Buryong-buryo si Andrew nang araw na iyon, hindi pa rin maipinta ang hitsura niya dahil sa pagka-irita, parang linta kasi kung makadikit sa kanya si Diana, maliban doon ipinagyayabang nito sa buong eskwelahan na legal na silang dalawa sa mga magulang niya, kahit sa condo niya ay wala siyang takas dahil pinupuntahan siya nito. Noong isang beses nagulat na lang siya nang datnan niya ito sa loob noon, sa sobrang inis niya sa condo siya ni Raymond nakitulog para lang maiwasan ang babae, hindi niya lubos akalain na makakadama siya ng sobrang inis para sa isang babae, pero wala rin siyang magawa dahil iniutos iyon ng daddy at lolo niya habang ginagawan ng paraan ang naturang gusto na nangyari. "Happy birthday dude!" masayang bati ng mga barkada niya pakapasok ng mga ito sa kuwarto, napilitan s

