"Luke, tama na!" sita niya sa kapatid. Nagawa niyang mahatak papatanggal si Luke nang tila mawala ito sa balanse, habang si Andrew naman ay halatang medyo nahimasmasan at naging mahinahon dahil sa pagpipigil nina Raymond at Jordan. Ilang minuto rin silang inabot bago napigilan and dalawa sa pagbubuno, parehas kasing ayaw magpaawat ng mga ito. "Stay away from my sister!" madiin na sigaw ni Luke, rinig na rinig nila ang galit sa boses nito. "Luke, It's not what you think!" mahinahon saad ni Andrew. Mukhang natauhan na ito sa mga pinaggagawa dahil hindi na ito nagwawala at nakikipagtalo. "Don't play dumb with me! You were trying to hit on my sister!" nagwawalang singhal ni Luke dahil sa pagkairita. "Luke, umayos ka nga, hindi iyon ganoon!" sita ni Lucy sa kapatid. "You're defending hi

