"Hoy Lukas! Anong petsa na aba?!" singhal pa ni Jane
"Ano ba yan Jane napaka aga pa naman!"
"Anong maaga ka dyan! 7:05 na oh alas otso pasok natin matraffic pa naku asa ka na hindi tayo male late!"
"Oo na! Eto na! Pababa na!"
"Bat ba kasi ang kupad kupad mong kumilos?"
"Sorry na nga po eh! Napasarap lang ng tulog!"
"Hay naku... Ang sabihin mo mag damag ka na naman kasi nag video games! Pagsabihan mo yang kaibigan mong yan Jane kagabi ko pa sinasabi sa kanya na huwag ng magpakapuyat pero napakatigas ng ulo!" - Mama ni Luke na si Tita Lisa
"Kita mo na! Puro ka talaga kalokohan! Ano pong gusto nyong gawin ko dito Tita?"
"Hay naku... Pag tutulungan nyo na naman ako tara na nga!" Hinila pa ni Luke palabas ang kaibigan
Nasa 3rd year Highschool na sila at kasalukuyan unang araw ng eskuwela.
"Biilis Jane! Takbo baka di na tayo papasukin ni Mang Ambo!"
Si Mang Ambo ang guard ng paaralang pinapasukan nila.
"Ayan! Ayan! Kasi yan na nga ba sinasabi ko eh kasalanan mo to Lukas eh! Teka! (saglit na huminto dahil kapos hininga dahil sa pagtakbo)
"Ano? Kaya pa ba?" Buska pa ni Luke
"Tse! Baliw ka engot ka kasi!" Singhal pa nito sa pagitan ng paghinga
"Tara na Jane! tsk!" Kamot ulo pa ni Luke
Hinampas pa ni Jane ng bag ang kaibigan dahil sa sobrang inis.
"Ikaw pa talaga may lakas ng loob mag ganyan sakin ah! Baliw ka! Pati ako nadadamay sa ka kupadan mo!"
"Aray ko Jane! Tama na!" (ngunit patuloy parin sa paghampas ang kaibigan)
"luh... Si Billy oh! (campus hearthtrob crush ni Jane)
"Asan?" Agad na ayos ng dalaga at palinga linga
"Joke lang! Hahahahah" Agad na takbo paharurot pa ni Luke.
"Lukas bumalik ka dito humanda ka sakin napaka sira ulo mo talaga!" tumakbo din ulit ng matulin si Jane.
Maya maya pa ay umabot na sila sa gate ng kanilang paaralan at ngayon ay nakapila upang ipakita ang kanilang ID sa kanilang guard.
"Oh sakto pero muntikan na rin! Kayong dalawa talaga mula umpisa palaging buzzer beater!" Wika pa ni Mang Ambo
"Mang Ambo naman!"
"shesshhh.... Mang Ambo kilala mo na pala kami eh hindi na kailangan ng ID" banat pa ni Jane
"Aba'y siyempre araw araw ba naman kayong dalawa palagi ang humahabol tuwing magkoclose ako ng gate eh mga pasaway kayo! Pero hindi puwedeng wala paring ID ako mapapagalitan nyan hala sige magsipasok na kayo!"
"Salamat po Mang Ambo!" Sabay na turan ng dalawa
Dahil nga unang araw nga ng kanilang klase ay dumeretso muna sila sa bulletin board upang hanapin ang kanilang pangalan at kung saang section sila nabibilang sabay pa silang napasigaw ng "Yes" ng makitang magkaklase parin silang dalawa at sabay din na nag High Five.
"Galing! Pards! Di tayo mapag hiwalay ah!" Wika pa ni Luke sabay akbay sa kaibigan
"Hahaha oo nga eh! Mula elementary, Tayo magkasama hanggang ngayon tayo parin mga teachers nalang din ata sumusuko satin eh" Sagot naman ni Jane
"Good Morning Sissy... Good Morning Luke!" bati ni Via, Fatima at Giselle
"Oh eto na rin pala yung tropa mong Power puff Girls eh" Asar pang muli ni Luke
"Anong power puff girls baliw ka talaga Luke!" Agad namang buwelta sa kanya ni Fatima
Binatukan pa ni Jane ang kaibigan habang tatawa tawa ito.
"Nakita namin names nyo! Nakakatuwa magkaka klase parin tayo!" Excited na sabi ni Via habang ang iba ay nakangiti at tango lamang ang tugon
"Oo nga eh! Sino pala teacher natin sa unang lesson natin?" Agad na alala ni Jane
"Ayy oo nga pala Math ang una nating subject! Patay si Mrs. Tuazon pala mga besh!" - Giselle
"Hala! si Mrs. Sungit patay! Tara na pumasok na tayo at baka hindi na tayo papasukin sa room nyan!" - Jane
Agad na nagtakbuhan pa ang magkakaibigan papasok sa kanilang classroom
Gaya ng mga karaniwang estudyante makukulit magulo at maingay din ang grupo na kinabibilangan ng magkakaibigan pero hindi naman din papahuli pag dating sa mga subjects lalo na si Luke, Sa katunayan ay lagi itong top 1 at valedictorian din ito nung sila ay nasa Elementarya pa lamang kahit na nga sabihin pang masyado itong nahuhumaling sa mga video games.
Si Jane naman sa kabilang banda ay hindi rin naman pahuhuli bagamat may mga subjects na medyo mahina katulad ng math, Magaling naman siya sa Science at English nabibilang din ito kung minsan sa top di nga lang permanente tulad ng kaibigan, Isa pa magaling din ito sa Arts at active din ito sa chorale group dahil sa taglay na galing sa pag-awit ang iba din naman nilang mga kaibigan ay may kanya kanyang talino din pero sadyang mas angat lamang sa kanila itong si Luke.
"So ano na Ms. Falcon? Ilang minuto mo ng tinititigan yang blackboard! Hindi yan magsasagot ng kusa sa kakatitig mo! Hindi ka ba nakikinig sa klase ko? at hindi mo makuha ang tamang formula dyan?" Wika pa ng mataray na guro
Bahagyang napapangiwi naman si Jane kung bakit ba naman kasi dun sa mismong number pa siya na yun na assign eh kanina nya pa talaga inaaral ang formula pero talagang nabablangko siya at nalilito.
"Ah mam... Ako nalang po alam ko po ang sagot!" Agap ni Luke
"Yes!" Sigaw sa isip ni Jane
"No.... I want Ms. Falcon to focus on this Mr. Ramirez!" Bulyaw pa ng guro
"Patay! Napaka talaga naman! Pag tinamaan ka ng kamalasan!" Bulong muli sa isip ni Jane.
"Go bestie kaya mo yan!" Mahinang bulong ni Giselle na malapit ang upuan mula sa kinatatayuan niya
"Quiet!" Agad na saway naman ng guro
Krrrrrrnnnnnnnngggg......
"Yown!!!" Sabay sabay na sabi ng buong klase
"Save by the bell!" Litanya pa ni Andy na matalik din nilang kaibigan
"Ok class that's all for today! Ms. Falcon aralin mo yan at bukas na bukas kailangan alam mo na ang sagot diyan!"
"Yes Ma'am... Thank you po!"
"Go back to your seat! Class wait for your next subject teacher!"
"Goodbye Mrs. Tuazon see you tomorrow" Sabay sabay na paalam ng buong klase.
Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa matapos ang apat na sunod sunod na subject. Sa wakas ay oras na ng recess kaya agad na nagtungo sa canteen ang mag kakaibigan.
"Shessshhh.... Unang araw palang ng klase stress agad! Dapat diba petiks petiks muna?!" Reklamo agad ni Andy
"Oo nga! Lalo na yung math natin si Mrs. Tuazon hahaha Jane ikaw agad napag tripan!" Banat pa ni Carl
"Buwisit ka Carl! Pinaalala mo pa!" - Jane
"Hahaha.... Ano bang nangyari?"- Carl
"Wala eh nablangko talaga ako di pumapasok sa utak ko" - Jane
"Susss.... Ang dali lang nun eh! Ang sabihin mo wala ka sa focus! Ano bang iniisip mo?" -Luke
"Tse! Palibhasa magaling ka sa Math"
"Girl! Magaling siya talaga sa lahat ng subject!"- Giselle
"Agree!" - Via
"Sana all Luke!''- Fatima
"Grabe naman kayo! Hindi naman!'' tatawang tawa pang tugon ni Luke
"Wala eh no? Mapapa sana all nalang talaga tayo dito kay Pareng Luke!" Wika pa ni Andy sabay akbay sa kaibigan.
"Tsk... Tama na nga yan! Ano bang kakainin natin?" Awat naman ni Luke at agad na bumaling sa kababata
"Bahala ka na! Kung anong sayo ganun narin yung akin! Di naman ako mapili eh!'' sagot pa ni Jane
"Bet ko Carbonara!" - Fatima
"Ayy pasta? Sige g... May nakita akong lasagna kanina tikman natin?" - Via
"Ayy wehh? Meron ba? Sige yun nalang din sa akin!" - Giselle
"Libre nyo kami!?" - Carl
"Tumigil kayo!'' -Giselle
"Buraot parin Carl?" - Via
"Grabe naman 3rd year na tayo oh! Aba manlibre naman kayo!" - Andy
"Hoy Andy kami tigil tigilan mo ah! Last year ganun kayo samin! Dapat kayo nga nanlilibre samin eh!''
"Ayy bakit? Chicks ba kayo?" Sabay pang nag high five sina Andy at Carl at sabay pang bumulalas ng tawa
"Buwisit kayo!'' Sabay sabay ding sabi ng tatlo at pinagbabato ng kung anu-anong madampot ang dalawang kaibigang lalaki.
"Natatawa naman pareho sina Jane at Luke sa kanila palibhasay sanay na sanay na sila sa ugali ng mga kaibigan.
"Tara na Andy! Carl! Ibili na natin sila! Lasagna at Carbonara sa inyo? How about drinks?" Awat pa ni Luke sabay hila sa dalawang lalaki.
"Orange soda sakin" - Via
"Lemon sakin"- Giselle
"Iced tea sakin" - Fatima
"Ok!"... Agad namang tumalima si Luke bitbit ang dalawa pa.
"Bait talaga ni Luke! Suwerte mo sa bestfriend mo!" Wika pa ni Fatima ng makatalikod na ang tatlong lalaki
"Ayy... Parang hindi naman!"- Jane
"Hahaha.... Baliw ka! Bakit mo naman nasabi yan?" - Giselle
"Eh ang lakas lakas mang asar niyan eh! tsaka palagi kaming nag-aaway pag nasa bahay kami!" - Jane
"Ayy... Wehh... Eh bakit dito hindi naman!"- Via
"Huwag kayo papalinlang dun hahaha!"
"Uyy.... Uyyyy... Si Billy!!!" Tiling paimpit pa ang boses na sabi ni Fatima
"Ha??? Asan? Shocks...." Tila aligaga pa si Jane
"Ayan gorl! Papalapit dito!" Kunway nag busy busyhan pa ang apat at hindi nakatingin sa papalapit na lalaki.
"Bat kasama niya si Trisha?" Agad pang sabi ni Via habang kunway nag bubukas ng mga notes pero pailalim na sumisiplat sa mga ito.
"Luh... Baka totoo ang tsismis!" - Giselle
"Anong tsismis?"- Jane
"Hoy!! Last year pang usap usapan asan ka ba?" - Giselle
"Ang alin nga?" - Jane
"Sila na daw!" Sabay na wika sa mahinang boses
"What?!'' Agad namang napatayo at napalakas ang boses ni Jane dahilan upang kumuha ito ng attention ng mga nandoon sa lugar na iyon.
"Gorl!!!" - Saway pa ni Via
Agad namang nagpalinga linga si Jane at napagtanto ang inasal kaya agad din itong bumalik sa puwesto at ng lingunin din niya ang kinaroroonan nang pinag uusapan ay nakatingin na din ito sa kanila.
"Totoo ba?" Naka busangot pang tanong ni Jane
"Oo gorl! Haist.... Sabagay! Bagay naman sila guwapo at maganda saklap sa ating mga average beauty lang..'' Sagot ni Via
Nalungkot naman si Jane sa nalaman.
"I uncrush mo na lang siya Jane hanap ka nalang ng iba!" - Giselle
"Paano mo naman maa-uncrush yung ganyan oh! Pogi! Matalino! Varsity player! Parang nasa kanya na lahat!" Malungkot paring tinig ni Jane
"Eh meron kadin kayang kilalang ganyan na ganyan!" Sabat agad ni Fatima
"Ha? Ako? Sino?" - Jane
"Luh... Luka! Sino pa ba? Ed si Luke sino''- Fatima
"Ano?" - Jane
"Ayy totoo ka diyan Fatima!" Sang ayon pa ni Via at tango lamang ang ambag ni Giselle
"Mga Baliw! Mag kaibigan kami nun di kami talo! Iba ang best friend sa crush'" - Jane
"Crush lang naman di mo naman jojowain eh! Maliban nalang kung tototohanin mo!'' Udyok pang muli ni Fatima
"Tumigil ka! Huwag na nating pag-usapan nga iyan parating na sila!" Saway pa ni Jane ng mamataan ang kaibigan kasama nina Andy at Carl.
"Anong meron?" Agad na tanong ni Carl
"Oo nga! Agaw attention kayo! Bat ka sumisigaw Jane?" - Andy
"Kita namin kayo kanina sa kinatatayuan namin"- Luke
"Ayy wala wala!" Agap pa ni Jane
"Anong wala ka diyan ang lakas ng boses mo kaya!" Sita parin ni Luke
"Wala nga sabi akin na nga pagkain ko!"
"Oh eto binili ko burger at spaghetti binilhan din kita ng brownies at juice!"-Luke
"Ayy sweet!" Tudyo pa ni Fatima
tinignan naman agad ng masama ni Jane si Fatima
"165 pesos!" - Luke
"Ano?" - Jane
"165 pesos lahat yan! Asan na bayad mo?"- Luke
"Nagmamadali? Atat na atat!"- Jane
"Ayy... Akala ko pa naman libre!"-Fatima
"Hahaha eto manlilibre? Naku Fatima Asa ka pa dito! Kuripot kaya to!"- Jane
"Ano ka ba! Baon ko pinambili ko niyan no! Di tayo mayaman para manlibre tsaka wala pa tayong mga trabaho para sa mga libre libre na yan! Saka na siguro pag may sarili na tayong pera at di na tayo umaasa pare pareho sa mga magulang natin!" - Luke
"Ang daming sinabi" - Jane
"Hahaha napaka staright forward naman ni Luke! Seryoso para jinojoke lang eh!" - Fatima
"See? Ganyan yan siya!"- Jane
"Sige hanap nalang tayo ng bagong ika crush!" - Fatima
"Oh bakit? Anong nangyari? Ayun si Billy oh!" - Luke
"Eh may jowa na eh!"- Via
"Ahh I see... Kaya siguro napasigaw si Jane kanina no?"- Carl
"Sows.... Eh mas pogi pa kaming tatlo diyan sa Billy na yan eh!"- Andy
"Ayy ngee.... Andy baka itong si Luke puwede pa pero kayo ni Carl??? negative!"- Giselle
"Hoy!! Giselle! Bunganga mo ah! Pag ikaw nahulog sa akin ah bahala ka bantay ka talaga!" - Banta pa ni Andy
"Eewww.... Malabong mangyari yun!" sagot pa ni Giselle
"Kapag kami nag ayos girls! Who you kayo samin!"- Carl
"Ayy paanong ayos Carl?"-Via
"Huwag mong paasahin sarili nyo!"-Fatima
"Tama na yan! Kumain na nga tayo! Ang dami nyong mga hanasah eh"- Jane
"Eto kasing tatlo na to kala mo naman mga kagandahan eh!"-Carl
"Oo nga!"- Andy
"Pre! Awat na! Mga babae yan!"- Luke
"Tama mga babae kami mag paka gentleman naman sana kayo!"- Giselle
"Ayy kung sa inyo lang din naman! Huwag nalang ok lang maging bastos!"- Andy
"brrtttttt.... Awat na sabi eh! Ano ba!? kakain kayo o itatapon ko yang mga pagkain nyo?" - Jane
Sabay sabay naman na tumahimik ang lahat at sabay sabay ng kumain.