__Victorique's POV__ NAALIMPUNGATAN ako nang may bahagyang yumugyog sa balikat ko. Squeezing my eyes open, I stared at the old man standing over me. Hindi muna ako nag-react at hinintay na gumana ang utak ko, karaniwan kasing tulog pa ng utak ko kapag bagong gising. "Tayow!" Sigaw ng kung sino man ang gumising sa akin. I groaned in protest as I closed my eyes again. Just to open them again when I felt two calloused and wrinkled hands pulled me by my feet. Napasigaw ako sa gulat nang humalik na ang katawan ko sa sahig. Mabuti nalang at ang pwet ko ang nauna, mahirap na kapag ang ulo ang nauna. "Ano ba!" Reklamo ko habang hinihimas-himas ang mata kong ayaw pa ring dumilat. Nakakamangha lang na gumagana na ang utak ko. "Get up," I sat up straight when I realized that it was Mang Konrad.

