"Mind if I join you," malungkot niyang paalam dito habang papaupo. Isang ngisi lang ang natanggap niya mula kay Vincent bago nito itinaas ang hawak na bote sa kanya. "It sucks getting caught, doesnt it!" panunuya nito. Alam niyang gumaganti ito dahil sa sermon niya kanina, hindi na lang siya sumagot bagkos ay sinabayan niya na lang ito sa pag-inom. Ilang oras din silang nagsalo ng kaibigan, halos hindi na siya makagalaw dahil sa dami ng naubos na bote, kaya naman kinailangan pa siyang akayin ng mga kaibigan patungo sa condo ni Raymond. Kahit ganoon ang kanyang lagay ay alam niya pa rin ang mga nangyayari sa paligid kaya naman napakunot siya ng noo nang maramdamang ang malamig na bagay na bigla na lang inilagay ng mga kaibigan sa kanyang pulso. "What the f**k man!" halos antok n

