Chapter 8

1877 Words
"Anak naman alam mong kulang ang perang inaabot ng Papa mo! Medyo malayo ang school na yun kung lilipat ka dun kelangan mong mag board wala tayong pera para dun isa pa ang bahay na to hindi pa natatapos hulugan!"- Litanya ni Lisa sa anak "Alam ko po kaya nga po magtatrabaho din po ako!" "Trabaho? Eh ang bata bata mo pa!" "Working student Ma! Fastfood puwede po ako dun! Ayoko naman po maka abala kay Papa!" "Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Kaya tutol ako dyan sa girlfriend mo na iyan!" "Ma! Huwag mo na pong idamay si Hera! desisyon ko din po ito!" "Pero anak tayong dalawa na nga lang magkasama dito iiwan mo pa ako!" "Uuwi naman po ako dito kada walang pasok at isa pa di pa naman po ako nageexam di pa sure kung papasa talaga ako sa scholarship" "Sa talino mong iyan di na ko magugulat!" Pinahid naman ni Luke ang luha sa pisngi ng ina "Ma! Naisip ko din po kasi kung sa ganun kaganda at kasikat na school ako magtatapos ng highschool at makakapag kolehiyo mas maraming oportunidad ang naghihintay sakin pag katapos ko, Mas madali akong makakahanap ng trabaho di lang naman po ito lahat tungkol lamang kay Hera!" "May magagawa pa ba ako? Eh mukhang buo na nga ang pasya mo! Manang mana ka talaga sa ama mo kung makapag desisyon." "Thank you po Ma!" "Basta uuwi uwi ka dito ha!" "Promise po!" Mabilis na lumipas ang panahon, sumapit na nga ang summer vacation na hinihintay ng lahat, Nakapag exam na rin si Luke sa lilipatang school at gaya ng inaasahan pumasa ito sa scholarship, Kaya naman next enrollment ay wala na siya dating eskuwelahan. "Ano ba yan! Ngayon palang nalukungkot na ako!"- Giselle "Ako din!"- Via "Kung malungkot tayo pano pa si Jane?"- Fatima "Oo nga noh!"- Giselle Nakatutok ngayon ang tatlo sa nakatalikod na kaibigan at nakatanaw lamang sa bestfriend nitong si Luke habang nagpapaalam na sa kanyang team. "Lukas!" "Jane!" "Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" "Buo na ang pasya ko!" "O.. Ok... Goodluck!"- Di na napigilang pumatak an luha niya "Ssshhh.... Huwag kang umiyak please... Ayokong nakikitang ganyan ang bestfriend ko! Magkikita parin naman tayo tuwing uuwi ako tsaka don't worry ia-update din kita sa chat!" "Kahit na! Mamimiss kita eh!" "Ako din naman!" Yumakap si jane ng mahigpit kay Luke at ganun din ito sa kanya. "Papakabait ka dun ah! Behave ka dapat bata pa kayo pareho ni Hera!" "Loko ka! Kung anu-anong iniisip mo!" "Ahhhh....Huhuhu... Mahal kita Luke!" - Di alam ni Jane kung papano nya nasabi iyon pero ang dasal nalang niya ay sana hindi iyon mabigyan ng malisya ng kaibigan "Mahal din kita! Siyempre bestfriend kita eh!" Sagot pa nito Nakahinga nang maluwag si Jane dahil dito "Basta ha! Sinasabi ko sayo! Kokonyatan talaga kita pag nakalimutan mong mag message sakin! Tsaka tigil tigilan mo kakapuyat sa video games!" "Opo master!"- Asar pa ni Luke sa kanya "Buwisit ka talaga!'' Agad namang kinurot ni luke ang ilong nito. "Yuck! May uhog!"- Kunway nag punas pa ito sa pantalon "Tse!!! Baliw ka!" Sabay na nagtawanan pa ang dalawa ng biglang dumating si Hera "Let's go na Babe!"- Mataray na wika nito "Ngayon na?" "Oo now na! Naghihintay na yung sasakyan satin! Need mo ng mag ayos sa lilipatan mong boarding house!" "Teka! Summer naman eh! Di ba muna kayo mag babakasyon?''- Jane "Yes we do! May resort yung isa kong friend ininvite nya kami ni Luke! Kaya 1 week kami dun" "Ahh ok..." - Tanging sambit nalamang ni Jane at agad na tumingin muli kay Luke Mapait na ngumiti naman ang kaibigan sa kanya at sa huli tanging pagpaalamanan nalamang ang nangyari. "Ano san tayo?"- Carl "Ang boring nga eh! Parang hindi bakasyon!"- Andy "Parang nakakapanibago no? Pag pasok natin di na tayo buo!"- Carl "Wala na tayong matalinong kaibigan!"- Andy "Sinabi mo pa!''- Carl "Psstt.... Giselle kamusta si Jane?" - Andy "Hayun.... Tutok sa pag-aaral di nga namin maaya aya ng gala eh! Laging nagkukulong daw sa kuwarto sabi ng Mama niya eh."- Giselle "Mag beach kaya tayo?''- Via "saan naman?"- Fatima "Baler?"- Via "Ayy... Siyala! Sino tutuluyan natin dun? may kamag-anak ka ba dun?"- Fatima "Wala siyempre edi Kkb tayo!"- Via "Gastos mo naman wala naman tayong mga trabaho pa estudyante palang tayo uyyyy...."- Andy "Bakit wala ba kayong mga ipon?"- Via "Ayy sorry ah di kasi ganun kalaki ang baon namin eh!''- Fatima "Eh ano nga? San tayo?"- Via "Sama nalang kayo samin sa Laguna swimming pool nga lang yung meron dun sa resort! Ano? Atleast libre food tsaka sasakyan bale gasolina lang iaambag nyo hati hati na tayong lahat dun?''- Carl "Ha? Puwede puwede kelan?"- Andy "Sa martes! Nag aya kasi yung pinsan ni Papa eh! Sabihin ko sama ko kayo ah!"- Carl "Sige! Go ako dyan!"- Giselle "Ako din!"- Fatima "Ok sama na din ako!"- Via "Good! Wait chat ko si pareng Luke baka gusto nya din sumama!"- Andy "Tawagan ko din si Jane!''- Fatima Ilang minuto pa ang nakalipas... "Negative pre ayaw daw ni Hera!"- Andy "Buwisit talaga yang bruhita na yan napaka possessive"- Giselle "Sinabi mo pa! Ewan ko nga ba dyan takot na takot mawala sa paningin niya si Luke!''- Carl "Kaya nga napalipat ng wala sa oras si Luke dun sa school na gustong gusto niyang si Hera!"- Andy "Sana pala di nalang nag transfer dito sa atin yang Hera na yan! Edi sana hindi sila nagkakilala ni Luke! Edi sana di na siya lumipat pa at sana kumpleto tayo ngayong bakasyon!''- Via "Ano kayang problema?!'' Malakas na napabuntong hininga pa si Fatima habang paulit ulit na nag da dial sa cp niya "Bakit?"- Giselle "Out of reach si Jane eh!''- Fatima "Busy??"- Via "Pati mama niya di ko makontak!?''- Fatima "Wehh? Edi puntahan natin mamaya sa kanila!''- Giselle "Oo nga!''- Via "Eh bat mamaya pa? Bat di nalang ngayon?"- Andy "Oo nga! Tara! Para makakain din ng masarap na cake na luto ni Tita Susan!"- Carl "Ayy oo nga!''- Andy "Tara!"- Yakag pang muli ng dalawang lalaki "Tara sige!''- Sang ayon na lamang ni Fatima na sinundan nalamang din nina Giselle at Via "Tao po!!! tao po!!!!????"- Fatima "Wala ata talagang tao girl! naka padlock yung bahay nila eh!''- Giselle "Nasan sila? Wala namang nabanggit si Jane na magbabakasyon sila sa kung saan!''- Fatima "Eh baka nakauwi na yung Tita niya na galing America? Diba sabi niya dati pag-uwi nun baka magbakasyon sila?''- Giselle "Agad agad? Parang wala namang siyang update sa gc natin!"- Fatima "Malay mo! Biglaan talaga!''- Giselle "Sinong hanap niyo?" Wika ng matandang kapitbahay nila Jane "Ayy Lola sila Jane po?''- Sagot agad ni Andy "Naku... Wala sila dyan noong nakaraang gabi pa!" "Saan po sila nagpunta?"- Fatima "Ang sabi sa akin eh may kailangan silang ayusin sa America eh!" "America?"- Gulat na sabay sabay na tanong nila "Oo! Nagmamadali nga sila nung nakaraan! Pagka galing nung Kelly kinabukasan ay hayun na nga nag impake na sila!" "Agad agad po? Bakit biglaan?"- Fatima "Taray naman pala ni Jane! Sa America ang bakasyon!" "Doon na muna ata sila maninirahan pansamantala"- Tinig ng pamilyar na boses sa kanila "Tita Lisa?"- Andy "Kahit kami nabigla din bakit ang bilis ng pangyayari pero sabi naman ni Susan matagal na daw nilang pinaghandaan ito eh yun nga lang daw medyo napa aga lang!''- Lisa "Alam na po ba ni Luke?- Fatima "Nakapag paalam po ba sila sa isat-isa?"- Giselle "Hindi rin alam ni Luke pa! Tara sa loob ng aming bahay mga anak! At masyadong mainit dito sa labas"- Aya pa ni Lisa sa mga ito "Sige po!"- Mabilis na tumalima ang magkakaibigan "Aling Ising dun muna po sila sa amin ah! maiwan po muna namin kayo!''- Lisa "Sige hija!'' "Bat ganun? Nakaka bigla naman lahat ng nangyayari! Ang akala ko pa naman si Luke lang mawawala sa atin yun pala pati si Jane!"- Fatima "Nakaka lungkot!''- Giselle "Huwag na kayo mag mukmok dyan! Oh heto mag meryenda na muna kayo!"- Lisa "Salamat po!" - Sabay sabay muli nilang turan "Ang alam ko si Jethro babalik din dito dahil nga di niya puwede pabayaan ang pag-aaral niya, Isa pa nasa kolehiyo na siya sayang naman kung aalis siya ng tuluyan!"- Panimulang muli ni Lisa "Eh Tita! Si Jane po? Sayang din naman po yung pag-aaral niya dito!''- Fatima "Ewan ko nga ba! Kahit ako ay nabigla talaga! Pero nakita ko kasi parang takot na takot si Susan nung mga sandali na iyon eh!"- Lisa "Po? Bakit po?''- Fatima "Hindi ko rin maunawaan eh!"- Lisa "Hindi nyo ba nakaka usap si Jane?- Andy "Hindi na nga siya nagrereply sa mga chats at calls namin kahit sa gc namin eh!"- Giselle "Ano kayang nangyari?"- Via "Pano yung mga docs na need niya sa pag transfer?"- Fatima "Pag-uwi daw ni Jethro siya na muna mag-aasikaso ng lahat!''- Lisa "Lalo akong nalungkot wala na! Gagraduate tayo ng hindi kumpleto!"- Via "Oo nga! Di na kumpleto squad natin!"- Giselle "Kayo naman babalik din naman yun si Jane! Pasasaan ba at magkikita kita kayo ulit pagdating ng panahon!"- Lisa "Pero Tita nakakatampo din po yang anak mo!"- Via "Si Luke ko? Bakit?"- Lisa "Mas pinili niya yung girlfriend niyang si Hera kesa samin na kaibigan na niya ng ilang years!"- Via "Hay naku... Ganun yata talaga pag nagkaka love life na isa pa may sarili na din kasing desisyon ang batang iyon maski ako ayoko rin siyang malayo sa akin pero siya na mismo nag pasiya para sa sarili niya!"- Lisa "Ok lang po ba sa inyo si Hera tita?"- Andy "Ang totoo?"- Lisa Sabay na tumango ang magkakaibigan "Hindi ko rin gusto ang batang iyon, Alam nyo na iba ang kinalakihan niya sa aking anak, Sa klase ng pamumuhay ng kanilang pamilya at alam kong hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang tungkol sa Papa ni Luke hindi ba?"- Lisa "Opo Tita! Wala naman pong tinatago sa amin si Luke! Napaka totoong tao po ng anak ninyo!''- Andy "Tama po yun!''- Carl "Natatakot lang ako bilang ina niya wala akong against sa pagkatao niya ang akin lang hindi ko kasi pinalaking maluho si Luke!"- Lisa "Naiintindihan po namin Tita huwag po kayong mag-alala!"- Fatima "The feeling is mutual po Tita!"- Giselle "Maski kami Tita na o-off pag kasama si Hera feeling namin si Luke lang talaga ang gusto niya at hindi niya kami gustong mga kaibigan niya."- Andy "Kaya nga po! Kaya lang siyempre since gusto siya ng kaibigan namin wala kaming magagawa kundi pakibagayan nalang din po siya!''- Carl "Tama kayo! Wala tayong magagawa kundi ang suportahan nalang sila at ako bilang magulang dapat ay gabayan ko sila."- Lisa. Nagpatuloy nga ang buhay nilang lahat matapos nun, ilang buwan pa ang lumipas nabalitaan nalang nila na nagka hiwalay narin sila Luke at Hera sa di malamang dahilan, Ngunit minabuti nalang ni Luke na ipagpatuloy ang naumpisahang pag-aaral sa parehong Unibersidad na kinabibilangan ni Hera isa pa naging maganda rin naman ang takbo ng lahat para sa kanya sa eskwelahan na iyon. Matapos nga halos isang taon ay tuluyan na silang grumaduate ng Highschool at dahil hindi rin naman sila pare pareho ng kursong kinuha nung College ay nagkahiwa hiwalay na din ang magkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD