Chapter 3

2382 Words
Gabi na at di makatulog si Jane kaya naman naisipan niyang magpahangin muna sa labas ng mamataan niyang nasa labas din ang kaibigan, Lalapitan na sana niya ito ng mapagtanto na may kausap pala ito sa cellphone. "Grabe hahaha ang dami pala nating similarities noh? Hahaha no no! Actually yes hahaha.... Ayy grabe siya! Nakakatuwa ka di ko lubos akalain na may ganyang ugali ka pala di kasi halata sayo akala ko talaga napaka serious mo funny ka rin pala!" Narinig niya pang sabi nito sa kausap nito. "Ehem... Ehem.." Tikhim pa nito sa likod nito upang agawin ang attention nito ngunit tila wala itong narinig kaya naman nilakasan pa nito ang pag tikhim "Ahem.... Ahemmm... Ahemmm ..." Sa wakas ay napalingon na si Luke. "Oh Jane! Andiyan ka pala wait lang ah... sige Hera! Ah bukas ulit!" "Ayun si Hera naman pala" Bulong sa sarili ni Jane "Ok sige sige bukas nalang sleep ka na Good night! Sweet dreams!" -Luke "Ang laki ng ngiti natin ah!"- Jane "Hahaha eto naman!" "Mukhang nagkaka mabutihan na kayo ah!'' "Ahmmm actually nasa getting to know stage parin naman!" "Hmmm...." Nakalabi pang turan ni Jane "Oh bakit?" "Wala naman! Masaya lang ako sayo!" "Ha? Bakit? Kasi nakikita kong masaya ka!" "Hahaha ano na naman yan Janetot!" "Bakit?" "Parang may iba kasi sayo eh! Lika nga dito!" Inakbayan pa nito ang kaibigan na kunway pasakal "Lukas ngayon ko lang napagtanto yung words na walang forever!" "Ano? Bat biglang bitter? "Tsk! Makinig ka muna kasi! Hindi sa bitter... Narealize ko lang kasi na tatanda tayo magkaka trabaho magkakaron ng sariling pamilya, Baka pag dating ng panahon na yun malabo na or kung puwede man bihira nalang natin makita ang isat-isa kasi hindi na kasali sa priorities natin ang isat-isa." "Saan ba galing yang mga yan? Grabe mga hugot mo na yan ah!" "Totoo naman eh!" "Bestfriends tayo at yan ang forever! hmm?" Hinilig pa ni Luke ang ulo nito sa babae at pinisil ang ilong pagkatapos "Aray! Lukas! Buwisit ka!" "Hahaha bagay yan sayo napaka drama mo kasi!" "Ahh ganun?" Kinurot naman ni Jane si Luke "Aray! Aray! Tsk! Janetot sobra ka na!" "Anong Janetot?" "Janetot! Jane mabantot! Hahaha" "Ahhh mabantot pala ah puwes halika dito" "Inilapit pa ni Jane ang kililiki nito sa kaibigan kaya panay tawanan na nila ang maririnig sa labas ng kanilang kabahayan. "Jane! Luke! Ano ba yan! Pumirmi nga kayong dalawa kayo ano't, diyan pa talaga kayo nag harutang dalawa mamaya eh may natutulog na napaka ingay nyo diyan.!" - Bulyaw ni susan na ina ni Jane "Sorry po Ma!"- Jane "Sorry po Tita Susan anak nyo po kasi emotera ngayon eh!"- Luke "Pumarini ka muna sa loob luke!" Yakag pa ng ama ni Jane na si Samuel "Si.. Sige po Tito Samuel!" Pagdating sa loob ay ipinaghanda ni Susan ng makakain ang dalawa. "Eto pag saluhan ninyo itong binake kong egg pie" "Wow! Salamat po Tita!"- Luke "Kamusta pag-aaral nyo?" - Samuel "Ok naman po Tito!"- Luke "Balita ko ikaw parin nangunguna sa inyo matalino ka talagang bata Luke!"- Samuel "Hindi naman po Tito" nahihiya pang sambit ni Luke "Sowss.... Pahumble pa!"- Jane "Dapat gumaya ka sa kanya Jane!"- Susan "Mama naman!" "Mahusay din naman po si Jane sa klase"- Luke "Pero di sing husay mo!" - Susan "Mama! Ang importante eh kahit papano matatas ang grado ng anak natin!"- Samuel "Oo nga po papa! Si mama kasi gusto nya din parehas kay Lukas eh di naman kami pareho ng utak!"- Jane "Ang akin lang alam ko naman kaya mo din anak! Nandyan si Luke baka puwede magpaturo ka sa kanya sa mga subjects na nahihirapan ka!"- Susan "Oh siya hayaan na natin yan ang importante kayong dalawa dapat mag tapos ng pag-aaral ha"- Samuel "Ayy opo Tito syempre po!"- Luke "Ok lang ang crush pero huwag muna seryoso"- Samuel Tila nasamid naman si Luke kaya napa halakhak si Jane "Oh Hijo! Ayus ka lang?"- Samuel "Papa may pinopormahan na kasi iyan!"- Jane Nagkatinginan pa ang mag-asawa "Ano?"- Sabay na sabi ng mag-asawa "Opo Papa! Si Hera po maganda at popular sa school"- Jane "So ipinagpalit ka pala!" banat ng bagong dating ng kuya ni Jane na si Jethro "Hala anong sinasabi mo!" - Jane "Ang sarap niyan penge ah dun muna ako sa taas ah"- Jethro kumuha lang ng egg pie tapos dumeretso na sa kanyang silid "Baliw ka talaga kuya!"- Jane Sa halip na magsalita ay ginulo lamang nito ang buhok ng kapatid. "Ok lang yan bunso bata pa kayo!"- Sagot lamang nito "Huh?"- Jane "Bueno! Hijo! Kung gayun may nagugustuhan ka na pala?- Tila nalungkot naman ang mukha ng papa at mama niya "Di pa naman po ako nanliligaw talaga Tito ano po kinikilala palang po namin ang isat-isa."- Luke "Eh ikaw anak?"- Baling ni Susan kay Jane "Wala po mama wala pa po sa isip ko yan!" Ngumiti naman ang ina nito at malungkot na tumingin sa kanyang ama. "Tama! Mga bata pa naman kayo! Marami pang magbabago pag dating ng panahon!"- Samuel "PROM NIGHT" "Girls I'm so excited na sa prom natin"- Via Wehh bakit?"- Giselle "Siyempre magmumukha tayong prinsesa sa gabing iyon noh!"- Via "Prinsesa pero walang prinsipe"- Carl "Panira ng moments naman oh!"-Via "Lakas nyo maka nega vibes talaga!"- Fatima "Baka di ako umattend"- Jane "Ano?" Sabay sabay na sabi nila "Di ko hilig mga ganyan ganyan tsaka gastos lang yan eh! Isa pa! Para sa mga magaganda lang yan wala ako nun! Baka maging wall flower lang ako dun!"- Jane "Ano? Anong wall flower?"- Fatima "Yun ano! Ahmm tamang tayo lang sa gilid kasi wala namang sasayaw sayo" "Ano ka ba! Eh kung walang sasayaw sayo eh ano? Edi tayo tayo nalang beshy naman huwag mo kaming iwan tsaka kung gown pinoproblema mo don't worry yung Tita ko may boutique siya pwede nya tayo pahiramin sa murang halaga lang!''- Giselle "Sumama ka na! Andito naman kami isasayaw namin kayo"- Andy "Oo nga magkakaibigan tayo dito! sino sino pa ba magtutulungan at magdadamayan!"- Carl Bumuntong hininga ng malalim si Jane, Ang totoo niyan kasi ayaw niyang makitang masaya sa iba ang kaibigang si Luke ewan niya nung una naman ok lang sa kanya na napapalapit sa isat isa sina Hera at Luke pero habang tumatagal nawawalan na ng oras sa kanya ang kaibigan, Pakiramdam niya ay nababale wala na siya na tila ba wala ng saysay ang pagkakaibigan nila at ayaw niya ang ganung pakiramdam sumisikip ang kanyang dibdib at tila ba maiiyak siya kapag tuluyang nangyari ito. "Ewan ko! Ang mabuti pa turuan nyo nalang ako mag basketball gaya ng sabi nyo nung nakaraan naka ilang susunod na kayo eh! pero hanggang ngayon di pa din nasusunod. "Eh magaling ka naman ah! Tsaka puwede ba panlalaki lang yun!"- Carl "Oo nga!" - Andy "Girl daming sports bakit basketball?"- Via "Bakit hindi? Merong women's basketball no! Di lang sa lalaki yun FYI lang!"- Jane "Whatever.... Basta sumama ka sa prom!"- Fatima "Bahala na! Teka asan ba si Lukas?"- Jane "Asa ka pa dun syempre andun sa lovey dove niya!"- Andy "Yung totoo? Sila na ba?"-Via "Eh ang sabi wala pang formal na sila or let's say na my mutual understanding sila ni Hera pero di pa naman yata sila ewan kahit kami naguguluhan!''- Andy "Walang label? Ganern?"-Via "Mismo!"- Carl. "Hoy ano ba? Saan nyo ba ako dadalhin? may lakad sila Andy sama tayo!"- Jane "Yaan mo nga sila Andy! lakad ng boys yun! di tayo nakikisali dun" - Fatima "Tama... dapat tayong mga girls ang magkakasama!"- Giselle "Eh saan ba tayo pupunta?" "Basta sumama ka lang para sayo to at sa kinabukasan natin!"- Via "Ano? anong ibig nyong sabihin?"- Jane "sunod ka nalang girl!"- fatima "Hello po Tita cCheska"- Giselle "Hi! Sige pasok kayo pasok!" Wika ng may katandaan na ring babae "Hello po...." Sabay sabay nilang turan "Hello din anong gusto nyo? Juice?Water? Coffee? Sabihin nyo lang!" "Ahh juice nalang po tita tsaka sandwich ah!"-Giselle "Hoy nakakahiya!"- Fatima "No! Ok lang ano ka ba!"- Tita Cheska "Ahmm guys bat ba kasi tayo nandito?" curious na tanong ni Jane "Kay Tita Cheska tayo aasa ng mga isusuot natin sa Prom!"- Giselle "What?!" Gulat na gulat si Jane "Oo pumasok kayo mamaya dun sa loob pagkatapos ninyo mag meryenda naka handa na yung mga gown ninyo na ako mismo ang namili"- Tita Cheska "Pe... Pero diba sabi ko di ako pupunta!"-Jane "Pero diba sabi rin namin hindi puwede di ka sasama!?"- Fatima "Tama!"- Via and giselle "Eto namang bata na to bat naman hindi ka sasama aba dalawang beses lang mangyari iyan sa High school life 3rd year kayo ngayon diba? So ngayon at next year lang kaya sulitin nyo na!"- Tita Cheska Wala naman nagawa si Jane sa pangungulit ng mga kaibigan sa kanya kaya naman sumunod nalamang siya dito. Nagulat at namangha sila pare pareho ng makita ang mga gown na napili ni Tita Cheska sa kanilang apat. "Tita! Ang sososyalen namn nito! mukhang bago pa lahat ah! sabi ko mura lang eh!"- Giselle "Mura lang yan pwede ngang libre nalang hahaha!"- Tita Cheska "Ay hala! Tita huwag ka magbiro ng ganyan baka maniwala kami di ka namin bayaran mapagpatol kami hahaha"- Fatima "Hahaha nasa sa inyo yun pero seryoso ako mura lang yan! Kahit magkano nalang tutal naman pasara narin naman ang boutique ko"- Tita Cheska "Ayy... Hala siya di mo nasabi sakin yan tita! ano pong nangyari?"- Giselle "Wala naman! Yung pinsan mong si Ely kasi gusto na akong pasunurin sa canada kaya mapipilitan akong mag sara at doon na manirahan kasama niya"- Tita Cheska "Ahh sayang naman! Pano na kami next year?"- Via "Hahaha edi pumili kayo ng iba pa diyan regalo ko na sa inyo!"- Tita Cheska "Ayy hala siya! Nakakahiya naman po! Di po namin tatanggihan yan! Totoo po ba?"- Fatima "Oo!"- Tita Cheska "Wala pong bayad?"- Jane "Wala! Isa pa natutuwa ako sa inyo at kayo narin ang last client ko kaya libre ko na sa inyo ang pang next year nyo discounted pa ang ngayon''- Tita Cheska "Ayy bongga!" - Sabay sabay na sabi nila "Anak ano yan?" Tanong ni Susan sa anak ng makita namay bitbit itong malalaking supot "Gown po ma!"- Jane "Gown? Para saan? Saan mo gagamitin?"- Susan "Sa Prom po namin ma!"- Jane "Prom? Teka! Teka bat wala kang sinasabi sa amin? Saan mo nakuha iyan? at saan galing ang pambayad?"- Susan "Ma! Mura lang po ito tsaka sa Tita po ni Giselle ang bait nga po eh may pasobra pa para next year daw pasara na din daw kasi siya edi kesa masayang daw edi bigay nalang daw niya sa amin."- Jane "Ganun ba? Eh bat ngayon mo lang sinabi ang tungkol sa prom? Naku kelangan ko pala tawagan si mareng mely!"- Susan "Po? Para po saan?"- Jane "May anak kasi siyang make up artist siya kukunin ko para mag-ayos sayo!"- Susan "Po? Huwag na Ma!"- Jane "Anong huwag na? Ang ganda ng gown mo tapos ang plain ng itsura mo? Ay naku anak di ako papayag kelangan lumabas ang tunay na ganda ng nag-iisa kong prinsesa hindi ako papayag na walang makasayaw sayo dun noh!"- Susan "Kaya nga di ko sinasabi sa inyo tungkol dito eh kasi alam ko ng ganyan magiging reaksyon ninyo eh!"- Jane "Ahh hindi Jane! Basta ikaw ang magiging pinaka maganda kelan ba iyan?" "Sa Wednesday na po! Feb 14 po" "Feb 14? Valentines day? Perfect! Pero teka 12 na ngayon 2 days nalang! Naku ikaw talagang bata ka! Sandali tawagan ko na si Mareng Mely at teka teka may gown ka pero wala kang isusuot sa paa kainis kang bata ka saglit maghahagilap ako"- Tarantang taranta pa si Susan na pumanhik sa itaas ng kanilang bahay "Ma! Huwag na po pwede na po yung sandalyas ko na itim bago pa po iyon kulay pula naman tong isusuot ko eh babagay narin p iyon!"- Jane "Ahh hindi manahimik ka! Maghahanap ako ng magandang heels na babagay diyan huwag mo muna akong guluhin"- Sigaw pa ng ina habang pumapanhik ng hagdanan "Ito na nga ba sinasabi ko eh! Alam ko na ganito magiging reaksyon niya eh! Haist ang OA talaga ng Mama ko pagdating sa mga ganito eh, Teka kamusta kaya si Luke? Teka matawagan nga!" Nakailang ring pa ang lumipas bago sagutin ni Luke ang tawag nito. "Oh napatawag ka?"- Luke "Wow! Ayun lang?"- Jane "Anong yun lang?"- Luke "Ang tagal nating di nagkita at nagka usap ay mali! Kasi nagkikita pala tayo sa school usap lang pala tsaka bonding ang di na natin nagagawa?!" May himig pagtatampo pang sabi ni Jane "Hahahaha.... Sorry na pards! Kaya ka ba napatawag kasi miss mo na ako?"- Luke "Tse! Porke may Hera ka na kinalimutan mo na talaga ako! Hello! Bestfriend mo kaya ako!" "Sorry na nga! Alam mo na kelangan kong magpa impress kay Hera isa pa ayaw kasi niyang sumasama at nakikipag usap ako sa ibang babae eh kaya sorry na pards..." "Ang OA ah! Bakit? Girlfriend mo na ba? Kayo na ba?" "Hindi pa naman pero feeling ko malapit na!" Parang muling tinusok ng karayom ang puso ni Jane ng mga sandaling iyon pakiramdam din niya ay biglang uminit ang kanyang mga mata. "ahhmm....(tila may bumabara sa kanyang lalamunan kaya iniayos muna niya ang kanyang boses) Co... congrats kung ganun! Sabi ko na nga ba eh ikaw unang magkaka love life sa atin eh hehehe" - Kunway patawa tawang sabi ni Jane ngunit sa di mawaring dahilan unti unting pumapatak ang luha sa kanyang mga mata "Thanks .. Sabi ko nga sa kanya dapat maging close kayo eh! Tsaka wala siyang dapat ipag-alala kasi sabi ko hindi ka naman babae hahahaha"- Luke "Loko ka talaga!"- Pilit na pinipigil ni Jane ang luha at inaayos ang sarili at boses upang hindi mahalata ni Luke ang pag-iyak "Siya nga pala, May isusuot ka na ba sa prom?" - Jane "Oo hinanapan na ko ni Hera!"- Luke "Ahh... I see ikaw ang magiging escort niya malamang!"- Jane "Siyempre naman!''- Luke "Ahh wow! That's good! Oh siya sige ibaba ko na to! Tumawag lang ako para kamustahin ka alam ko kasi na wala ka din diyan sa inyo eh di ko nakita bike mo sa labas eh!"- Jane "Oo nagpasama kasi si Hera" "Oh sige ba bye na!"- Jane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD