CHAPTER 32 Girlfriend “Are you done? I’ll fetch you. Wait for me. Malapit na ‘ko,” sambit ni Drayven sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ngayon at nakaupo sa sun lounge. Hindi ko na nakita pa si Zanrell sa paligid. Siguro’y kasama na niya si Miyuki. Bahagya akong nakaramdam ng pait sa naisip pero hindi ko ‘yon pinansin. “Sige. Ingat,” sagot ko kay Drayven. “Who drove you? Sabi ni Ate Eve, hindi mo raw siya kasama? Gamit din ni Mommy and Daddy ang dalawang sasakyan.” Napalunok ako sa tanong niya. “I called an… U-Uber driver.” I closed my eyes tightly because of lying. “Okay. Malapit na ‘ko.” Nang biniba ko ang tawag, nag-ayos na rin ako ng gamit para umakyat na. May hagdan pataas at sa gilid no’n ay may Starbucks. Balak ko san

