ka doon rin ako,”tumango-tango ako sa kaniya. Nang makarating kami sa apartment, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Malinis at tahimik ang lugar, isang tamang lugar para makapagpahinga si Manang Yolanda at Muning. "Okay na ba, nay?" tanong ko habang inilalabas ko ang mga gamit na dala namin. "Oo, anak. Masaya ako na inaalagaan mo kami," sagot ni Manang Yolanda habang tinitingnan ang paligid. "Mahalaga ang pagtulong sa mga mahal sa buhay, at alam kong hindi mo kami pababayaan." Nagkatinginan kami ni Muning, na tahimik lang sa aking mga bisig. Masaya na ako dito, anak," sabi ni Manang Yolanda habang tinitingnan ang maliit ngunit maayos na apartment. "Wala na akong hihilingin pa. Salamat." Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. "Walang anuman, nay. Basta't nandito kayo, walang problema." Habang nag-uusap kami, naramdaman ko ang bigat ng mga desisyon na kailangang gawin. Hindi ko pa alam kung anong mangyayari, pero sa ngayon, ang mahalaga ay magbigay ng kahit kaunting ginhawa sa kanila. Medyo napagod ako sa apat na oras na biyahe mula sa San Juanico papunta dito. Alas tres ng hapon nang makarating kami rito. Gustuhin ko man magpahinga, ngunit kailangan kong magpunta sa palengke upang bumili ng mga gamit sa kusina. May kaunting pera pa naman ako sa atm ko, kakasya pa ito sa amin. Subukan ko rin maghanap ng trabaho, hindi pwedeng aasa lamang ako sa laman ng ATM ko dahil mauubos at mauubos rin agad ito. Kailangan ko pa kasing bilhan ng mga damit si Manang Yolanda. “Dito muna kayo ni Muning, nay. Punta muna ako ng palengke nang sa ganoon ay makabili ako ng mga gamit natin sa kusina. Bibili na rin ako ng iba nating kakailangan dito sa apartment ko.” “O sige, anak. Mag-iingat ka,”mahigpit nitong bilin sa akin sabay halik sa aking noo. Kahit medyo madungis si Manang Yolanda, hindi naman ako nandidiri sa kaniya dahil naging pulubi rin ako dati katulad niya. “Salamat po, anong gusto mong pasalubong?” “Ikaw na bahala” Agad kong dinampot ang aking sling bag at na may lamang pitaka at selpon ko. Pumara ako ng tricycle papunta sa palengke. Kanina ko pa napapansin ang paninitig sa akin ng tricycle driver. Problema nito? Sapakin ko kaya ito. Nakahithit ata ito ng droga, sabog eh. Tsss.. Nagulat na lamang ako nang lumiko siya sa ibang maliit na eskinita at kaniya akong inihinto roon. Ngumisi sa akin ito, gagi. Kapag ako 'di kontrol ang sarili ko, sasapakin ko na talaga ang hudas na ito. “Bagong salta ka dito?”tanong niya sabay tingin sa hita ko. Nakashort lang kasi ako kaya kitang-kita ang maputi at makinis kong legs. Inihanda ko ang aking kamao kung sakaling may masamang plano siya sa akin. Wala masyadong dumaan sa eskinita na ito kaya siguro dito niya ako dinala. Subukan niya lang galawin ako, sa impiyerno siya pupulutin. “Alam mo miss, hindi naman kita sasaktan, nakikipagkaibigan lang ho ako sa iyo,“sabi niya sabay kagat sa ibabang labi niya. Gagi ba siya? Halos lumuwal na nga ang mata niya sa kakatitig sa hita ko eh. “Hindi ako interesado kung sino ka man. Tabi!”maanghang na sabi ko ngunit agad niyang nahawakan ang braso ko at hinila niya ako pabalik sa kaniya. Laking gulat ko nang may itinuon siyang kutsilyo sa bandang leeg ko at nakapulupot ang kamay niya sa leeg ko. “Subukan mong gumalaw, tatagos ang kutsilyong ito sa leeg mo!”banta niya. Napataas ang isa kong kilay. Ako ba tinatakot niya? “Tss..” Buong pwersa kong ibinaliktad ang kamay niyang may hawak na kutsilyo kaya't nabitawan niya ang hawak niyang kutsilyo. “Ako ba tinatakot mo, Manong?!” malamig na tugon ko sabay sinipa ang mukha nito. Sa lakas ng pagkakasipa ko, napaupo ito sa lupa. “Ano?!” bakas sa mga mata niya ang takot. Wag niyang subukang banggain ang ampon ni Satanas, sa impiyerno talaga siya pupulutin. Dali-dali siyang tumayo at sumakay sa kaniyang tricycle. Napapangiwi na lamang ako. Kakaibang mandurugas iyon ah? Sabog na manyak. Napatingin ako sa aking relo, malapit na palang mag-alas tres trenta. Kung hindi lang ako dinala ng manyak na iyon dito, edi sana marami na akong nabili ngayon. Letsugas talaga eh! Kumaripas ako ng takbo papunta sa palengke. As usual pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Kutis porcelana kasi ang lola niyo, para tuloy akong si Marian Rivera. “Bagong salta ba iyan, dito?” "Ang ganda naman niya!” “Sinabi mo pa, kutis porcelana. Basi sa hitsura nito parang may lahi ata itong kano” “Ngayon ko lang siya nakita dito eh? Sa dinami-raming babae na naglalabas-pasok dito sa palengke ngayon lang ako nakakita ng isang anghel.” Napapailing na lamang ako sa mga kumento ng mga taong nakatingin sa akin. Aba't iingit sila sa beauty ko. Napunta ako sa isdaan, bet ko kasing kumain ng isda ngayon. “Magkano ho ang kilo ng isda?”taas noong tanong ko sa isang ginang habang abala ito sa paglilinis ng isda. Inangat nito ang kaniyang tingin sa akin. “280 per kilo, Miss. Ilang kilo sa'yo?” “Anong klaseng isda ba gusto mo iha?” “Kumakain pala iyan ng isda?“ Nahihibang naba ang mga tao rito? Anong akala nila sa akin alien? Hindi kumakain ng isda? Mga sirena nga sa dagat, isda ang kinakain eh. Ako pa kaya? Susme! Mag-iinarte pa ba ako? “Ito na lang po,”turo ko sa tilapia na nasa harap ko. Agad namang kumuha ang ginang at kaniya itong inilagay sa timbangan. Kumuha na rin ako sa pera sa aking pitaka. “Keep the change, Manang!” Hindi ko na hihingin ang bente pesos na sukli. Ngumiti ito sa akin at sabay na inabot sa akin ang isang supot na may lamang tilapita. Tumango ako sa kaniya bago umalis. Dumaan ako sa gulayan. Bibili ako ng mga rekados para sa escabichi. “Miss, okay ka lang?”tanong ko sa isang dalaga, na medyo kaedad ko nang nakatulala ito sa akin. Ang weird talaga ng mga tao dito. “O-oo okay lang ako. Nakakita kasi ako ng anghel.” Binigyan ko siya ng pekeng ngiti, ngiting impiyerno. Agad kong nilisan ang gulayan, dumiretso ako sa second floor upang bumili ng mga gamit sa apartment. Kasama na roon ang palanggana, tabo at syempre. Syempre hindi ko makakalimutan ko ang thermos. Inisa ko sa palanggana ang mga nabili ko para madala ko ito ng maayos. “Anong tinda mo, Miss?” wala sa sariling tanong sa akin ng isang lalaki, na halos puno ng tattoo ang katawan. Akala niya siguro, ikinagwapo niya ang tattoo na nakapalibot sa katawan niya. “Excuse me, padaan!” Aakma na sana nitong hawakan ang braso ko ngunit naunahan ko siya ng malakas na suntok sa mukha. May sariling isip ang kamao ko eh. May dala pa ako niyan ha? nakapatong sa ulo ko. Napaupo ito sa sahig. Tinignan ko siya ng masama. “Ano?! Aangal ka?” imbes na sumagot ito sa akin, kumaripas lamang ito ng takbo palayo sa akin. Di ko alam na marami na palang tao ang nakapalibot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD