"Arghhhh... Ang sakit na ng batok at likod ko!"- Fatima
"Ako nga din eh kakangawit kaya mag computer buong araw"- Via
"Malapit na ba kayo matapos?-Giselle
"Dalawa nalang tapos konting revision nalang siguro''- Jane
"Ang babagal niyo naman!''- Luke
"Ayy wehh? Tapos ka na?''- Manghang tanong ni Via
"Sisiw yan kay pareng Luke!"- Andy
"Tapos ka narin Andy?"- Giselle
"Siyempre naman!"-Andy
"Kayo lang eh! Wala kayong belib sa min eh!- Carl
"Bat kasi indivudual project dapat kasi group project to eh!"- Fatima
"Edi mag reklamo kayo kay Ms. Cuenca"-Andy
"Luke pano ba gagawin ko dito?"- Jane
"Saan? Patingin? Ahh ganito lang yan! Tapos ikaw na bahala anong design ilalagay mo!'' Nasa likuran ni Jane si Luke kaya aakalain mong nakayakap ito sa kanya.
"Sweet!"- Fatima
"Para kayong mag jowa diyan!"- via
"In fairness bagay kayo!"- Giselle
"Hmmm... Puwede!"- Carl
"Mga baliw kayo! Mag focus nga kayo sa ginagawa niyo!''- Luke
Sa di mawaring dahilan biglang bumilis ang kabog ng puso ni Jane sa pagkakalapit nilang iyong ng matalik na kaibigan bagay na ngayon lamang niya naramdaman sa tagal ng kanilang pagkakaibigan idagdag pa dito ang pabango ng binata na sumusuot sa kanyang ilong na kung hind niya siguro kayang pigilan ang sarili ay kanina pa siya napapikit at napasandal nalamang dito.
"O... Ok na! Gets... Gets ko na salamat" Agad na taboy nito sa bestfriend upang di mahalata ang pagka asiwa sa kanilang sitwasyon
"Ok! Kapag tapos ka na! Ipasa mo na yan mamaya!''- Luke
"Oo na!"-Jane
"Oh pareng Luke dun muna tayo sa court papawis tayo! Mamaya pa naman next subject natin habang tinatapos ng girls yung project nila!"- Carl
"Oo nga! Ang boring na eh!"- Andy
"Ha? Eh ok lang ba sa kanila?"- Wika pa ni Luke sabay lingon sa mga babae
"Ok lang kami!"- Jane
"Sige sunod kami after!"- Fatima
"Oo nga!"- Via
"Nakakahiya naman kasi sa isa dyan eh!"- Giselle
"Oh bakit?"- Andy
"Oh bakit din?"- Giselle
"Sige sige tara na Andy! Carl huwag nyo na silang guluhin tara na sa court!" - Luke
Bago pa tuluyang makalabas ang tatlong lalaki ay akmang mag dadambaan pa sana sina Giselle at Andy
kaya kaagad pang hinatak ni Luke ang kaibigang lalaki.
"Kaka highblood talaga tong Andy na to!"- Giselle
"Lagi kayong nag-aasaran"- Jane
"Mortal enemy kami niyan!"- Giselle
"Baka naman magka developan kayo ah!''- fatima
"Luh... Di na Uyyy!"- Giselle
"Oo nga ika nga nila the more you hate the more you love!"- Via
"Ayy beh.... Walang ganun samin ng mokong na yun! Baka sina luke at jane puwede pa!"- Giselle
"Oh bat kami na naman?!''- Jane
"Kasi kayong dalawa ang bagay! At isa pa kilalang kilala nyo ang isat-isa!"- Giselle
"Truth!"- Fatima
"Facts!"- Via
"Hindi rin! tsaka isa pa one of the boys lang tingin sakin nun! Best buddy! Tropa! Ganern!"- Jane
"Pano mo nasabi?"- Via
"Basta alam ko lang! Kaya nga bestfriends kami diba?"- Jane
"Malay mo naman!"- Fatima
"Alam ko mga tipo niyan ni Luke! Gusto nya yung mga babaeng babae! Sweet, Demure, Matalino sexy at higit sa lahat maganda!"- jane
"wehh? Bakit may naging jowa na ba siya?"- Fatima
"Ang alam ko wala pa! Pero lahat ng nagiging crush nya ganun yung qualities!"-Jane
"Bakit nga pala wala pa siyang naging jowa?"- Giselle
"Oo nga sa pagkaka alam ko marami ding may crush sa kanya eh!"- Via
"Talaga?"- Jane
"Girl sa court palang dami ng nagpa pansin sa kanya eh alam mo yang si Luke pag nag gym lang yan! Nagpalaki ng konti ng katawan at mas naging conscious sa itsura sinasabi ko sayo daming hahabol dyan!"- Fatima
"I agree!- Via
"Oo nga! One time nga nung may laban sila nung team nila Billy ang daming babaeng tumitili dyan sa bestfriend mo! Mas madami pa nga kesa dyan kay Billy!"- Giselle
"Huh? Bat parang di ko naman napansin?''- Jane
"Kasi di mo pinapansin at isa pa ang attention mo nung time na yun na kay Billy lang paano mo mapapansin diba?"- Giselle
"Oo nga!'' Sabay na sabi nina fatima at via
Bigla naman tila may kutsilyong tumusok sa puso ni Jane nang mga sandaling iyon, Di niya alam kung bakit at para saan iyon.
Habang nag ba-basketball naman ang tatlo ay napag kuwentuhan rin nila ang kanilang mga kaibigang babae
"Alam nyo pikang pika na ako diyan kay Giselle"- Andy
"Hahaha.... Easy lang kaibigan natin yun!"- Luke
"Ewan ko ha! Pero minsan gusto ko patulan eh! Nakaka ubos ng pasensiya!"- Andy
"Huwag naman tol! Ako nga kahit naaasar na din ako sa kanila ginagantihan ko nalang din ng pang-aasar oh diba sila din ang pikon!"- Carl
"Bat ba ganun mga babae? Hirap espelengen!''- Andy
"Buti nalang pala si Jane kahit papaano, Kahit palagi din kami nagkaka pikunan eh di naman namin naiisipan na magkasakitan talaga! Tamang asaran lang talaga!"- Luke
"Oh! Eh buti kung ganun!"- Andy
"Kilala nyo talaga isat-isa ano?"- Carl
"Mula bata kasi magkasama na kami! Para na kaming magkapatid nun!"- Luke
"Pero pre! Do you find Jane attractive too?"- Andy
"Ano? Anong ibig mong sabihin?"- Luke
"Tol naman! As a girl ba? Hindi ka ba ni minsan nagka gusto sa kanya ng higit pa sa kaibigan?"- Andy
"As I said earlier... Para na kaming magkapatid! Ikaw ba? Maaatim mo bang pumatol sa kapatid mo? Kadiri ka naman pag ganun!"- Luke
"So wala talagang chance na ma inlove or ma fall ka sa kanya?"- Carl
"Tol! Pure Friendship lang turingan namin sa isat-isa tsaka yang si Jane mas macho pa sakin yun hahaha"- Luke
"Hahaha medyo pansin ko nga may pagka boyish nga siya!"- Carl
"Malay nyo naman! May istura si Jane ah konting ayos lang yun puwede ng gawing Muse sa league natin yun!''- Andy
"Loko! Di papayag yun! Di niya trip mga ganun!"- Luke
"Eh diba crush niya si Billy?!''- Carl
"Oo!"- Luke
"Edi babae talaga yung bestfriend mo!"- Carl
"Babae naman talaga yun! Kilos lalaki lang!"- Luke
"In short hindi si Jane ang tipo mo? Tama ba?"- Andy
"Ewan ko sa inyo!"- Luke
"Eto naman oo o hindi lang mahirap ba yun!?"- Carl
"Oo nga!"- Andy
"Oo na hindi nga! Ang gusto ko kasi sa babae eh yung mahinhin, Sweet, Girl na girl at alam yun lahat ni Jane"- Luke
"Ohh.... So malabo nga!"- Andy
"Malabo pa sa plastic labo!"- Luke
After 45 mins ay hindi parin dumadating sa court ang mga kaibigang babae kaya naman nag pasiya na ang tatlo na magtungo nalamang sa kanilang classroom at tinext nalang ni Luke si Jane na doon nalang sila dumeretso dahil papunta narin sila, Nagreply naman ito at sumang ayon dito.
"Sa wakas! Tagal nyo grabe!"- Andy
"Pasensiya na medyo nagka problema pa sa files ni Giselle kaya natagalan!"- Jane
"Sabi na nga ba eh ikaw na naman eh!"- Andy
"Problema mo?"- Giselle
"Op! Op! Oppss... Tama na magka pikunan na naman kayo!"- Fatima
Umirap nalamang si Giselle sininghalan naman siya ni Andy.
"Kamusta naman yung sa iyo na ayos mo ba?"- Luke
"Oo sinunod ko yung sinabi mo eh!" ngiting wika pa ni Jane
"Good!"
"Students! Go back to your proper seats!" wika ng kararating na teacher at agad namang tumalima ang mga ito.
"I know medyo late na at 3 moths narin after ng pasukan but please allow me to introduce to you our transfer student!"
"Hala may transferee?"
"Ayy wehh... May bago?'
Sabay sabay na ingay ng mga estudyante
"Quiet! Class quiet!"
"Quiet daw! Ano ba?!" Saway ng kanilang class president maya maya naman ay tumahimik na ang lahat
"Ok galing siya sa Montefalco university"
Di paman natatapos ay nag-ingay muli ang buong klase
"Montefalco? Sikat yun ah!"
"Diba malaking university yun? Bakit siya lumipat?"
"Luh... Mahal dun diba?"
"Baka nalugi sa negosyo yung parents"
"Ssshhh... Quiet! Ayan na naman kayo!" Saway muli ng guro
Maya maya'y tumahimik muli ang buong klase
"Any way tatawagin ko na siya Ms. Hera Sandoval! Come in!"
Agad na napanganga ang buong klase sa ganda at dating ng bagong estudyante
"Ang ganda niya!" Sambit nalamang ng karamihan
"Luh.... Girl mukha siyang diwata!" bulong ni Fatima sa katabi niya na si Jane
"Oo nga eh!"- Sagot naman nito at lumingon sa ibang kaklase na nakatitig sa magandang mukha ng bagong dating, at ng magawi ang paningin sa kaibigang si Luke ay napangiwi nalamang siya dahil kahit ito ay natulala at nabighani dito.
"Hello po! Kamusta po kayo? I'm Hera Sandoval po nagmula sa montefalco university lumipat ako dito dahil merong pinagdadaanan financially ang family ko kaya di na kinaya ang tuition dun so... please to meet you all" Magalang at mabining pakilala ni Hera.
Nag hiyawan naman ang mga kalalakihan
"Sa wakas may maganda narin sa klase namin" Sigaw pa ng isa kaya naman muling nag-ingay ang buong klase dahil umalma naman ang mga kababaihan.
"Sinasabi nyo ba na pangit kami?"
"Kayo na nagsabi nyan"
Agad namang nagtawanan ang lahat
"Ok tama na yan! Ms. Hera mabuti pa dun ka na maupo sa tabi ni Mr. Ramirez"
"Dito Ms. Hera?!" Agap pa ni Luka
"Wow ang bilis mo dun ah!'' Buska ni Andy
"Tumigil ka!" Saway pa ni Luke
Nakamata lamang sila sa paglapit ni Hera sa puwesto na kinabibilangan ni Luke.
"Hi my Name is Hera" Nakangiting bati nito sa kanya
"Hello! I'm Luke!" Ang laki din ng ngiti nito dito.
"Ang arte arte mo diyan Lukas ah!" Di sinasadyang sambit ni Jane sa sarili
"Psst.. Si bestfriend mo mukhang inlove na!'' Usal pa ni Fatima samantalang sina Via at Giselle naman ay panay lingon din sa kinaroroonan ng dalawa.
"Edi good for him!" Wala sa loob na sagot ni Jane bagay na ikinagulat ni Fatima at napangiti nalamang dito.
"Hera! Ito yung Notes ko! Hopefully maintindihan mo hindi kasi ganun kaganda yung sulat ko eh" -Luke
"No worries Luke! It's ok I really appreciate it thank you so much!"- Hera
''Englishera te! Ilayo layo nyo sakin yan ayokong kausap yan''- Fatima
"ssshhh...."- Via
"Ahmm Hera baka need mo pa ng iba pa etong sakin oh pwede mo rin tignan!"- Jane
"Thank you ahhh?"- Hera
"Jane! Jane Falcon bestfriend ni Luke!"
"Ohh.... Ok.... Bestfriend.... I see... Anyway thank you! Sige check ko din later pero tingin ko ok na tong notes ni Luke pero sige para sure na din" Ngiting wika pa ni Hera
"Ayy.... Bat parang iba dating sakin nun?!" - Giselle
"Actually"- Via
"I smell something fishy!"- Fatima
bulungan pa ng tatlo
"Ahh... Hehehe si--sige" Alangang sagot nalamang ni Jane
"Ahmm mamaya maya pa naman next class noh? Punta muna ko powder room ah medyo nanlalagkit lang ako I think i need to re touch narin to fresh'n up you know!'' Isang ngiti muli ang pinakawalan ni Hera sa harap nina Luke
''Ok... We understand!"- Luke
"Excuse me for a while girls ah" Wika pa nito
"Ok..." Tanging sambit nalamang nila Fatima
"Arte!"- Via
"Oo nga!"- Giselle
"Naku tumigil nga kayo natural lang yun galing yun sa exclusive school isa pa girl na girl oh maganda natural na maalaga sa katawan!" - Andy
"Oo nga tsaka alam mong mabango! Ano tol mabango diba?"- Carl
Taas kilay naman ang mga babae
"Oo sobrang bango niya" Parang tangang naka ngiti naman si Luke
"Ayon! Mukhang tinamaan ang pare namin ah! Hahaha ayos yan!" - Andy
"Ahh... Talaga ba? So ganung klase pala ng babae ang hinahanap nyo ah! Wait lang ah punta muna ko powder room to retouch! Arte arte!"- Giselle
"Suss... Ang sabihin nyo inggit lang kayo kasi wala kayo sa kalingkingan ng ganda ni Hera!"- Andy
"Tse! Edi siya na maganda! Arte!"- Fatima
tahimik naman na naka tunghay lamang si Jane sa kaibigan.
"Oh isara mo naman yang bibig mo Lukas! Papasukan na ng langaw yan eh mukhang nagde day dreaming ka na naman diyan kay Hera eh!" kunway tatawa tawa naman siya dito
"Huli ka balbon! Walang lusot sa bestfriend!''- Carl
"Mukhang magkaka girlfriend na kaibigan ko sa unang pagkakataon ah! Grats in advance!" Habol pa nito.
"Siraulo ka Jane! Baka marinig ka ni Hera!"- Luke
"Oh bakit? Ayaw mo nun? Alam niya na crush mo siya?!"- Jane
"Ke bago bago lang niya dito ikaw talaga pangit ng mga iniisip mo!"- Luke
"Sowss.... Huwag ako bespren! Kilala kita kung ako sayo push mo na yan!"- Jane
"Baliw ka talaga!" - Luke
"Saglit lang guys ah! Ahmm... Jane samahan mo muna ako saglit!"- Fatima
"Huh? Saan naman?"- Jane
"Basta!" Mabilis pang kinaladkad ni Fatima si Jane
"Uyyy bakit ba? Saan ba tayo pupunta?"- jane
"Ikaw maldita ka!"- Fatima
"Ha? Bakit?"
"Gusto mo ba talagang mapalapit yung dalawa?"
"Sino? Sila Luke at Hera? Anong masama dun?"
"Walang masama pero ok lang ba talaga sayo? Yung totoo?"
"Oo naman! Bakit ba?"
"Di ka masasaktan?"
"Bakit ako masasaktan?"
"Dahil may nararamdaman ka sa bestfriend mo?"
"Hoy! Saan galing yan? Saan mo nakuha yan Fatima?" Luminga linga pa ito sa paligid dahil baka may makarinig
"Dahil yun ang pakiramdam ko!"
"Mali yang pakiramdam mo na yan!"
"Well sana nga! Sana huwag mo pagsisihan iyan pag dating ng araw!"
"Baliw ka!"- jane
"Mas baliw ka! Hmmp...."- Fatima