Chapter 5

2914 Words
PROM NIGHT "Omg! Nakaka kaba naman!"- Via "Ang gaganda naman nila no?"- Fatima "Papasok na ba tayo?"- Via "Mamaya na! Antayin natin sila Jane at Giselle wait lang call ko lang sila!"- Fatima Lumayo muna ng konti si Fatima dahil sa sobrang ingay ng paligid ay hindi niya maririnig kung sakaling sumagot ang nasa kabilang linya. "Girl! Psst... Fatima dito na si Giselle!"- Via "Huh?"- Agad na pinatay ang phone at napataas ang kilay ng makita si Giselle kasama si Andy "And what is the meaning of this?"- Fatima "Oo nga bat kayo magkasama?"- Via "Ano kasi sabi ng mama ko siya nalang daw mag escort sakin!"- Giselle "Ha?"- Sabay na sabi nina Via at Fatima "Ayoko nga din no! Napilitan lang din ako! Diyan na nga muna kayo! Hanapin ko lang sila pareng Carl!"- Andy "Ah talaga napilitan ka pa pala ah! As if naman di ka natulala sakin kanina siguro narealize mo kung gano ako kaganda no?"- Giselle "Luh.... Ewan ko sayo!"- Sagot ni Andy sabay talikod Mapang asar na ngiti naman ang pinukol nina Via at Fatima kay Giselle. "Oh ano yan? Para kayong tanga dyan!"- Giselle "Para kayong aso't pusa pero baka magulat nalang kami ah!"- Via "Na ano?"- Giselle "Bat nga escort mo siya? In fairness pogi ni Andy sa suit nya ah!"- Fatima "Kaworkmate ni Mama ang Mama ni Andy! Kaya nag kasundo sila na siya nalang mag escort sakin!"- Giselle "Ahh talaga? Bat di namin alam yun?"- Fatima "Oo nga! Panay pa bangayan nyo yun pala close pala mga mama niyo!''- Via "Eh basta! Alam nyo naman yun alaskador! Eh teka nasan na si Jane?"- Giselle "Isa pa yun! Wala pa naku mag-uumpisa na ang program eh!"- Fatima "Nakita ko na kanina sina Hera at Luke dumating na! Ang ganda nilang tignan bagay na bagay talaga sila"- Via "Ahh talaga?"- Malamig na sagot ni Fatima "Baka totohanin nga niya na hindi siya aattend ah!''- Giselle "Hindi puwede yun tsaka isa pa excited pa sa excited mama nun!"- Fatima "Eh asan na siya?"- Via "Antay pa tayo! Baka natraffic lang!"- Fatima "Fatima! Via! Giselle"- Sabay sabay na napalingon ang tatlo at agad agad na napanganga nang sa wakas ang kanina pa nila inaantay ay papalapit na rin sa kanila, Ngunit hindi lang sila ang nagulantang sa kanya maging ang iba pang naroroon sa kinatatayuan nila mapa kapwa estudyante man o guro maging ang mga bystander lamang ay nakatulala rin na nakatunghay sa kanya. "Je....Jane????!!!!"- Bulalas ng tatlong kaibigan "Ako nga! Meron pa ba kayong ibang inaantay?" "OMG!!!!!!"- Tili pa ni Via "Bakit?"-Jane "Hala ka! Girl! Mukha kang Diyosa! "Ganda!"- Giselle "Baliw!"- Nahihiyang sagot na lamang ni Jane "Seryoso! Ang ganda mo! See? Lahat sila natulala sayo! Sino mag-aakala na yung Jane na akala nila astigin, Kilos lalaki at madalas madungis eh may ganyang angking gandang tinatago!"- Fatima "Alam mo Fatima ok na ako dun sa astigin at kilos lalaki mas matatanggap ko pa yun eh! Pero yung madalas madungis? Aray ko naman!"- Jane "Hahahaha sorry na beshy wap! Eh alam mo na madalas kang pawisan lalo na kapag kasama mo yung mga boys!"- Fatima "Hahaha oo nga mula magkakila kilala tayo nung first year Highschool palagi kang natutuyuan ng pawis at nangangamoy pawis kakasama sa mga kumag na yun!"- Giselle "Hoy! Dati yun grabe kayo!"- Jane "Well... May point! May point mula nung 3rd year na tayo bibihira na lang pero madalas di na nga!"- Via "Siyempre nagdadalaga!"- Fatima "Tse! Tumigil na nga kayo!"- Jane "Miss Falcon? Is that you?" - Gulat pa silang lahat ng lumapit sa kanila si Mrs. Tuazon "Ma'am?!"- Sabay sabay nilang turan "Well you look great! Ang ganda mo pala talaga! Di ka mukhang maasim ngayon keep it up!"- Mrs. Tuazon "Ahehehe... Thank you mam!" Pakamot na tugon ni Jane "Di ko alam kung compliment ba talaga yun o pang uuyam eh!"- Pabulong pa nito kay Fatima habang pigil sa pagtawa naman ang mga kaibigan "O siya pumasok na kayo maya maya pa ay isasara na ang gate!" "Opo mam!"- Sabay sabay na sabi ng Apat at saka nag unahan na sa pagpasok habang patuloy sa pag hagikgik sina Fatima, Via at Giselle dahil sa sinabi ni Mrs. Tuazon kay Jane. "San ang table natin?"- Via "Dito! Dito!"- Narinig nilang sigaw ni Carl at ng mabaling nga ang tingin nila dito ay kumakampay pa ito at nasa tabi nito si Andy at ang ilan pa nilang kamag aral. "Uyy... Andun sila!"- Giselle "Jane! Ikaw yan?"- Sabi pa ng isa nilang classmate "Ganda mo!" - Wika pa ng isa pa "Ahem.... Siya lang?"- Giselle "Siyempre kayo din! Pero si Jane kakaiba ang ganda grabe nag sha shine an beauty!"- Puri pa din nila "Sa... Salamat!"- Nahihiyang umupo na si Jane "Seryoso Jane! Ang ganda ganda mo! Sabi na nga ba pwede ka mag muse samin eh!"- Seryosong saad ni Carl habang tinititigan ito. "Ano? Tumigil ka nga! Di ah!"- Jane "Tsk! Tiyak madaming mababaliw sayo after nito!"- Wika pa ni Via "True!!!!" - Sabay sabay na sang ayon ng lahat "S... Si Luke? Nasan? Parang di ko kasi siya napapansin?!"- Jane "Kasama ni Hera!"- Wika naman ni Andy habang nakatitig din sa kanya "Ahh okie.." Biglang simangot naman ni Jane "Hayaan na natin sila! Ang importante mag sasaya tayo ngayon!"- Giselle "Oo nga!"- Via Samantalang inalo naman ni Fatima si Jane at hinimas himas ang likod nito upang pagaanin ang loob. "Maganda ka girl! Believe me madaming magsasayaw sayo mamaya!"- Fatima "Salamat!"- Malungkot na tinig ni Jane ngunit pilit na ngumiti sa harap ni Fatima Maya maya pa ay nagsimula na ang program nakapag speech narin ang ilang guro at ang principal gayun din ang inanyayahang alkalde ng kanilang bayan, At ngayon naman oras na ng cotillion at doon nga ay nakita nilang naroon at magkapares sina Luke at Hera at mukhang masaya sa isat-isa kaya naman muling nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang dalaga. "Oh kalma ka lang ah! Kaya mo yan! Relax ka lang magsasaya tayo ngayon ah!"- Muli pang saad ni Fatima ng makita muli ang expression ng mukha ni Jane "Fatima!" "Matatapos na yung prod nila huwag ka ng sumimangot dyan! Sayang ang gabi!"- Fatima "Bakit?''- Giselle "Anong pinag-uusapan ninyo?"-Via "Wala! Sabi ko sa kanya kelangan makadami tayo ng maisasayaw ngayong gabi sayang naman ang postura natin diba? Lets enjoy the night!"- Kunway sabi ni Fatima "Ahhh... Oo nga tama! Kaya pag may nag-aya gora na!"- Giselle "Uyyy.. Ayan iba na ang tugtog party party na! Tara na sa dance floor!"- Via Isang nakakaindayog na tugtog ang kasalukuyang nakasalang kaya naman halos lahat ay pumunta sa gitna upang magsayaw kaya pati si Jane ay nahatak na din dito. "Woohhhh..... Lets party!"- Giselle "Party! Party yeah...."- Sigaw pa ni Via na tila isang kiti kiti sa pag galaw Wala ng nagawa pa si Jane kundi ang ang makisaya at sumabay sa indayog ng musika hanggang matapos ang tatlong tugtog na magkakasunod. "Woohhh.... Kapagod hahaha ang saya!"- Via "Siyang tunay grabe ngayon lang ako nakapag sayaw ng ganito hahaha"- Fatima "Para tayong mga lasing!"- Giselle "Ano ba kayo daig pa natin kamo ang mga lasing"- Wika pa ni Jane sa pagitan ng pag hingal at sabay sabay ulit silang nagtawanan maya maya naman ay tumugtog ang isang sweet music. "Hala! Balik na tayo sa puwesto mukhang hindi na para satin yan!"- Via "Tara!" Fatima Agad namang tumalima yung dalawa pa ngunit bigla nalamang nahinto sa paglakad si Jane. "Miss... Wait!" "Bakit?"- Jane "Ano kasi Ahmm.. Can I have this dance?"- Wika pa ng tila nanginginig pang boses ng lalaki "Ooooohhhh...." Sabay na himig ng tatlong babaeng kaibigan "Ahh.... Kasi ano!''- Tila di rin malaman ni Jane ang isasagot "Go girl! Pagbigyan mo na! For sure mamaya nandiyan ulit kami!"- Fatima "Tama!"- Giselle "Gorabels na! Wait anong name mo?"-Via "Mike! From 4-A class!" "Oohh so senior ka pala namin! Sige ok lang isayaw mo yung friend namin basta ingatan mo lang ah!"- Sagot pa ni Via habang tila nanonood ng pelikula ang iba pa "Sure! Shall we?"- Ngiting sagot pa ng lalaki sabay lahad ng mga palad nito sa dalaga. "O... Ok po!''- Kiming sagot ni Jane Maya maya nga ay nasa gitna na ulit ng dance floor si Jane ngunit sa saliw na ng malambing na musika. "Aww.... Inggit much!"- Via "Mukhang tayo ang magbubutas ng bangko talaga ah!"- Fatima "Sayang naman ang make up at gown natin!"- Giselle "Hoy! Giselle! halika na!"- Andy "Ha? Saan?" "Sayaw tayo!"- Andy Agad na napanganga sina Via at Fatima "Ayy wehh.... Totoo? Baka nilalagnat ka lang!"- Giselle "Ayaw pa!"- Andy "Hindi eto na nga eh! Bye girls! See you later!"- Giselle "Ayy siyala! Yung aso't pusa sila na nga magkasamang pumunta dito tapos magkasayaw pa ngayon baka bukas sila ng dalawa ang mag jowa!"- Naka busangot pang saad ni Via "Oo nga eh! Haist... Hoy Carl!"- Fatima "Ano?"- Carl "Ganun gnaun nalang? Di mo ba kami isasayaw ni Via?"- Fatima "Mamaya nalang tinatamad pa ko eh!"- Sagot ni Carl na tutok sa kung ano mang bagay sa kanyang cellphone "Pambihira naman oh! Suportahan mo naman kaming mga kaibigan nyong babae kakaloka kayo!"- Fatima "Oo nga!"- Via "Mamaya na sabi inaantay ko pa go signal ni Pareng Luke!"- Carl "Go signal?"- Sabay na tanong ng dalawa "Oo!"- Carl "Anong go signal?"- Fatima Hindi na parehong narinig pa at naantay ang sagot ni Carl dahil sa wakas may nag aya naring makisayaw sa kanilang dalawa kaya naman dali dali narin silang sumama dito. Maya maya pa ay nagtuloy tuloy ang pakikipag sayaw nila sa ibat-ibang lalaki ng kanilang eskwelahan lalo na si Jane na tila di man lang makaupo dahil pagkatapos ng isa ay agad agad na may papalit upang subukang maisayaw siya. Nakapag pahinga lamang ang dalaga ng mag-aannounce na ang Emcee na oras na upang mag award ng kanilang King and Queen of the night. "Bentang benta ah!"- Fatima "Ewan ko ba! Kanina pa sumasakit paa ko gusto ko ng pumunta dito kanina pa nakakahiya lang sa kanila!"- Jane "Iba na ang maganda!"- Giselle "True!"- Via "Parang hindi naman!"- Jane "Kung hind ka maganda? Anong tawag mo samin?"- Fatima "Alikabok!''- Carl "Ayy ewan ko sayo Carl pogi mo eh!"- Fatima "Hahaha joke lang! Seryoso ang gaganda nyo nga ngayon!"- Carl "Ikaw ah! May utang ka pa saming sayaw!"- Via "Oo nga! Ano ba pinagkakaabalahan mo?"- Fatima "Ah! Eh kasi.." "Carl! Ano ready na?"- tinig ni Luke na ikinabigla ng lahat lalo na ni Jane ng makitang papalapit ito sa kanila "Oo naman all set na pre!"- Carl "Uyy Luke nandito ka pala! Ganda ni Jane no?"- Fatima "Buwisit ka fatima!"- Biglang kurot naman ni Jane sa tagiliran ng kaibigan "Ouch..."- Sagot ni Fatima sa mahinang tinig "Mahadera ka!"- Bulong pa ni Jane "Para mapansin niya na hindi lang si Hera ang maganda ngayon no!"- Fatima "Jane???"- Gulat na gulat ang mukha ni Luke nahihiyang nangiti na lamang si Jane "Teka pre! Dun na ko sa puwesto ko!"- Carl "Ahh... Giselle! Via! samahan nyo ko sa Restroom please...."- Fatima "Huh? kayo nalang!"- Giselle "Ano ka ba! Tumayo ka na diyan! samahan mo kami ni Via!"- Hinila pa ni Fatima si Giselle ang totooy nais niyang makapag solo sina Luke at Jane para makapag usap. "Teka! Saan kayo pupunta?"- Andy "Sa Restroom halika na!"- Fatima "Ano? Teka!"- Wala ding nagawa si Andy dahil maski siya ay nahila na rin ni Fatima samantalang kakabalik niya lang sa kanyang puwesto. "Kamusta?"- Luke "O... Ok naman!"- Jane "Galit ka pa ba sakin?" "H-- Hindi naman bat --- bat ako magagalit? "Anong bat ka magagalit? Eh kagabi lang tinakbuhan mo ko eh!" "Ano! Kuwan! Wala lang ako sa mood kaya ganun!" "Talaga?" "Oo nga!" "Kung ganun? Bati tayo ah!" "Para kang sira!" "Kahit tawagin kitang Janetot?" "Puwede ba?" "Oh... I see... Ayaw mo na ng ganun! Ok... sige hindi na! By the way! Ang ganda mo!" Hindi malaman ni Jane ang ire-react kanina pa siya nakakarinig ng ganun mula sa iba ngunit iba pala ang dating nung ganung compliment kapag galing na mismo kay Luke. "A--ano?" "Ang sabi ko ang ganda mo!" "Ahh... Hehehe Sa... salamat! Ikaw rin maganda!" "Ha?" "Este pogi! Guwapo! Hahaha... Ano ba yan! Ano ba nangyayari sakin!" "Hahaha ok lang yan! Anyways nakita ko ang dami mong naka sayaw kanina kaya naman pala! Bukas dapat di na ganyan itsura mo ah! Kakasura sila eh..." "Ano?" Tila tinambol naman ang puso ni Jane sa narinig dito "Ayokong tinitignan ka nila ng ganun! Pagbibigyan ko sila ngayon kasi prom night naman pero di na mauulit yan bukas!" "Pano kung araw arawin kong maging maganda?" "Ahh... Ganun? Sinusubukan mo ba ako?" Bahagyang inilapit ni Luke ang mukha niya sa kaibigan dahilan upang magpang abot ang kanilang mga mata at kuntil ng ilong. "Ba... Bakit? A... Anong gagawin mo?" nakaawang pa ang mga labi niya na nakatitig sa mga mata ng kaharap Napalunok naman kaagad si luke ng laway ng magdako ang tingin nito sa labi ng dalaga kaya agad itong nag iwas at dumistansiya dito. "Ano! ahmmm... Palagi akong ma ga guidance niyan kasi palagi kita dapat protektahan! Kasi alam ko maraming gusto makausap ka ganun! Eh sabi ni Tita! Nang.... Mama mo na bantayan daw kita diba? So ayun!" "Suss... Bantayan! Eh ikaw nga tong busy kay Hera!" "Kahit na! Siyempre kahit ganun! Kelangan may paki parin ako sayo!" "Parang hindi ko naman ramdam!" "Ikaw talaga kelan ka pa naging matampuhin?" "Simula ng mawalan ka na ng time at...." "And our Prom King and Queen for this year is From 3rd year section A Mr. Luke Ramirez and Miss Hera Sandoval" Agad na dumagundong ang buong paligid kaya hindi na naituloy pa ni Jane ang sasabihin agad ding tinawag ng Emcee ang dalawang star ng gabing iyon upang umakyat sa stage, Kasabay nun ay paglapit muli nila Fatima sa kanya. "Ok it's show time!"- Carl "Ano?"- Giselle "Just watch and see!"- Andy "Kanina pa kayo! Ano bang pinagpaplanuhan ninyo?"- Fatima "I would like to take this opportunity!..." agaw sa attention nila ang tinig na iyon ni Luke dahil sa naka Mic ito at napaka lalaking speaker na sa pagitan ng bawat sulok ng lugar na iyon. "Hera! you know that i like you? right?"- tuloy tuloy pa na sabi ni Luke dahilan para mag hiyawan ang lahat ng tao doon "OMG...."- Giselle "No way!- Fatima "Woohhh ayan na!"- Carl "Go Luke!"- Andy "Hoy!"- Saway ni Giselle sa sigawan ng dalawang lalaki na may pataas taas pa ng braso "Hera! I'm serious about this! Alam kong bata pa tayo! Pero I would like you to know that I want to be part of your Life!" "Woohh..... Sana all!"- Hiyawan ng karamihan "Bagay kayo!"- Di magkamayaw sa pagtili ang lahat Napatingin naman sa gawi nila si Luke at tila naintindihan ito ni Carl. "Got you bro!"- Agad na may pinindot ito mula sa kanyang cellphone Nagulat pa ang lahat ng mag open ang isang malaking Cinema screen sa itaas nila at doon ay tumambad ang napaka raming litrato nila Luke at Hera na magkasama, Tila masayang masaya sa isat-isa at moments na sweet na sweet kasabay ng mga pictures ay ang kantang it might be you na lalong nagpakilig sa lahat lalo na ng mga kababaihan, Kitang kita din na naluluha si Hera dahil sa pasabog ni Luke maya maya pa ay nag-aakyatan ang ibang kamag-aral upag bigyan ng bulaklak si Hera at ang kahuli hulihan ay lumapit si Luke sa kanya iniabot ang isang teddy bear. "Ok papunta palang tayo sa exciting part!"- Carl "What?"- Fatima Nakita nilang lumuhod si Luke maya maya pa ay may kung ano na namang pinindot si Carl sa kanyang Cellphone at boom nagliwang ang madilim na parte ng kinaroroonan nila isa isang umilaw ang mga katagang WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?. Muling naghiyawan ang mga tao tuluyan namang napaluha sa tuwa si Hera "Yes!" Maluwag ang pagkakangiting sagot ng dalaga "Woohhh" Hiyawan ng lahat "Finally!"- Niyakap pa ng mahigpit ni Luke si Hera "Yes! Sa wakas official couple na!"- Carl Samantalang si Jane naman ay tila napako na sa kintatayuan naka tulala nalang ito at di alam ang gagawin tila ba wala na siya sa katinuang isip at tila nabingi na sa lahat ng ingay ni hindi na niya namalayan na mabilis ng nakababa ang dalawa at ngayon ay nasa harap na nila. "Congrats! Sa wakas may label na!"- Giselle "Thank you!"- Sagot pa pareho ni Luke at Hera ''Bestfriend eto na! Nagtagumpay na ako!" Nakangiti pang wika ni Luke sa kanya "Huh?" Halos crack ang tinig ni Jane "Ahmm..... Congrats sa inyong dalawa ah! Pero tingin ko kailangan na naming umuwi mukhang uulan na kasi eh!"- paalam ni Fatima "Ano? Anong uulan ang ganda ng panahon eh!"- Carl "Oo nga!"- Giselle "No! Uulan ng malakas! maniwala ka sakin!"- Pinandilatan pa ni Fatima si Giselle "Lets go guys! See you sa monday nalang siguro congrats and good luck ulit to the both of you!" Wika muli ni Fatima sabay hila sa kamay ni Jane maging kina Via at Giselle "Wait! Sabay kami ni Giselle pauwi ako na maghahatid sa kanya!"- Andy "Oo nga!"- Giselle "May usapan kasi kami na after prom may girls night out kami samin sila matutulog!"- Fatima "Ha? Meron ba?"- Via "Oo nga meron ba?"- Giselle "Meron! Napaready ko na nga yung kuwarto diba? Tara na at palapit na nararamadaman ko na ang malakas na ulan kaya tara na!"- Fatima nagugulumihanan man ang dalawa ay sumama nalang din sila kay Fatima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD