Chapter 6

2577 Words
"Teka! Teka! Ano yun? Bat me ganun? Tsaka anong ulan?"- Wika ni Giselle ng makalayo na sila sa Venue. "Anong ulan? Ayan oh!"- Galit na sagot ni Fatima sabay turo kay Jane na ngayon ay sunod sunod ang hikbi at nag-uunahan ang pag agos ng luha sa mga mata "Hala! Bat ka umiiyak?"- Via "Jane? Bakit?"- Giselle "Simple lang inlove siya sa bestfriend niya at ngayong official ng sila hayan! Broken hearted siya!"- Fatima "OMG.... Hindi ko alam!"- Giselle "Ohhh.... I'm so sorry...."- Naiiyak din na niyakap ni Via ang kaibigan Lalong bumuhos ang emosyon ni Jane hindi na niya naitago pa sa mga ito ang sakit na nararamdaman. "Sige lang girl Iiyak mo lang yan! Andito lang kami!"- Fatima "Bat di mo sinabi samin?"- Wika pa ni Giselle kay fatima "Magsisihan pa?"-Fatima "Hindi naman! Pero sana ininform mo kami para aware din kami diba?"- Giselle "Tahan na! Jane! Hayaan mo nalang sila much better kung ituon mo nalang sa ibang bagay ang attention mo!"- Via "Kaya mo yan! nakita mo kanina ang daming pumila sayo maka sayaw ka lang! Ituloy tuloy mo lang yan mahahanap mo rin si Mr. Right mo!''- Giselle "Hayaan lang natin siyang iiyak ang lahat! sige lang ilabas mo lang nasa sa loob mo lahat ng kinikimkim mo para kahit papano maibsan yung sakit at bigat sa puso mo!"- Fatima "Hindi ko na alam kung papano ko siya haharapin! Kung papano bukas? Sa susunod na bukas? Kung magiging katulad parin ba kami ng dati... Ang sakit! Ang sakit sakit.... Wala siyang kasalanan pero bakit pakiramdam ko puno ako ng galit sa kanya!"- Turan pa ni Jane sa pagitang ng pagtangis at pag hikbi. "Sshhhh.... Natural lang yan! Kita mo pag nalagpasan mo yan! Tatawanan mo nalang yan!"- Fatima "Tama! Ang importante babangon ka at sasamahan ka namin! Andito lang kami!"- Via "Hahanap tayo ng ibang majojowa!"- Giselle "Jowa talaga? Di ba pwede magtapos muna tayo? Saka mag jowa?''- Fatima "OA! Hindi ka ba makakatapos pag may jowa?"- Giselle "Oo nga inspiration lang naman eh!"- Via "Tama.... Maliban nalang kung sasamahan mo ng alam mo na matinding kalandian!"- Giselle Sa pagkakataong iyon ay napangiti sa wakas si jane. "Hayan! Smile ka lang beb! Kaya mo yan!"- Giselle "Salamat ah! Salamat sa inyo! Kung wala kayo sa tabi ko baka kanina pa ko umiiyak sa harap nila!"- Jane "Wala yun ano ka ba! Babae tayo siyempre sinu-sino ba magtutulungan kundi kapwa natin isa pa magkakaibigan din tayo!''- Fatima "Thank you talaga!"- Muling yumakap si Jane sa mga kaibigan "Ahh.... Group hug!"- Via "Group hug!" Sabay sabay na wika ng lahat "Tara sa bahay itetext ko na si Mama na parating na tayo! Magpaalam na din kayo sa parents nyo marami akong pajams dun yun nalang muna isuot nyo!"- Fatima "Sure.. Meron din naman akong pamalit para bukas!"- Giselle "Ako din!'- Via "Wala akong dalang extra! Naiwan ko pala bag ko ko sa locker ko pati yung handbag ko nasa table natin kanina!"- Jane "Ayy... Wehh...? Sige icha chat ko si Andy para mainform nya si Luke!!!! Ooppsss ok lang ba?"- Giselle "O-ok lang! Paara mahatid niya sa bahay isa pa wala naman ako dun eh!"- Jane "Ok!"- giselle "Don't worry maraming damit sa Hannah dun kasya sayo yun magka size naman kayo!"- Fatima "Sino si Hannah?"- Via "Pinsan ko na pinag aral ni Mama pero nabuntis ng maaga kaya pinabalik sa probinsiya."- Fatima "Ahh ok!"- Via "OK na ba pakiramdam mo?"- Fatima "Medyo!''- Jane "Alam mo kanina dun palang sa pag akyat nila sa stage kanina kinabahan na ko eh alam ko na may something eh kaya binantayan na kita maigi."- Fatima "Salamat ah! Di man halata pero sa ating lahat ikaw ang pinaka alert at pinaka matured mag-isip"- Jane "Itinuring ko na kasi kayong parang mga kapatid ko! Alam mo na only child kaya kayo nalang naging sisters ko!"- Fatima "Salamat ulit ah! Grabeh ganito pala ang geeling ng mabroken heart ang sakit pala! Yung tipong wala siyang alam na nasasaktan ka na! Pero di mo masabi kasi baka magbago ang lahat sa inyo!''- Jane "Pero sa ayaw at sa gusto mo magbabago na talaga lahat ngayon!''- Wika ni Giselle na ngayon ay nasa kama narin, Isang malaking kama at dalawang kutyon na pinagpatong ang hinihigaan nila pinagtabi nila ito para para narin silang nasa iisang kama. "Tama si giselle!"- Fatima "Alam ko!"- Jane "So anong balak mo ngayon?"- Giselle "Bat hindi mo ipagtapat ang nararamdaman mo?''- Via "No!"- Sabay na sagot nina Fatima at Giselle "Bakit?'' - Via "Para ano pa? Gusto mo ba siyang paulit ulit na masaktan?"- Fatima "Pero malay natin may chance?''- Via "Wala ng chance Vi... Kita mo yung nangyare kanina? Grabe effort ni Luke dun! Para lang mapasagot si Hera? Ibig sabihin ganun niya kagusto yung babaeng yun"- Giselle "Isa pa! Kung may feelings din siya kay Jane as more than friend! Hindi siya ganun kadaling mafo fall sa iba!"- Fatima "Tama!"- Giselle "Pero malay natin di lang din siya aware!"- Via "Alam mo gigigil mo ko Vi tara dito pakurot nga!"- Giselle "Ang akin lang naman! Mahalaga din na malaman ni Luke yung nararamdaman ni Jane! Para marealise nya rin kung ano ba talaga si Jane sa kanya!"- Via "Ok... Gets! Umaasa ka na baka may nakatagong damdamin si lalaki! Pero... pero ha! Paano kung wala? Edi dobleng sakit yun para kay Jane! Para mo naman siyang sinaksak ng paulit ulit niyan!''- Fatima "So itatago nalang niya yung feelings niya!?''- Via "Kaya nga ida-divert natin sa iba yung attention nya para unti unti malilimutan niya kung ano man yang nararamdaman niya!" - Giselle "Guys! Tama na! na aappreciate ko kayo! Sobra gets ko din mga point nyo! Sapat na sakin na malaman na nariyan kayo para sakin! Hindi madali pero susubukan ko! kakalimutan ko na siya pero tulungan nyo rin ako tama din si Via magiging unfair din ako sa sarili ko kung hindi ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero tama din si Fatima at Giselle mas lalo akong masasaktan pag nalaman nga niya pero wala din pala siyang nararamadaman sakin baka hindi lang ako ang mailang pag nagkataon baka pati siya! Baka lalong masira ang friendship namin.. Kaya mas mabuti nalang na huwag nalang siguro! Mas maiging i-save ko ang friendship naming dalawa kesa sa nararamdaman ko. "Arrghhhh..... Oh diba sabi ko sayo bagay sayo yang kulay pink eh!"- Via "Oo kabog! Gandara!"- Giselle "Hindi ba parang makapal? Baka masita ako ng mga teacher natin nito!"- Jane "Light lang yan no! Keri lang yan! Tignan mo nga sila Amira oh!(classmate din nilang babae) Red talaga di naman sinisita tsaka di naman make up basehan ng pag-aaral!"- Fatima "Kahit na baka sabihin nila wala na tayong inaatupag kundi puro kaartehan!"- Jane "Tse! Magtigil para liptint lang yan girl tsaka foundation tsaka konting ayos ng kilay anong masama dun?"- Giselle "Oh siya sige tapos na ba?"- Jane "Yassss! Perfect na mukha ka ng fresh!"- Via "Puwede ng ibenta! Hahaha"- Giselle "Ewan ko sa inyo!"- Jane "Jane! May nagpapakuha ng number mo sabi nung estudyante sa 4 B"- Sigaw ng isa nilang kaklase "Hayip! Jane pang ilan na yan ah! Kung hindi lang nagprom hindi ma eexpose ang ganda eh!"- Tudya pa ng iba "Tse.... Matagal ng maganda to tinatago lang kasi kita nyo naman! Ngayong na expose oh diba hinahabol habol na!"- Fatima "Lakas!"- Asar pang muli ng iba "Talaga!"- Fatima "Tama na nga yan baka dumating na ang teacher natin!"- Jane "Wala daw si Mrs. Tuazon!"- Sigaw ng bagong dating na si Andy "Wooohhhhh......." Sigaw ng karamihan "Yes!"- Nagkakalampagan pa ng desk ang iba "Ingay! Ingay! Tama na yan! Di porke walang teacher mag-iingay na! Si Mrs. Tuazon lang ang wala hindi lahat ng teacher"- Saway ng kanilang Class President. "True! Wala si Mrs. Tuazon pero may home work siyang pinapagawa"- Entrada ng bagong dating din na si Hera at kabuntot nito si Luke na agad namang nahagip ng mga mata ni Jane ang kakaibang titig nito sa kanya. "Anong problema nun?"- Bulong nalamang nito sa sarili "Ayyyy..... Ano ba yan!"- Reklamo pa ng ibang kaklase Dahil nga sa nagdaang event kaya siguro marami parin ang hindi maka get over sa mga pangyayari pati yata ibang guro ay hindi pa ready magturo, Marahil dahil sa pagod na rin kaya naman halos ang buong araw ng klase ng 3rd year section A ay puro self study at homework lang. kkkrrrrrrrnnnnnng..... "Hay! Ok! Recessed time na!!!"- Sigaw pa ng mga kalalakihan "Oh wag magkakagulo! Yung row 1 muna unang tatayo yung mga kalat nyo! Pakidampot wala akong makikitang basura sa ilalim ng upuan ninyo"- Sita ulit ng kanilang class president "Oo na! Sipag ni Press ah!" "Ayusin nyo!" "Arghhhh.... Nakakatamad na araw sana pala hindi na tayo pumasok!"- Giselle "Oo nga! Kung alam ko lang sana na wala karamihan ng teacher eh! Haist kaya pala tinatamad ako bumangon kanina!"- Fatima "Siguro punta muna tayo ng gymnasium after natin kumain total wala din naman next subject teacher natin eh!"- Jane "What if umuwi nalang talaga tayo?"- Via "Di pwede tangek ka ba? Baka mamaya biglang may dumating eh absent na tayo nun atleast pag sa gym lang tayo! Alam ni pres diba? Di tayo i-aabsent nun"- Giselle "Paano ka naman nakakasiguro eh ganun din yun wala tayo sa classroom eh!"- Via "Hello itetext ko siya huwag kayo magkagulo!"- Fatima "Ayy sana all ka close!"- Giselle "Sgt. at arms ako! Remember?"- Fatima "sheesssshhhh Sgt. at arms na wapakels hahahaha!"- Via Agad namang nagtawanan ang magkakaibigan. "Jane!"- tinig ng isang pamilyar na baritonong boses mula sa kanilang likuran "Luke?"- Jane "Saan kayo pupunta?"- Luke "Sa canteen!"- Fatima "Malamang Luke break time ngayon!''- Giselle "Kinakausap ko ang bestfriend ko please!''- Seryosong turan ng binata "Ayy taray naman pala!"- Giselle "Tama naman sila sa canteen nga kami, bakit ba? May problema ba?"- Jane "Ano yan?"- Luke "Ha? Ang alin?"- Takang tanong ni Jane "Ayang nasa mukha mo?"- Luke "Ha?" Kunot noo pang tanong ni Jane "Ayan oh!"- Di na napigilan pa ni Luke ang sarili kaya naman binura na niya ng kanyang daliri ang liptint na nasa labi ng kaibigan "Ano ba? Aray ah! Luke isa! Bakit ba?"- nanlalaban pa si Jane pero wala din itong nagawa at tuluyan ding nabura ni Luke ang tinta sa labi niya "Hala! Bakit naman Luke?"- Fatima "Kung anu-ano itinuturo ninyo sa kanya!"- Luke "Ha? Anong sinasabi mo? Anong kinalaman nila sa liptint ko?"- Jane "Bat ka ba naglagay niyan?"- Luke "Bakit hindi?"- Jane "Hindi ka naman ganyan dati ah! Tsaka diba sinabihan na kita last night after prom hindi ka na maglalagay ng mga ganyan sa mukha mo!"- Luke "What? Wala akong natatandaan ar kung meron man hindi naman ako nag agree ah! Ano bang paki mo? tsaka wala namang masama hindi naman malaswa ah!"- Jane "Oo nga! Bagay naman sa kanya di naman din makapal"- Giselle "Tumigil kayo!"- Singhal pa ni Luke sa mga kaibigan ni Jane "Ang OA mo ah! Bakit yung ibang babae ok naman ah bakit si Hera? Bakit siya puwede? Bakit di mo siya pagbawalan?"- Jane "Di mo naman kailangan kasi yan eh!"- Luke "Di ko kailangan pero gusto ko! Luke di mo ba nakikita? Gusto ko magbago! Gusto ko din naman magbago din tingin sakin ng mga tao! Ayaw mo bang maging maganda ang BESTFRIEND mo sa paningin ng ibang tao?" - Halatang pinandiinan pa ni Jane ang salitang Bestfriend "Kaya nga! Wala namang masama dun! Luke dalaga na si jane hindi na siya katulad dati!"- Fatima "Kung puwede sa kanila bakit hindi puwede sakin? Ha? Luke?"- Jane Natahimik naman si Luke at halatang hindi alam ang isasagot sa tanong ng kaibigan. "Bahala ka!"- Tanging sambit nalamang ng binata at padabog na umalis sa kanilang puwesto "Anong problema nun?"- Via "Kaya nga eh! Galit na galit eh!"- Giselle "Tayo pa sinisisi baliw ba siya?!"- Fatima "Hayaan niyo na! Baka mainit lang talaga ang ulo halata namang badtrip talaga eh! Ako na humihingi ng sorry sa naging asal niya!"- Jane "Naku ha! Wala siyang karapatang mag-aasta ng ganiyan eh kaibigan ka lang naman niya maiintidihan ko pa kung boyfriend eh!"- Via "Naku hindi rin eh si Hera nga na girlfriend niya di niya masaway di niya mapagbawalan eh!"- Giselle "Kalimutan na natin yun! Tara na kain na tayo!"- Jane "Mabuti pa nga!"- Fatima "Hoy pre! Ok ka lang?!"- Andy "Ano yun? Bakit? Anong nangyari sa inyo? Kita namin kayo kanina!''- Carl "Huwag muna ngayon!"- Luke "Naku... Si Hera! kanina pa nagmamaktol!"- Andy "Bakit?"- Luke "Kanina pa nag hihintay sayo dun sa gym eh!"- Andy "Sinabi ko sa kanya kanina na sumama siya bat kasi hindi siya sumama!"- Luke "hahaha.... Alam mo na! Nagpapa pilit lang naman yun parang hindi mo naman kilala yang girlfriend mo!"- Carl "Pabebe!"- Sabay na wika nina Andy at Carl Umiling iling nalang si Luke "Andy! Andy!" "Oh Jim? Pre? Bakit?"- Andy "Lakad mo naman ako!"- Jim "Lakad? kanino?" Andy "Kay Jane pre!"- Jim Tila nagpagting naman ang tenga ni Luke sa narinig kaya nakwelyuhan niya kaagad ang lalaki. "Anong sabi mo?"- Luke "Hoy pre! Bakit?''- Jim "Luke! Ano ba pare bitawan mo si Jim! Baka may makakita satin!''- Andy "Pre! Tama si Andy!"- Carl Agad namang bumalik sa huwisyo si Luke at binitawan si Jim "Problema mo?"- Jim "Tigilan mo kaibigan ko ah!"- May panduduro pang banta ni Luke "Oh! Oh! Tama na yan! Umalis ka na nga Jim! Tama si Luke tigilan mo si Jane di ka rin papatusin nun!"- Andy "Labo niyo!"- Pakamot ulo nalamang na umalis si Jim "Damn it!"- Di sinasadyang napabulalas ni Luke "Oh kalma! Yaan mo na! Natural lang na maraming gustong manligaw ngayon sa kaibigan mo pagkatapos nilang masilayan ang totoong ganda niya nung prom night!"- Andy "Hindi ako natutuwa!"- Luke "Sabi ko kasi sa inyo dati pa eh! Maganda si Jane! Konting ayos lang eh! Oh ayan natuto edi ang daming gustong lumapit!'- Carl "Ulol ako nagsabi nun!''- Andy "Ulol ka din ako kaya!''- Carl "Pag-uumpugin ko kayo pag di kayo tumigil!''- Galit paring tinig ni Luke "Eh pre! Ayang si Jane! kita mo! Nag-uumpisa ng ligawan kaya di mo na mapipigilan yan! Isa pa pre may Hera ka na! Focus ka nalang sa kanya!"- Andy "Anong sinasabi mo? na hayaan ko nalang mapunta sa kung kani kaninong lalaki yung bestfriend ko?"- Luke "Pre di sa ganun! Pero kasi may isip naman yung kaibigan mo! Ikaw na rin nagsabi bestfriend mo siya! So meaning.. di na saklaw ng pagiging bestfriend mo kung magkaka lovelife na siya!"- Andy "Tama si andy pre! Kaya kumalma ka nalang! Ilugar mo ang sarili mo kung saan ka lang dapat! Baka masobrahan ka ng pakikialam sa kanya mahirap na!"- Carl "Anong ibig mong sabihin?"- Luke "Well... Akin lang naman, Alam ng lahat na girlfriend mo si Hera! Tapos magiging ganyan ka ka defensive kay Jane? Alam mo namanbang chismis mabilis pa sa alas kuwatro yan pre!"- Carl "Pinoprotektahan ko lang yung bestfriend ko kasi bata pa siya!"- Luke "Magkasing edad lang kayo! Tayo! Si Hera! Tulad nya bata parin kayo ni Hera! Pero hinayaan ka nya diba? kasi masaya ka! Kaya pre maging masaya ka nalang din sa kanya! Ipagtanggol mo siya pag nababastos na siya pero pag ganyang ligaw ligaw lang hayaan mo na pre!" Nanahimik nalang si luke at malalim na nag-isip. Tama naman kasi sila isa pa nariyan nga si Hera! Siguro'y hahayaan na nga lang niyang mag pasiya si Jane para sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD