"Hoy! Summer na! Saan kayo magbabakasyon?"- Via
"Punta kaming Zambales andun kasi tita ko eh!"- Fatima
"Ahmm... Ako? Wala akong mapupuntahan I guess sasama nalang ako sa excursion nila mama!"- Giselle
"Ako? Mukhang te-tengga lang sa bahay!"- Jane
"Ayy ang boring naman! Seryoso?"- Fatima
"Oo nga! Wala naman kaming probinsiya eh! Tsaka busy sila mama at papa! Pero dadating yung Aunty ko na galing LA kaya puwedeng gumala din kami pagdating niya!"- Jane
"Ayy tarush naman pala eh!"- Giselle
"Bakasyon! Bakasyon! mag e-exam pa tayo sa finals oy!"- Andy
"Buwisit ka talaga Andy!"- Giselle
"Nangangarap kayo ng gising jan ah!"- Andy
"Eh bakit? Wala ba kayong plano sa summer?"- Fatima
"Meron siyempre pero saming mga boys nalang yun! Di kayo kasali dun!"-Andy
"Oh puwes wala karing pakialam samin kaya huwag mo kaming pakialaman!"- Giselle
"Ano na naman ba to Hera?''
"Anng kulit mo kasi eh diba sinabi ko nga sayo! Kung gusto mo na magkasama parin tayo kelangan mo sumama sakin!''- Hera
"Pero hindi nga puwede ang gusto mo kasi..."- Luke
"Ano yun?"- Via
"Nag-aaway ba sila?"- Giselle
"Parang????"- Fatima
"Lilipat na kasi ng school si Hera next enrollment!''- Andy
"Ha?"- Sabay sabay na sabi nila
"Pa... pano si Luke?''- Jane
Mula ng mangyari ang pagtatalo kasi nila ni Luke ay di na sila nakakapag usap pa ng maayos kung magkita man sila sa daan ay nagtatanguan nalang sila, Sa classroom naman ay panay tinginan nalamang sa isat-isa di narin sila madalas magakasamang kumain dahil palaging na kay Hera ang oras at attention nito pakiramdam nga niya ay lalong lumayo ang distansiya nila sa isat-isa tila nawalan na talaga sila ng pakialam sa isat-isa.
Hindi naman niya ipinahalata pa dito na nasasaktan parin siya sa halip ay nag focus nalang siya sa ibang mga bagay at pinagbuti ang mga bagay na mahina siya
isinasali narin siya sa mga program at contest na may kinalaman sa ganda, sa kabutihang palad madalas siyang manalo kung hindi man grand winner ay first runner up. Aktibo din siya sa kanilang music club at miyembro na din siya ng theater act, Samantalang si Luke naman ay naging Captain narin ng kanilang team sa basketball at tulad ng dati nangunguna parin ito sa klase sabi nga nila kahit siguro matulog o hindi ito pumasok sa klase top 1 parin ito dahil likas itong matalino.
"Hayun na nga! Gusto ni Hera na lumipat daw ng school itong si Luke!''- Andy
"Saang school ba?"- Jane
"Dun sa dati niyang school eh napaka mahal ng tuition dun pang mayayaman yun eh! kesyo daw kasi nakabawi sa negosyo ang Daddy ni Hera kaya hayun! Kaya na siya ulit pag-aralin dun!"- Andy
"Hindi mo ko talaga mahal Luke!" Wika pa ni Hera
Nagulat pa sila ng biglang pumasok ang dalawa at umiiyak si Hera, Agad naman napatingin sa kanya si Luke kaya kunway nag busy busyhan si Jane ganun din ang ginawa ng iba pa.
"Hera! Di naman matatapos ang relasyon natin dahil lang lilipat ka ng school!"- Luke
"No! Gusto ko nga kasama kita dun!"- Hera
"Oh edi ikaw ang huwag lumipat!"- Luke
"How dare you!"- Hera
"Yun lang naman yun Hera eh! Bakit ba pinapalala mo pa to?"- Luke
"Dahil gusto ko din bumalik sa dati kong school deserve kong makita at makasama old friends ko dun at deserve ko din mag-aral dun!''- Hera
"Puwes ako? Hindi ko deserve yun! Kasi hindi ko kaya dun! Hindi ako kayang pag-aralin ng parents ko dun alam mo yun! Dito nga kung walang scholarship tingin mo ba andito parin ako?"- Luke
Nag-angat naman kaagad ng mukha si Jane at tumingin sa kanila, Tama naman kasi ang sinabi ni Luke talino at galing niya ang dahilan kung bakit siya nakakapag-aral dahil kung aasa ito sa parents niya ay hindi nito kakayanin.
Ang papa lang niya ang nagtatrabaho at hanggang ngayon ay hinuhulugan pa nila ang bahay na tinitirahan idagdag pa dito na 2nd family lang sila ng papa niya kaya nakikihati lang din talaga sila sa oras, pagmamahal, attention at maging sa kinikita ng papa niya tanggap naman siya ng unang pamilya pero siyempre hindi ang mama niya wala narin ang unang asawa ng papa niya pero ayaw parin ng mga anak ng papa niya na magsama sila ng tuluyan ng mama niya. Ganun paman hindi naman siya napapabayaan at kahit papaano ay naibibigay ang kanyang pangangailangan kahit madalas ay kinakapos parin.
"Pero sabi ko sayo puwede ka namang kumuha din ng scholarship dun!''- Hera
"Pero gaya mo hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko dito at ang school na to mahal ko ang eskuwelahan na to Hera!"- Luke
"Eh ako luke? How about me?"- Hera
"Hera!"
"Pano naman ako? Ha?"
"Magkikita at magkakausap parin naman tayo eh!"- Luke
"Ayoko ng ganun!"- Hera
"Hindi tayo magkakasundo pag ganito tayo!"- Luke
"Tama ka! Kaya siguro mabuti pa maghiwalay nalang tayo!"- Hera
Tila shock naman si Luke sa narinig sa nobya maging ang mga nakikinig ay nabigla din.
"Wait! Huwag ganito Hera!"- Luke
"Yes Luke! Mamili ka lilipat ka? o maghihiwalay tayo?"- Hera
"Teka! Hera! Sandali lang naman! Hindi yun ganun kadali madaming dapat isa alang alang dyan!"- Di na napigilan pang sumabat ni Jane
"Oo nga naman! Huwag mo ng ipressure sana si Luke Hera!"- Andy
"Tumigil kayo! Hindi kayo ang kinakausap ko!''- Hera
"Pero bestfriend ko yan! Kung mahal mo din talaga ang bestfriend ko iintindihin mo din siya! Hindi yung ikaw lang at ang gusto mo ang masusunod!"- Jane
"Shut up!"- Hera
"Ok.... Ok! Sige para matigil na to! fine! kung hindi mo kaya ang ganung klaseng relasyon? Sige! pumapayag na ako! Magtatry ako dyan sa scholarship na sinasabi mo pero don't expect too much from me!''- Luke
"Ano? Luke? Si-- Sigurado ka? Papayag ba si tita?"- Natatarantang tanong ni Jane
"Ano yan? Bat naman ganyan? Bro! 1 year nalang gagraduate na tayo eh!"- Andy
"Oo nga! Bat naman ganun?" Sang ayon din ng ibang mga kaklase
"Sorry guys! Hindi ko rin naman kayang isacrifice ang relationship namin ni Hera" Malungkot na napayuko pa si Luke
"Ohh... Baby! Thank you so much I love you!"- Ngingiting ngiti na ito at sabay na umismid kay Jane
Tila napako naman sa kinauupuan si Jane parang gusto niyang umiyak, Kung dati rati ok lang sa kanya na hanggang tinginan at tanguan nalang sila ng kaibigan mukhang ngayon ay tuluyan ng mapuputol ang friendship nilang dalawa.
"Oh panget! Bat nag eemote ka dyan?"
"puwede ba kuya Jethro wala ako sa mood!"
"Naku lalo kang papangit kakabusangot mong ganyan!"
"Ewan ko sayo!"
"Ano bang problema kasi?"
"Wala!"
"Wala daw ang haba haba ng nguso mo dyan tapos wala?"
Tinignan pa ni Jane ng masama ang kuya niya iniisip kasi niya kung tama bang sabihin dito ang pinoproblema niya o kung dapat nga bang problemahin niya ito at kung maiintindihan nga ba siya ng kuya niya baka kasi pagtawanan lang din siya nito.
"Oh ano? Bat ka ganyan makatingin?"
"Kuya?"
"Ano?"
"May girlfriend ka ba?"
Nasamid naman agad ang kuya nito sa pag-inom ng tubig
"Ano ba yan? Seryosong tanong ba yan?"
