UNO
"We're here!"
Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Jenard, ang Director/Group leader ng aming grupo. Agad kaming napaayos sa aming pagkakaupo at sabay-sabay na tumingin sa bintana upang alamin kung saang lugar na kami nakarating. Huminto ang sinasakyan naming Van sa isang tabing ilog.
"Guys, hanggang dito nalang tayo. Sasakay nalang tayo ng bangka papunta sa kabila. The boats are ready."
Pagkarinig namin sa sinabi ni Jenard ay nagsimula ng bumaba ang mga kasamahan kong nakaupo sa harapan kasunod naming nasa likuran.
"Nakakaexcite naman. Mukhang mage-enjoy tayo dito ah. Sulit ang 10 days na pag-stay dito!"
Tuwang-tuwa na sabi ni Judy pagkababa niya sa Van. Ganun din ang reaksiyon ng iba ko pang mga kasama. Napatingin ako sa paligid. Kitang-kita mo ang malinaw na agos ng tubig sa ilog at mabeberdeng puno sa paligid. Dinama ko ang simoy ng hangin. Iba talaga kapag probinsiya, napakarefreshing!
Napasulyap ako kay Nikka. Nakatayo siya sa kanan ko at agad kinuha ang camera sa kanyang bag at nag-selfie.
"Ano ba yan, Nikka. Puro ka picture, kanina ka pa nagse-selfie." puna sa kanya ni Eliazar
"Eh sa gusto ko eh. Paki' mo ba?" supladang sagot ni Nikka sa kanya at muling nagselfie.
"Tss. Suplada." narinig kong sabi ni Eliazar bago tumalikod para tulungan si Earvan sa pagbaba ng mga gamit sa likod ng Van.
"Tama na yan guys, group picture muna tayo!" sigaw ni Ella habang inilalagay ang camera sa Tripod.
"I like that!" sigaw ni Jenny at nauna ng pumuwesto sa harap ng camera. Sumunod naman kaming lahat sa kanya at pumwesto na rin. Katabi ko sa kanan sina Shallie at Yeng at sa kaliwa ko naman ay sina Ben at Cherry. Bago pindutin ni Ella ang camera button ay chineck niya muna kung sino pa ang kulang sa amin. Natanaw niya si Ging na nakatayo sa likuran ng Van at may kausap sa cellphone .
"Ging, halika na! 5 seconds lang 'to!" tawag niya dito. Napatingin si Ging sa kanya at nagpa-alam na sa kausap. Lumapit na siya sa amin at pumwesto na rin sa harap ng camera. Pinindot na ni Ella ang capture button ng camera at nakisingit na rin sa amin.
"okay, guys. Say Green!"
"GREEN!" we said in chorus.
******
Shooting. Yan ang dahilan kung bakit kami narito ngayon sa lugar na ito. Ang probinsiya nila Jenard. Ang Siyudad De Catalonia.
Ten days. Yan naman ang bilang ng araw na pag-stay namin sa lugar na ito upang i-execute ang nakalagay na scene sa ginawa naming script. Part kasi ito ng aming subject na Introduction to Film sa kurso naming AB Mass Communication at ito ang Midterm exam namin, ang gumawa ng Short Film.
Sa subject na ito ay hinati kami sa dalawang grupo. Ang Group 1 ay ang grupo namin na may 11 na miyembro samantalang ang group 2 naman ay may 12 na miyembro. Sa exam na ito ay makikita ang galing namin sa pag-arte dahil kami mismo ang gaganap sa mga karakter na nakasaad sa istorya. Dahil hindi sapat ang bilang ng miyembro sa bawat grupo ay pinayagan kami ni Ma'am Marie, our professor, na kumuha ng talent sa lower years, ibang course at sa ibang University. Isang talent para sa protagonist at isang talent naman para sa antagonist. Ang napili naming Genre sa short film na ito ay Mystery at Horror. Pero, dahil sa kaka-revise ni Ma'am Marie sa plot ng storya ay na-uwi ito sa Fantasy. Sa genre na ito ay tamang-tama ang Siyudad De Catalonia. Isang paraiso.
Pagkatapos ng Group picture namin ay tumungo na kami sa bangka na ipinahanda ni Jenard sa mga kakilala niya dito sa kanila para makatawid na kami sa kabila. Lumapit sa akin si Ging na bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Mackey..” tawag niya sa pangalan ko. Tumango ako bilang tugon.
“We have a problem.” Dagdag niya. Napakunot-noo ako sa sinabi ni Ging. Mukhang narinig ni Judy ang sinabi niya kaya lumapit siya sa amin.
“Hindi makakarating si Josh sa shooting natin. Nagkaroon daw ng emergency sa kanila."
"Ano!?" Sabay na reaksiyon namin ni Judy. Tumingin ako sa mga kasama kong sumasakay na sa bangka. Bumaling ulit ako kay Ging.
"It can't be! Paano na yan, ano ng gagawin natin? Hindi pwedeng hindi siya dumating. Yung role niya pa man din ang pinakaimportante sa story." hindi makapaniwalang sabi ko.
Si Josh ang napili namin na gumanap bilang protagonist sa film na ito dahil fit sa kanya yung role at magaling umarte. Tapos hindi siya darating? Ano to? Laglagan?
"Hindi na ba siya pwedeng pakiusapan?" Tanong ni Judy. Halata rin sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Ilang beses ko na siyang tinext na pumunta o kaya sumunod nalang kaso hindi talaga siya pwede eh. Siya rin yung kausap ko kanina sa phone." Sagot ni Ging. Sa tono ng boses niya ay halatang bad trip na. Siya kasi ang nagsuggest na kuning talent ang kaibigan niyang si Josh.
"Tama ba yung narinig ko? Hindi makakarating si Josh?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Natahimik kami nang nalamang si Jenard iyon. Tumingin siya sa amin ng nakakunot-noo at hinihintay na may magsalita sa aming tatlo.
"Ah, Jenard nagkaroon kasi ng emergency kila Josh kaya hindi siya makakarating."
Basag ni Ging sa katahimikan namin. Pinasadahan kami ni Jenard ng tingin bago siya nagsalita.
"Kung hindi siya makakarating. We have two options para maresolba ito. Either kukuha tayo ng panibagong gaganap or irerevise yung script from the top." Sabi niya using his authoritative voice.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What!? Irerevised yung script? Itong 35 pages na script na ito na kulang nalang ay ma-reject dahil sa kaka-revise!" Sabay turo sa hawak kong folder na naglalaman ng script.
Natigilan sa pagsakay sa bangka ang iba kong kasama at ngayon ay nakatingin na sa eksena namin.
"Pero Jenard, mauubos lang ang oras natin kapag irerevise natin ito at siguradong magbabago ang outcome ng story. Hindi na masusunod yung gusto nating ending." paliwanag ko.
Hindi nakapagsalita si Jenard dahil biglang nag-ring yung phone niya. Nagpaalam muna ito upang sagutin yung tumatawag sa kanya.
"What's happening, guys? Akala ko ba we're going na sa kabila?" nagtatakang tanong ni Jenny na naka-upo na sa bandang harapan ng bangka at ready ng sumibat.
"Mukha atang may hindi inaasahang problema." sagot ni Earvan.
"Really? What problem ba yun?" tanong ulit ni Jenny at tumingin sa amin ni Ging.
"Hindi makakapunta si Josh." Ging snapped.
"Patay tayo diyan. Sino na ang papalit sa role ni Josh?" ani ni Eliazar.
"Malamang, isa mga boys natin ang papalit sa role niya except you, Eliazar. Asa ka!" sabat ni Nikka na naka-upo sa likod ni Jenny at ready na ring sumibat.
"Bakit sinabi ko bang ako ang papalit sa role niya? Palibhasa kasi sa Costume Design at make-up ka lang naka-assign. 'Di ka pwedeng umarte." may halong inis na sabi ni Eliazar.
"Mas okay na yung naka-assign sa make-up's and Costume design kaysa naman Gaffer noh. Nakahawak lang ng Halogen all the time." banat ni Nikka at tinaasan siya ng kilay. Hindi na naka-sagot si Eliazar dahil inawat sila ni Ella.
"Tama na yan. Nagkakaproblema na nga, nakikisabay pa kayo!"
"Paano na yan, si Shallie lang talent natin samantalang sa other group ay dalawa? Unfair ah. Kung bakit naman kasi 'di dumating yung Josh na yan eh. Kainis!" nakabusangot na sabi ni Cherry.
Napatingin ako kay Shallie na nakikinig lang sa usapan namin. Isa din sa talent namin si Shallie, kaibigan ni Nikka. Napili namin siya dahil maganda at ayon kay Nikka ay magaling din itong umarte. Napa-irap ako sa kawalan dahil sa inis. Sino nga ba ang gaganap sa role ni Josh?
Halos mabaliw na nga ako sa kakaisip ng pagkasunod-sunod na sequences at mga lines na ibabato ng mga characters tapos irerevised lang din? Oh come on! Suntukan na lang oh?
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Jenard. Iba na ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakangiti na ito na parang nakakita ng shooting star.
"Problem solved!" bungad niya.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Jenny.
"May nakuha na akong gaganap ng role ni Josh and a few minutes ay nandito na siya." sagot niya.
Napa"Talaga" kaming lahat sa sinabi niya. Ang bilis naman niyang makahanap ng kapalit ni Josh.
"Sino?" tanong ni Ging. Isa-isa niya muna kaming tinignan bago sumagot.
"Best friend ko. Si Harry Garcia."
Agad napawi yung excitement ko matapos kong marinig ang pangalang kanyang binanggit.
>>> To be continued...