"Excited ako na kinakabahan para bukas!"- Patili tiling saad ni Giselle
"Ako din!"- Via
"Same! Sino bang hindi hahaha first time natin to no! Sana lang talaga di tayo ma 0 at magbutas lang ng bangko!"- Fatima
"Grabe sa magbutas ng bangko naman! Di naman siguro di naman tayo ganun kapangit eh!"- Via
"Truth!"-Giselle
Masayang nagkukuwentuhan ang magkakaibigan, Bukas na kasi gaganapin ang Prom kaya maging ang mga teacher sa kani kanyang klase ay abala na din sa mga nakahandang program. Kaya naman halos buong araw silang walang klase at kung meron mang iilang guro na wiling magturo ay di rin natatapos tamang attendance at pa homework lang.
"Ikaw Girl! Anong sabi ni mudrabels mo? Sigurado ako excited din yun si Tita Susan!"- Fatima
"Oo nga! Nanay ko nga din susme kung saan saan na pumupunta makahagilap lang ng mag-aayos sakin bukas eh!"- Via
"Hahaha nakakatawa no! Excited din sila para sa atin! Excited na sila makitang maging ultimate princess ang mga anak nila"-Giselle
"psst.... Hoy! Jane!"- Fatima
"Tulala yarn?"- Giselle
"Luh.... Anyare?"- Via
Agad na nilapitan ng tatlo ang kaibigan na kanina pa nakatulala sa kawalan
"Hoy!"- Agad na tapik ni Fatima
"Huh? Oh? Ba.. bakit?"- Jane
"Anong nangyayare sayo? Kanina ka pa tulala!"- Fatima
"May problema ka ba?''-Giselle
"May masakit ba sayo?"-Via
"Wala.. Wala naman!"- Jane
"Ayy kapagod! Ngayon nalang tayo ulit nakapag papawis ng ganun ah!"- Narinig nilang tinig ni Andy na ngayon ay papasok ng kanilang room kasama nina Carl at Luke na kabuntot parin si Hera kaya naman agad na nag yuko ng tingin si Jane.
"Oo nga eh!" Tipid na sagot nalamang ni Luke
"Eto kasi si Hera eh bantay sarado!"- Carl
"Ayy bakit ako?"-Hera
"Guys don't blame her ako talaga may gusto na maglaan muna ng time at bonding narin naming dalawa! Kayo talaga!"- Luke
"Suss araw araw na nga kayo magkasama eh tapos bukas sigurado ako di na naman kayo mapaghiwalay!"-Carl
"Siyempre naman!"- Luke
"Hindi pa kayo niyan ah!"-Andy
"Hahaha tumigil na kayo!"-Luke
"Ehem...Ehem..."- Giselle
"Uyyy andyan pala kayo!"- Andy
"Ayy wala! Ilusyon mo lang kami!"-Giselle
"Sowsss... Ayan ka na naman ah!"-Andy
"Iingay nyo!"-Via
"Girl labas muna tayo!"- Wika ni Fatima kay Jane
"Ha? bakit?"- Jane
"Basta! Tara!"- Fatima
Agad pang hinila ni Fatima ang kaibigan palabas
"Hoy! Saan kayo pupunta?"- Giselle
"Sama kami!"- Via
"Saglit lang kami papasama lang ako sa kanya! Dyan lang kayo!"- Fatima
Nakaharang sa pinto sina Luke at Hera kaya naman nagtama pa ang mga mata ng mag bestfriend.
"Ok ka lang?"- Tanong ni Luke sa kaibigan ng mapansing tila malungkot ito
"o.. Oo naman!"- Jane
"Ahh.. Guys excuse muna kami ah!"- Fatima
Patakbo pang lumayo ang dalawa papuntang hallway
"Wait Fatima! Hooh... Bat ba tayo tumatakbo... Saglit hinihingal ako sayo eh!"- Jane
"Malayo na ba tayo sa kanila?"- Palinga linga pa si Fatima
"Oo! Bakit ba?"- Jane
"Umamin ka sakin! Bakit ka malungkot? dahil ba dun sa dalawa?"- Fatima
"Ano? Sinong dalawa?"
"Yung bestfriend mo at yung maarteng Hera?"
"Anong meron?" Sagot ni Jane na agad muling nag baba ng tingin
"Umamin ka! Makakapag lihim ka sa kanila pero hindi sakin! Girl alam mong malakas pakiramdam ko sa mga ganyan eh! Sinasabi namin sayo dati na pwede ka maghanap ng magiging crush mo! Oo sinabi din namin na puwede si Luke pero di naman ganito! Alam mong may iba na siyang gusto!"
"Anong sinasabi mo?"
"Mahal mo?''
"Sino? Si Luke? bestfriend ko eh!"
"Mahal mo nga?''
"Hi.. Hindi ko alam!"
"Bat ka nasasaktan?"
"Ewan!"
"mahal mo nga!"
"Fatima!"
"Bat di mo sabihin sa kanya?"
"Hindi pwede!"
"bakit?"
"May Hera na siya!"
"Ayun... Edi tama ako mahal mo nga!"
Napakagat labi naman si Jane
"Kelan pa yan?"
"Hindi ko alam, Pero ang sakit sa puso nung maramdaman kong unti unti na siyang lumalayo sakin, Na wala na siyang time sakin na hindi na ako kasama sa priorities nya na parang wala na ako sa pangarap niya na meron ng ibang babaeng nagpapasaya sa kanya na dati rati ako lang! Dati akala ko ok lang na mag girlfriend siya pero bat ganito? Akala ko nga naninibago lang ako kasi lagi siyang nandyan pero hindi pala"
"Pero may pag-asa pa!"
"Paano?"
"Diba hindi pa sila? MU palang sila kaya may chance ka pa!"
"Pero di ako ang type nya"
"Pero mas kilala nyo ang isat-isa"
"Bestfriend lang turing niya sa akin, Ni hindi nga babae tingin nya sakin eh!"
"Kasi yun ang pinapakita mo! Bukas gugulatin mo siya! Silang lahat! kaya kailangan mas maganda ka kay Hera! Ilabas mo ang totoong ganda mo! Agawin mo si Luke agawin mo ang bestfriend mo!"
"Ano?"
"Ahh.. Basta huwag kang mawalan ng pag-asa! Smile! Chin up.. Mas lamang ka kasi ikaw ang nakasama niya ng matagal na panahon ok..."
"Fatima!"
"Huwag ka ng sad! Pag hindi talaga pupuwede ngayon o bukas di bale marami pang bukas hanggat di pa official na sila ok? At hindi pa sila kasal and
for sure matagal pa yun kasi High school palang tayo basta kailangan makita ni Luke ang totoong ikaw at maramdaman niyang mas mahalaga ka kesa dyan sa Hera na yan!"
"Salamat ah!"
"Wala yun! Basta taas noo ka lang! At bukas na bukas a-agawin mo ang spotlight ng pinaka magandang babae dito sa campus natin!"
Agad naman silang nagtawanang dalawa dahil sa naisip ni Fatima.
"Basta huwag ka papahalata sa kanila na affected ka ah pagmumukhain mo lang kawawa ang sarili mo!"
"Noted!".
"Tara balik na tayo baka tayo na pinag chichismisan ng dalawang lukreng doon. (sina via at giselle)
Sa pagbalik nilang dalawa sa classroom ay mas naging masigla na si Jane marahil dahil nailabas niya sa wakas ang nasa sa loob niya at ang bigat ng nasa puso niya, Tama rin si Fatima hindi pa naman talaga huli ang lahat meron pa siyang pag-asa hanggat wala pang label ang relasyon nila ng kaibigan at si Hera.
"Jane! Jane! Psst... Jane!" patakbong hinahabol pa ni Luke ang kaibigan habang papasok na ito sa kanilang subdivision.
"Hoy!"- Luke
"Uy! Lu... Luke? Bakit?"- Jane
"Kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapakinggan kaya naman pala may naka pasak dyan sa tenga mo!"- Luke
"Ahh... Sorry na! Nakikinig kasi ako ng music eh"- Jane
"Mukha nga! Pero sobrang lakas naman niyan rinig ko parin oh kahit hawak mo yung kabila, Kaya di na ko magtataka na nabingi ka nga!''- Luke
"Ano ba kasi yun? Bakit? Teka! Bat andito ka ata? Di mo ba hinatid si Hera?"
"Ahh ... Nagpasundo siya sa mommy niya magpapa salon daw sila alam mo na prom bukas kelangan maghanda!" nakangiti pang wika ni Luke
"Eh kailangan niya pa ba yun? Maganda naman na siya!"
"Yun nga ang sabi ko eh! Pero mapilit eh! Tsaka ok na rin yun atleast naka uwi ng maaga, Siya nga pala hinanap kita kanina di kasi tayo nakapag-usap kanina simula ng bumalik kayo ni Fatima"- Luke
"As if naman nakakapag-usap pa tayo?"
"Ano?"
"Wala! Kako hindi naman na tayo nakakapag kuwentuhan talaga! Alam mo na busy ka na kasi kay Hera! Kaya wala ka ng time sakin!"
Inakbayan naman ni Luke ang kaibigan at hinawakan ang mukha sa pamamagitan ng isang kamay lamang.
"At nagtatampo ka pala ah!"
"Arayy! Lukas ano ba!"- Angal pa ni Jane habang hinahampas si Luke
"Ikaw alam mo naman kasi na may pinapatunayan ako dun sa tao eh!"- Luke
"Oo na nga diba? Wala na kong sinabi! Diyan ka na nga!"
"Oh tignan mo to! Tampororot talaga psst .. Hoy Janetot! Bumalik ka dito!"
"Ano?"
"Saglit lang kasi! Bat ba kasi nagtatampo ka!?"
"Masama ba? Sinong hindi? Yung bestfriend ko na palaging nasa tabi ko dati! Ngayon hayun! Wala na! Iniwan ako sa ere! Ang saya saya diba?!"
"Suss... Kaya ba malungkot ka kanina?"
"Ano? Ako? Malungkot?"
"Oo napansin ko nung paglabas niyo ni Fatima malungkot ka kita ko sa mga mata mo!"
natameme naman kaagad si Jane
"Sorry na!"- Luke
"Sorry saan?"
"Kung nawalan ako ng time sayo! Kung di na tayo nakakapag bonding! Actually pati nga games ko sa online napabayaan ko eh sinacrifice ko muna para ma-please si Hera"
"Bakit kasi kailangan mong i-please yung tao?"
"Kasi nga para malaman niya na sincere ako sa kanya!''
Agad namang kinurot muli ang puso ni Jane sa narinig.
"Bakit? Eh diba? Diba? Gusto ka rin naman niya?"
"Kahit na! Tsaka nakakahiya sa parents niya kung ngayon palang nagpapabaya na ko sa anak nila."
"May obligasyon agad?"
"Eto naman hayaan mo na kasi ako suportahan mo nalang ako! Promise pag kami na at ok na kay Hera yung set up natin as bestfriend isasama kita sa laro namin ng basketball diba gusto mo yun?"
Nakaramdam ng pagkainis ang babae kaya inirapan niya ito at agad namang nag walkout ulit ang dalaga.
"Hoy! Janetot! Ano ba?"
Hinawakan pa nito sa braso si Jane upang pigiling maglakad ngunit iwinaksi niya lamang ito.
"Tsk! Ano ba? Luke! Ganyan ba talaga tingin mo sakin? Nagtatampo ako kasi di mo ko naisama sa basketball? Hindi ko kailangan yun! Puwede ba? Siguro nga mas mabuti pang huwag muna tayo mag-usap"
"Hala! Eh Janetot!"
"Huwag mo na ko tatawaging Janetot!
"Ano?"
"Once and for all Luke! Babae ako kung hindi man yun ang nakikita mo sakin puwes, Di ko na problema yun pero sana naman kahit papaano ituring mo din akong ganun isa pa! Di na tayo ganun kabata para asarin mo ko ng ganyan!"
"Sorry na! Pati ba naman yun!?"
"Oo! pati yun!"
Mabilis na tumakbo muli papalayo si Jane ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya hinabol pa ni Luke dahil miski siya nang mga sandaling iyon ay naguguluhan sa mga ginagawi ng kaibigan.
Nagpupuyos parin sa galit si Jane galit na kahit siya sa sarili niya ay di niya alam kung saan nagmula. Maya maya pa'y unti unti nang pumapatak ang butil butil ng luha sa kanyang mga mata, Agad siyang lumapit sa kanyang salamin dahan dahang pinupunas ng kanyang mga palad ang pisngi na puno ng luha.
Awang awa siya sa sarili niya pero hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.
"Kelan pa Jane? Kelan ka pa naging ganyan kahina? Kelan mo pa ba nararamdaman ang ganito? Alam mong hindi puwede ito! Mag kaibigan kayo! hindi tama ito! Isa pa hindi ikaw ang gusto niya! Tandaan mo ang papel mo sa buhay niya kaibigan ka lang! Hindi kailan man niya magugustuhan ang isang tulad mo! Ni wala ka nga sa kalingkingan ni Hera kaya bat ka nag aassume?" lumuluhang kausap niya sa sarili habang nakatitig sa salamin
"Tignan mo nga yang sarili mo! Hindi ka maganda! Kaya wala kang karapatan mag inarte ng ganyan! Hindi ka maganda......" Tuloy tuloy na hikbi niya!
"Anak! Mabuti nari--- Umiiyak ka ba? Diyos ko kang bata ka? Bakit? Anong nangyari sa iyo? May masakit ba sayo? sabihin mo kay Mama!"
Dahil sa pag mamadali ni Jane kanina ay nalimutan pala niyang ilock ang pinto ng kanyang kuwarto kaya naman malaya itong nabuksan ng ina nang mapansin na bukas na ang ilaw doon at naroon na nga ang siya.
"Mama!" Humihikbing napayakap nalamang ito sa ina
"Bakit baby ko? Anong nangyayari sayo? may umaway ba sayo?"
"Ma.... Ang sakit po ng puso ko! Parang sasabog ang bigat bigat"
"ssshhh... Anak! Kung ano man ang pinag daanan mo! Alam kong kaya mo yan! Bata ka pa marami pang magandang bagay ang mangyayari sa iyo, Isa pa anak! Palagi mong tatandaan hindi porke nasasaktan ka ngayon eh forever na yang sakit na yan pasasaan ba makakahanap ka din ng tunay na kaligayahan!"
mahigpit paring magkayakap ang mag-ina
"Anak! Nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan!" Tumulo na rin ang luha ng ina nito kaya bumitaw muna si Jane at tiningala ang kanyang Ina.
"Mama... So.. Sorry po ah! Kung hindi po ako perpektong anak sa inyo!"
"Ano ka ba! Huwag mong sabihin iyan kuntento kami sa kung anong meron ka! Kayo ng kuya mo! Hindi man namin madalas sabihin ng papa mo! Pero anak proud na proud kami sa inyo!"
"Mama!" - Muli na namang humagulgol ng iyak si Jane
"Hay naku ikaw talagang bata ka! Kung ano man yang nararamdaman mo na yan huwag mo muna masyadong seryosohin please napaka bata mo pa anak! marami ka pang makikilalang lalaki sa paligid malay mo din naman baka bukas makalawa gusto ka narin ng lalaking gusto mo!"
"Ma?" Muling bumitaw ang anak sa pagkakayapos sa Ina.
"A... alam nyo po?"
"Ano ka ba! Mama mo ko bawat kilos at galaw mo alam ko ang ibig sabihin, Hindi ka makakapag tago sa akin maaring mailihim mo ito sa papa mo pero hindi sa akin! Bata palang kayo ni Luke! Alam ko kung paano mo siya titigan anak siguro noon di ka pa aware hindi sa pagiging malisyosa pero katulad mo nagmahal din ako sa bestfriend kong lalaki noon, Pero nabigo din ako!"
"Hindi karin po niya nagustuhan?"
"Hindi naman sa hindi niya ako nagustuhan! Hindi niya lang talaga nalaman!"
"Po?"
"Kasi hindi ko ipinaalam!"
"Ok lang po sa inyo?"
"Siyempre nung una hindi ok! Masakit eh! Pero anong magagawa ko iba ang mahal niya! Hanggang sa dumating ang Papa mo at siya ang nagbigay muli ng kulay sa mundo ko! Kaya ang sabi ko sayo kung hindi man si Luke maaaring may ibang nakalaan para sayo! Bata ka pa! Bata pa kayo pareho!"
"Pero ma! Di ka ba nagsisi what if? What if sinabi mo sa kanya yung nararamdaman mo?"
"Siguro.... Kung sumugal ako noon dalawa lang yan! Maaaring nasira ang friendship namin or naging kami kung..... may feelings din siya sakin! Paano kung wala edi friendship over na! At kung gusto niya rin pala ako pero hindi rin nag work out edi sayang din ang friendship namin! At kung kami ang nagkatuluyan hindi ko makikilala ang papa mo at hindi ko kayo magiging anak ng kuya mo!"
"Sinasabi nyo po ba na hayaan ko nalang po yung nararamdaman ko?"
"Hindi naman sa ganun! Kanya kanya naman tayo ng disposition sa buhay kahit pa anak kita hindi naman tayo pareho ng kapalaran ang akin lang matuto kang kontrolin ang emosyon mo maghinay hinay ka muna at baka sa huli ay pagsisihan mo din timabangin mo ang mga bagay bagay"
"Pero Ma!"
"Take your time Baby! Masyado ka pang bata! May tiwala ako sayo pero dapat alam mo ang priorities mo! Kung kayo ni Luke ang para sa isat-isa kahit ilang babae pa ang dumaan at maka relasyon nya kayo parin sa huli ganun ka din! Paghiwalayin man kayo ng ilang beses kung kayo ang itinakda gagawa ng paraan si tadhana para matunton ninyo ang isat-isa."
"Thank you Ma...."
"Smile ka na ha! Siya nga pala bukas ng alas dos ang dating ng make up artist kaya dapat fresh ka na tama na ang iyak!"
"Hala bat may make up artist?"
"Para lumutang ang ganda mo! Malay mo mapansin ka ni Luke!"
"Mama naman eh!"
"Biro lang! Pero malay natin diba? Hahaha pero seryoso nak! Gusto ko maging maganda ka bukas kaya naman siya sige matulog ka ng maaga para makapag beauty rest ah at siyempre bago yun tara na sa baba para makapag hapunan baka naman maganda ka nga wala ka namang buhay! Tapos hinimatay ka pa! Edi wala din! tara na!"
Agad namang tumalima si Jane na pinahid ang natitirang luha at sumunod na sa ina pababa.