"Oo"
"Meron siyempre!"
Nanlaki naman ang mata niya di niya akalain na may girlfriend nga ang kuya niya.
"Totoo? Luh... Alam ba yan nila mama at papa?"
"Oo bakit? 18 na ako noh tsaka sa pogi kong to nagtaka ka pa?"
Agad namang napataas ang kilay niya sa huling tinuran nito.
"Oh bakit? Ikaw lang naman ang pangit dito eh!" Habol pang aasar nito kay Jane
"Ewan ko sayo kuya!"
"Oh bat ka ba nagtatanong kasi ng ganyan?"
"Kasi kuya! Ahmmm.... Ganito nalang what if yung girlfriend mo lilipat ng school tapos gusto niya lumipat ka rin? susundin mo ba siya?"
"Ahmm... depende, Kung masyadong malayo yung school nya at puwede naman akong lumipat bakit hindi? siyempre mahirap na baka makahanap ng iba! Tsaka siyempre takot din yun na makahanap din ako ng iba!"
"Talaga?''
"Oo pero,..."
"Pero?"
"Sabi ko nga depende sa sitwasyon! kasi dapat maraming bagay na titimbangin di naman sa lahat ng pagkakataon puso ang paiiralin natin sa mga ganyang desisyon"
"Gaya ng?"
"Tao! Pera! Lugar! Tao kasi mga bagong mukha wala dun ang mga nakasanayan mong mga kaibigan at school mates, pera kasi depende kung kaya ng bulsa mo yung tuition o di kaya lifestyle dun sa school na yun lugar siyempre kung gaano kalayo!"
Tatango tango nalamang si Jane
"Sino ba yan? Si Luke ba?"
"Hala! Bat mo alam?"
"Asuss... Nag kakaganyan kalang naman pag si Luke ang involve eh!"
"Alam mo ikaw issue ka din talaga!"
"Oh eh bakit hindi ba?"
"Oo na! Siya na nga!"
"Sabi na nga ba eh! Oh ano lilipat nga ba?"
"Sabi niya!"
"Pinili niya yung girlfriend niya?"
Tumango muli ang dalaga
"Huwag ka ng malungkot andyan lang sa kabilang bahay ang bahay nila oh pag labas mo 1 bahay lang pagitan puwedeng puwede mong puntahan! Teka bakit nga ba di ka na nagpupunta sa kanila pati siya di na rin bumibisita dito?"
"Siyempre! May girlfriend na diba?"
"Sabagay! Kahit kasi sabihin mo na mag bestfriend kayo babae ka parin at lalaki siya pangit parin tignan lalo na sabi mo nga may girlfriend na siya tapos sobrang close nyo parin marami na talagang magbabago puwede parin kayong maging close pero hindi na as in tulad ng dati may mga bagay kayo na ginagawa dati na hindi na pwede ngayon kasi nga iniisip na niya ang puwedeng maramdaman nung girlfriend niya."
"Kahit ako naman ang nauna?"
"Nauna?"
"I mean... Sa buhay ni Luke ako yung original girl friend as in girl best friend!"
"Alam mo bunso iba ang girlfriend sa girl bestfriend! Tatandaan mo yan! Bilang kaibigan nandiyan ka lang para samahan siya sa oras na malungkot siya at sa oras din ng kasayahan bonding ika nga! Pero iba din yung moment nila ng girlfriend nya! Matuto kang ihiwalay ang relasyon nyong magkaibigan sa relasyon na meron sila ng taong mahal niya!"
"Tsk! Alam ko naman yun kuya!"
"Sowssss.... Alam mo nga pero iiyak iyak ka naman! Palibhasa.... "- Piniling hindi ituloy ni Jethro ang sasabihin
"Ano?"
"Wala!"- Agad nitong ginulo ang buhok ng kapatid
"Kuya naman eh!"
"Mag-aral ka ng mabuti bunso tapos pag naka hanap ka ng trabaho saka ka mag boyfriend ok lang din naman mag boyfriend ka habang nag-aaral para may inspirasyon ka pero ipapakilala mo dapat samin at school bahay lang dapat pag date dapat kasama ako!"
"Hala siya eh! Ikaw nga di mo dinadala girlfriend mo eh! Tsaka di mo ko sinasama sa date nyo eh!"
"Ibang usapan yun!"
"Panong iba?"
"Basta! Umakyat ka na nga mag tootbrush ka na din baho ng hininga mo!"
"Ang kapal mo ha! Baka ikaw yun!"
"Ano ba at dinig na dinig sa labas ang sigawan ninyong magkapatid"- Wika ng kararating lang na ama
"Si kuya kasi Papa nang aasar!" sumbong pa ni Jane pagkatapos ay nag mano sa ama
"Naku hayan na naman kayong dalawa eh!" Agad na buwelta ng ina na kasunod ng kanyang ama
"Mano po ma!" - Jane
"Kaawaan ka ng Diyos!"- Susan
Lumapit din si Jethro at nag mano rin sa magulang
"Ginabi po ata kayo? Kumain na po ba kayo? Maghahain po ako nagluto po ako ng adobo! Ang dami nga pong nakain nito ni pangit eh!"- Jethro
Inirapan naman ni Jane ang kuya niya
"Oh! Oh! Tama na mag-aaway na naman kayo eh mabuti pa nga jethro anak ipaghain mo kami ni papa mo at hindi kami nghahapunan pa!"
"Sige po!"- Agad namang kumilos si jethro
"Alam nyo po ba ma na may girlfriend na pala si kuya?"
"Ay totoo jethro?'' - Tanong ni susan
"Po?"- Kunway walang narinig si jethro
nangiti naman si Samuel
"Hayaan mo ang kuya mo Jane! Lalaki yan natural lang yun!"- Wika pa ng ama
"Bakit ganun papa? So ibig sabihin puwede na po ako?"
"Woop.. Hindi puwede!"- Putol agad ni Samuel
"Susme kang bata ka! 3rd year high school ka palang anak!"
"Sabi ni kuya ok lang naman daw basta inspirasyon lang!"
Tinignan naman ng masama ni Susan si Jethro at agad naman nag taas ng tingin ang lalaki at sumipol sipol
"Naku ikaw na bata ka! May tamang panahon para dyan! Isa pa kailangan mong ingatan ang puso mo...''
"Susan!"- Saway agad ni Samuel
"Anak! Hindi ba nag-usap na tayo tungkol dito?"- susan
"Opo!"-
"Siya ba ang tinutukoy mo ngayon?''- Susan
"Hindi po Ma!"
Nanlaki ang mata ni Susan
"Kung ganun sino?"
"Wala po! Nagtatanong nga po ako kung puwede!"
"Puwede naman anak! Pero kailangan ikaw ang valedictorian pag dating ng graduation."- Samuel
"Sabi ko nga po Pa! Di pa pwede eh!'' agad na tugon ni Jane
Natawa naman agad ang magulang at kapatid niya
"Anak! Hindi ka namin pinipigilang mainlove basta palagi mong iingatan ito ( itinapat pa nito ang palad niya sa kaliwang dibdib ng anak) Huwag mong hahayaang masaktan ng sobra ito huwag mong hahayaang may mangyaring masama sa iyo anak! At tungkol dun sa usapan natin dati huwag mong kakalimutan yun!"
"Anong usapan?''- Samuel
"Tsk! Wala yun! Girls talk yun!''
"Anong girls talk girls talk yan!"
"Manahimik ka nga Samuel kayo nga diyan ni Jethro itinatago nyo na may girlfriend na pala ito eh!"
"Wala namang mawawala dyan lalaki ang atin!"
"Eh paano kung makabuntis na iyan hindi pa nga tapos eh!"
"Naku ma ah! Advance mag-isip" Angal ni jethro na ngayon ay naihanda na ang pagkain ng magulang
"Oo nga po Ma! Girlfriend palang po di pa pag-aasawa!"- Jane
"Umakyat ka na nga dun bunso baka kung saan pa mapunta ang usapan!''- pagtataboy pa ni Jethro sa kapatid
kaya naman kamot ulo na nag paalam na ito sa kanila upang matulog na rin.
"Ma! Huwag kang masyadong mag-alala ok lang yan si bunso!"- Jethro
"Oo nga yaan mo pag dating ni Kelly gagawan na natin ng paraan na mapaalis ng bansa si Jane para doon na muna mamalagi sa states at magamot!"- Samuel
"Napapansin ko na ang palagi niyang paghingal! Baka ito na ang sinasabi ng doktor!"
"Susan malakas ang anak natin malalampasan niya yan maniwala ka!"
"Sana nga! Gusto ko pa siyang makasama ng matagal!"
"Ma! Hindi mawawala sa atin si Jane!"