__Victorique's POV__
HINDI ko alam kung paano ako makakapasok sa bahay like nothing happened. Sinabi sa akin ni Spencer na dapat ko daw sabihin kina mama yung nangyari kanina para maging ligtas ako.
"'Yan ka na naman, ang kulit mo...!"
Sumilip ako mula sa dingding na pinagtataguhan ko. Pinagmasdan ko sina mama at papa na naglalampogan na naman sa sofa. Nakaupo si mama sa kandungan ni papa habang nagkukurutan ang mga ito.
"Come on, Belle. Just this once, please? We haven't got so much time these days." My father said, and here goes his English accent again which my mother always notice.
Lagi daw kasi iyo english ng english, kahit daw simula nung nagkita sila. Baka daw mahawa pa ako.
Well, okay lang naman 'yon sa akin. Si Eros lang ang kailangan nilang alalahanin dahil mukhang sumusnod sa yapak ni papa.
"Ate, why are you watching mama and papa kissing?"
Napapitlag ako nang biglang magsalita si Eros mula sa gilid ko. Tulad ko nakikiusyoso din siya sa milagrong nangyayari sa sofa, sa harapan ng t.v.
"W-wala, bakit? Ikaw din naman nanunuod." Tangol ko sa aking sarili.
Tinitigan niya ako na parang pinagaaralan kung anong iniisip ko. Base sa pagkakakunot ng noo nito ay inaalam niya kung anong iniisip ko.
"Are you trying to figure out what I'm thinking?"
Nagkibit balikat siya at binulsa ang kamay. "I'm watching your reaction. And shouldn't I be the one asking you that question sinc you just said what are you trying to figure out?"
Napanganga ako sa pinagsasabi ng nakakabata kong kapatid, NAKAKABATA hah? Nakakabata pero kung magsalita ay daig pa ang tulad kong nakakatandang kapatid.
"What made you think that I was trying to figure you out?"
"That's your answer," He looked at me as if arguing with me bored him. "Asking questions."
Aba't! Hindi ko uurongan itong kapatid ko!
"When I ask it doesn't mean that I am trying to know what you are thinking!" I almost hissed. Medyo binabaan ko lang boses ko kasi baka marinig kami nina mama.
Nagkibit-balikat ito. "Your obssessed in Psychology anyway, why bother asking me when you can already read me,"
Halos umusok na ang ilong ko sa sobrang panggigigil sa lalaking ito. Kanino ba ito nagmana?! Hindi naman ganyan sina mama at papa!
"Victorique, Eros?" Napapitlag ako nang bigla nila kaming tawagin.
My mother fix her clothes before finally sitting on the space next to my father. Pahabol munang kinurot ni papa si mama bago nila kami hinarap ng maayos.
"How's school?" Tanong ni papa na abot tenga ang ngiti. At dahil d'on mas lalong gumwapo si papa.
Medyo may katandaan na sina mama at papa pero hindi pa rin kumukupas ang kanilang...uhh...nakakaakit na features?
Kaso lang nga, ang problema ay daig pa nila ang mga teenagers kung maglandian. Hindi ba sila nagkaroon ng time para magharutan nung nagkakilala sila?
"Ayos sana kaso may isang epal na gusto yatang makatikim ng bugbog sa akin." I rolled my eyes upon remembering Liza. Sabi ni Spencer na dinala siya sa hospital at inaalam pa ang kalagayan niya.
Tumawa naman si papa. "Did you teach her a lesson?"
I smirked and proudly pointed myself. "I kicked her ass, papa."
"That's my girl-Aw!"
Bigla itong pinalo ni mama sa braso. Napaatras naman ang huli saka hinarap si Eros.
"Hey, buddy! How's-"
"As always, it's boring, always lecturing what I learned to my previous grade school." Napatingin ako kay Eros na parang cool lang habang nakapasak ang isang earphone sa tenga. "And my teacher is an ass."
Biglang napaubo si mama sa pinagsasabi ni Eros.
"Eros?! Saan mo natutunan yung pananalita na ganyan?!"
In just a snap, Eros strightened his back like he just woke up. Nanlaki ang mata niya habang hindi makatingin kay mama. Pinigilan ko ang mapangiti kasi si mama lang talaga ang nakakapag-patino sa kapatid kong ito.
"Halika dito!"
Agad namang sumunod si Eros. Akala ko si Eros lang pipingotin niya nang bigla niyang abotin yung tenga ni papa at walang pasintabing pinigot iyon.
"Siya ba?"
"Ouch! Honey-Belle, this is mistaken identity-I'am not Eros!" Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.
Now how can I ruin their mood if they are this happy? Ako ang may problema at hindi sila, madadamay lang sila sa akin kahit hindi ko alam kung bakit nga ba ako ang puntirya ni...ng demonyong iyon.
Your father is capable of protecting your mother...
Napailing ako nang maalala ko ang sinabi ni Spencer sa akin kanina. Parang may ipinapahiwatig kasi siya sa akin na kung ano. At ayaw kong pag-isipan sina mama ng kung ano-ano.
NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ako ng marahan na pagkatok sa bintana ko. I mumbled something before I decided to finally open my window without even looking who it is. Kilala ko na naman kasi kung sino ito.
Spencer Hemmings jumped inside my room without struggling. He landed softly, enough for him to quietly sneak in without making a noise.
"I guess you didn't tell your father about what happened," Spencer said as soon as he finally gained his composure.
"Nice, greeting." I said and crossed my arms. "And...oo, hindi ko nga sinabi. May problema ka?"
Spencer closed his eyes tightly while rubbing his temple.
"I hope you know that you are making a big mistake,"
"But I'll make sure that it doesn't effect the future," Sabi ko habang nakahalukipkip. "Especially my family."
Talk about being selfless, it doesn't suit me, but I guess I have to train being one since that is what I am.
Tinitigan niya ako, bumuka ang bibig niya parang may gusto siyang sabihin pero sumasara din iyon.
"Do you have a minute?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan ang orasan ko na nakalagay sa bedside table. Two o'oclock na pala ng madaling araw.
"I guess so? Why?" I ask.
He tilted his head on one side as he looked at me from head to toe.
"Change first and we are going." Pagkasabi niya no'n ay binukasan niya ang pintuan ko sa aking balkonahe at doon ay nagmukmok.
Tsk! Para namang hindi magandang tignan ang katawan ko! Mas okay pa sa akin na bosohan niya ako, at least alam ko na may interest nga siya sa akin. Ayiee, kalandian ko talaga!
Naiinis na hinubad ko ang suot na nightgown at naghanap ng jacket at jogging pants dahil alam ko kung saan kami pupunta at alam ko kung anong gagawin namin ng ganitong oras.
Nang matapos na ako sa pagbibihis ay inalalayan na niya ako sa pagbaba mula sa balkonahe ko. Namula pa ako nang saluhin niya ako na parang prinsesa.
Panira lang nga dahil kailangan niya rin akong ibaba. Kung pwede lang nga ay hindi na ako magpapababa sa kanya. Another grace!
Naglakad kami papunta sa nakaparada niyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad naman akong pumasok. He drove the familiar path towards his headquarters. Dito kami napupunta kapag tuturuan na niya ako.
Nag-enter muna siya ng passcode bago kami nakapasok. Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng kadiliman. Binuksan niya ang kanyang flashlight para magsilbing ilaw namin sa madilim na hallway. We walked against the floor, the sounds of our step echoes through the silent four walls of the hallway. None of us is speaking until we finally arrived to a room that I haven't saw before.
"Spencer?" I called with a questioning tone. "What are we..."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sa wakas ay makapasok na kami sa loob.
Agad na bumulaga sa akin ang napakarami at hile-hilerang mga baril at ibang armas na nakadeposito sa isang mahabang lamesa. May mga iba't-ibang klaseng baril din ang nakasabit sa isang kabinet. Armors are also placed neatly against the other side of the cabinet.
My mouth formed an 'O' when I approached the weapons lying just at the table. I can't believe that they have this kind of room other than the training room thag we usually went for training.
"Pick one," He said while leaning against a wall. He watched as I admire each gun in sight. "After you've picked one, follow me."
Nang sinabi niya iyon ay agad akong dumampot ng isang baril at sinundan siya. Nakapwesto siya sa may harang kung saan mag isang field. And from where I am standing I saw a board which I think is a target basing from the dots drawn in the middle.
Kumuha siya ng isang headset, mukhang headset na walang wire at pinasuot iyon sa aking ulo.
He touched my hair and gently move it aside to rest it on my back. All the while his brown eyes are stuck with mine. They seem to be searching me, and it made my heart beat in a fast pace, just being this close to him.
"I think your hair have grown a little," He said while his eyes are moving from my face to my hair. "You should probably get an haircut."
"Really?" Sabi ko habang nakangiti. "Does it suit me?"
Nakita ko ang pagngiti niya sa sinabi ko. Saka ko naramdaman ang banayad na paghaplos-haplos niya d'on.
"Everything suits you, believe me." He said while fixing my headset once more.
Iniharap niya ako sa field kung nasaan medyo malayo ang target ko.
"Today I will be teaching you how to shoot your target." Nagsuot din siya ng headset ng tulad ng sa akin at kumuha rin ng baril.
Kumuha siya ng bala at pinasok iyon sa baril saka iyong walang kahirap-hirap na kinasa sa harapan ko.
Tinutok niya ang baril sa target habang inaadjust iyon sa pulang bilog na nakaukit sa cardboard.
Nagpaputok siya ng ilang beses, namangha ako dahil halos lahat ng balang pinaputok niya ay tumama sa pulang bilog.
Nang maubos na ang bala niya ay binaba na niya ang baril at hinarap ako, our eyes met as he handled me the gun. He placed it under my palms after reloading it.
"Since you decided to act in your own way, I guess I need to teach you how to handle a gun first," Then he nudged me to his place, raised my arms in positioned me in a way that his arms held the gun earlier and aimed it at my targets direction.
"First you must try to relax yourself yet you must be alert, hold the gun firmly," Bigla ako napapitlag nang hawakan niya ang likod ko.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking pansin kasi nadi-distract ako sa kamay niyang nakalagay sa aking likod at sa mukha niyang malapit lang sa aking mukha. His breath were fanning against my face and it gave chill. Kinikilig ako...
"Don't be nervous and set your mind to what you are doing, clear your mind and aim carefully." Napakagat labi ako nang maramdaman ko ang kamay niya na hinahawakan ang aking kamay.
Halos mabaliw na ako sa kalapitan niya sa akin, nahihika ako na parang maiihi nang bigla na lamang siya tumingin sa akin. And because I was caught off guard, I accidentaly fired my gun. Surprised, I almost stumbled to the ground because of impact, but he held me by the waist before it could happen.
There is heat coming from his hand that is preventing my fall, and I swear I could curse all things when I realized what just happened, I was thankful it happened actually.
"Victorique, are you even listening?"
"Huh?"
Talaga nga yatang nawawala na ako sa sarili kasi pati ang paggalaw ng adams apple niya ay sinusundan ko. Teka? Nagtaas baba ang adams apple niya!
Adams apple moving which only means that he is afraid or disturbed about something, concious, or maybe he is restrining himself, maybe? But whatever it is it's either of those. I watched his eyes as they unstoppingly searched my face. I don't know where they move but I am certain that they watch me.
Bigla akong napaangat at tumingin sa kanya ng mataman. Hanggang sa makita ko sa mata niya ang pagkagulat, he turned hus face around as if he was embarassed about something he did.
"Are you..."I slowly said, careful I might say something he will laugh at. "Did you just...looked at me like..." like you wanted to kiss me? I want to ask but I stopped myself. Baka kasi mali ang pagkakaintindi ko sa paggalaw niya kanina.
"Like what?" Nang tumingin na siya ulit sa akin ay nawala na ang emosyon na nakaukit d'on kanina. "Like I want to do something...to you?"
Bigla akong napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Kinikilig ba talaga ako? Kinikilig na ako kahit hindi naman ako sigurado kung anong gusto niyang gawin sa akin?!
"A-ano bang gusto mong gawin sa a-akin?" Napalunok ako nang muli niya na namang hinawakan ang kamay ko na may hawak na baril.
Saka siya lumapit siya sa aking tenga at binulungan ako. "Just shoot, Victorique." Namula ako sa sinabi niya.
Nang humiwalay siya sa akin ay iniangat na niya ang baril sa gawi ng target ko at ginabayan ang aking mga braso sa pag-baril.
"You must be prepared by the impact. At first you can't handle it but you'll get use in firing."
At nang muli niya akong tinuruan ay iniiwasan na ako ng kanyang mga mata. Pati na rin ang paghawak niya sa akin ay maingat.
Then it left me thinking, what does he want to do with me?