“Nandito na si Harry.”
Napalingon kaming lahat sa paparating na sasakyan, isang Honda Civic. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, marahil siya na ito. Nag-park ang bagong dating na sasakyan sa tabi ng Van. Bumukas ang pintuan ng kotse at iniluwal ang isang nilalang. Ang nilalang na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan. Naglakad ito papunta kay Jenard at nakipag-apir bilang pagbati.
“Shocks! Ang gwapo niya.” bigkas ni Judy, halatang pinipigilan ang sarili sa kilig. Hindi ko siya pinansin.
“True!” Segunda ni Jenny. Hindi ko din siya pinansin.
“Ang gwapo talaga!” dagdag ng iba ko pang mga kasamang babae. Ayaw ko silang pansinin!
Para hindi ko na marinig ang mga papuri nila sa nilalang na iyon ay binuklat ko na lang ang kanina ko pang hawak na script para i-check kung ilang sequences ang ia-act na role ni Josh na ngayon ay role na ni Harry.
Sa lahat ng sequences, apat lang ang hindi siya kasama. Habang busy ako sa paglift ng pages, napansin ko ang isang pares ng Black Sneakers na nasa harapan ko.
Ini-angat ko ang aking ulo para malaman kung sino ang nagmamay-ari nito. Napa-atras ako sa gulat ng malamang kay Harry iyon. Nakangisi siyang nakatitig sa akin.
“Siya naman si Mackey, ang scriptwriter ng group namin.” Sabi ni Jenard sabay tapik sa balikat ko. Tumango si Harry na nakangisi pa rin. Hindi ko napansin na ipinapakilala na pala kami ni Jenard sa kanya. Tumalikod na si Jenard para ipakilala ang iba ko pang kasama na nakapwesto sa may likuran ko. Hindi niya sinundan si Jenard dahil nakatayo pa rin siya sa harap ko at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin.
“Harry?” Tawag ni Jenard kay Harry nang narealize niyang hindi siya sumunod dito.
“Ah! Sorry tol.” tugon ni Harry. Halatang nagulat siya sa pagtawag ni Jenard sa pangalan niya. Tumingin ulit siya sakin.
"Nice to see you again...Mackey." pagkasabi niya ay naglakad na siya patungo sa pwesto nila Jenard sa may bandang likuran ko.
Bakit ganun? Hindi ko ma-explain ang naramdaman ko nung nakatayo siya sa harapan ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. HIndi ko malunok-lunok!
"Yes! May substitute na tayo!" masayang sabi ni Cherry. "Kumpleto na tayo ng talent." Dagdag pa niya.
Tumingin ako sa pwesto nila Jenard at katabi niya si Harry. Lumingon si Harry sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita ko o imagination lang.
******
“Tama ba yung nakita ko? Kinindatan ka ni Harry?”
Muntikan na akong masamid sa iniinom kong tubig nang bigla akong tanungin ni Judy.
"I saw it too." segunda ni Jenny.
“Namamalikmata lang kayo.” Sagot ko sa kanila. Tumayo ako para ilagay sa lababo ang pinag-inuman kong baso. Nandito na kami ngayon sa bahay nila Jenard. Hindi sinabi sa amin ni Jenard na mala-mansion pala ang bahay nila dito sa kanilang probinsiya at hindi lang iyon, sikat din siya sa kanila. Iniwan ko na yung tsismosa kong mga kasama. Hindi pala imagination yung nakita ko kanina dahil kinindatan pala talaga ako ni Harry. Ano bang gustong palabasin ng nilalang na yun? Kahit anong gawin niya hindi ko siya mapapatawad.
Nakarating na ako sa sala ng mansion ni Jenard. Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang bahay. Classic type ang disenyo ng bahay nila, napaka-nostalgic dahil sa mga antique na gamit na nakadisplay sa paligid ng bahay. 2 story ito at ang luwang ay hindi matantiya dahil sa sobrang lawak. Nasa first floor ang Living at Dining area , nasa second floor naman ang mga kwarto. 8 bedrooms to be exact. Mukhang haciendero itong si Jenard. Natigilan ako sa pagmasid sa buong bahay nang makita ko si Jenard na nakatayo sa balkonahe at may kausap sa cellphone.
"Ikumusta niyo nalang po ako kay Papa, Ate at Jeline. Ingat po kayong lahat diyan. Love you ma, Bye." pagkasabi nito ay binaba niya na ang kanyang cellphone. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang nakita niya ako.
"Mama mo?" tanong ko. Tumango siya bilang tugon. Lumapit ako sa kanya.
"Hanep ka Jenard, hindi mo sinabi na ganito pala kalaki ang bahay ninyo dito sa probinsiya tapos sikat ka pa. Ikaw ah, may hindi ka ba sinasabi sa'min?" tanong ko sa kanya. Natawa siya.
"Gaya nga ng sinabi ko noong First year natin sa Functional English subject. Isa lang akong simpleng tao na may simpleng pangarap."
Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. "Simpleng tao na may simpleng pangarap? Lokohin mo Lelang mo. Apat na taon ka na naming classmate tapos ngayong graduating na tayo, saka lang namin malalaman na anak ka pala ng isang hari? Yung totoo?"
"Ikaw nga diyan ang dapat kong tanungin eh. Paano kayo nagkakilala ni Harry?" he snapped.
Natigilan ako sa tanong niya. Nakitingin lang siya sa'kin at hinihintay ang sagot ko.
"U-uy, 'wag mo ngang ibahin yung usapan. Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo." Sabi ko at umiwas ng tingin. Natawa lang siya sa sinabi ko.
Sa klase namin, si Jenard ang pinaka-seryoso at leader type pero kapag nahuli mo ang kiliti niya siguradong mabu-bwisit ka sa kakulitan niya.
"Uuyyy! Tuwang-tuwa yung Director at script writer. Tapos na ba ang premiere night kaya nagkakasiyahan nalang tayo ngayon?" singit ni Yeng sa usapan. Kasama niya si Shallie, Jenny at Judy.
Napalingon kami sa kanila. Buti nalang dumating yung tatlo kundi maha-Hot seat ako ni Jenard.
"At dahil pina-alala mo yang tungkol sa premiere night. Tawagin na yung iba at mag-start na tayo. Kailangan na nating matapos ang shooting para hindi tayo magahol ng oras sa editing. Galaw na." utos ni Jenard.
Cherry and Judy frowned.
"Ano ba yan, kakadating palang natin tapos shooting agad." utas ni Jenny.
"Yeng naman kasi, pina-alala pa." dagdag ni Judy.
Nag-peace sign si Yeng sa dalawa at nagtago sa likod ni Shallie. Baka kasi sugurin siya ng mga ito.
"Shallie, nasa akin pala yung script mo. Wait lang, kukunin ko sa lang sa kwarto. 'Bigay ko na sa'yo para makapag-internalize ka na at para ma-memorize mo na rin yung mga lines mo." sabi ko kay Shallie.
"Okay. Thanks Mackey." she said using her sweet smile.
Lumayo na ako kay Shallie dahil baka makurot ko pa yung pisngi niya sa sobrang cute. Madali pa man din akong manggigil sa mga cute. Sabi nila maganda siya, pero para sa'kin cute siya.
Pag-akyat ko sa hagdan ay nadatnan ko sila Nikka at Eliazar na nagbabangayan. Lagi nalang sila nag-aaway. Palibhasa, Bitter sila sa isa't-isa. Tawang-tawa naman sila Earvan at Ben sa pagvi-video sa dalawa.
"Uy, kayo. Baba na daw sabi ni Jenard. Nasaan na yung iba?" putol ko sa ginagawa nila sabay agaw sa Video cam na hawak ni Earvan.
"Ano ba Mackey! Nasa climax na yung scene oh. Malapit na silang maghalikan." reklamo ni Earvan at kinuha ulit yung Videocam sa'kin.
"Anong maghalikan? Baka magpatayan kamo. Nikka! vini-video ka ni Earvan!" sumbong ko kay Nikka.
"Si Ben yun. Hindi ako!" depensa ni Earvan.
"Anong ako? Si Earvan yun, siya nga naka-hawak ng cam eh." pagtatanggol naman ni Ben sa sarili.
"Buwisit kayong dalawa! Akin na yung videocam!" galit na sinugod ni Nikka yung dalawa na nagsitakbuhan na kasama si Eliazar.
Ang kukulit talaga ng mga 'to. Naglakad na ako at dumeretso sa kwarto kung saan muna kami matutulog ni Judy, Ging, Yeng at Ella. Occupied na yung 5 rooms kaya nagsik-sikan nalang kami sa tatlo pang bakante. Sa isang kwarto ay magkasama sila Eliazar, Earvan at Ben then yung isa namang room ay sila Nikka, Shallie, Jenny at Cherry.
Nakarating na ako sa tapat ng room namin. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko dahil isang naka-topless ang tumambad sa'kin.
"Sorry!" sabi ko at isinara ulit yung pinto. Gahd! Mali ako ng pinasukang kwarto. Nakakahiya! Mabuti nalang nakatalikod. Hahakbang na sana ako upang hanapin yung kwarto namin nang bumukas ulit yung pinto. Nagulat ako ng malaman ko kung sino yung nakatopless kanina.
Si Harry.
"Ikaw ba yung nagbukas ng pintuan kanina?"
Napako ako sa kinatatayuan ko."P-pasensiya na. A-akala ko kasi kwarto namin."
He grinned. "Really?" Niluwang niya yung bukas ng pinto. Napatingin ako sa loob ng kwarto. Napansin kong gamit niya lang ang nakalagay sa loob ng kwarto at wala kay Jenard. Teka, ang alam ko kasi share sila ng kwarto ni Jenard pero bakit mag-isa lang siya?
"Akala ko ba share kayo ni Jenard sa room niya." bigla kong naitanong.
"Ayaw i-share ni Jenard yung kwarto niya baka kasi galawin ko nanaman daw yung mga gamit niya." he said then smile.
"Bakit?" intriga kong tanong.
"Kase..." nilapit niya yung mukha sa'kin. "Ayaw niya ng may gumagalaw sa gamit niya lalong-lalo na yung gitara niya."
Sa sobrang lapit ng mukha niya ay naramdaman kong uminit yung pisngi ko at nagraragasa na sa pagtakbo ang puso ko. Agad ko siyang tinulak palayo para hindi niya marinig ang abnormal na pagtibok ng puso ko. He laughed.
"Hindi ka pa rin nagbabago." he said out of the blue. Tinignan ko siya ng masama at tinalikuran siya. Mas lalong lumakas ang tawa niya. Nang nahanap ko na yung kwarto namin na nasa pinakadulo lang pala ay agad ko itong binuksan at pumasok sa loob. Padabog kong sinara yung pintuan at sumandal sa likod nito. Hinawakan ko yung bandang kaliwa ng dibdib ko at pinakiramdaman ang t***k ng puso ko.
"Ano ka ba puso. Wala kang paki-sama eh. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'yo? Bumibilis pa rin ang t***k mo sa kanya."
Kahit dalawang taon na ang lumipas. Hindi pa rin nabubura sa isip ko ang mga nangyari at ang sakit na idinulot niya sa puso ko.
To be continued...