Walang gana si Andrew ng mga oras na iyon kahit na nagkakasiyahan na ang mga kasama niya sa swimming pool. Nanatili siyang mag-isa sa upuan na umiinom at nagmumuni-muni habang iniisip kung ano pa ba ang maaari niyang magawa upang makuha na ang matamis na oo ni Lucy. Naabala lang siya nang bigla na lang may kumuha sa kanyang iniinom upang lagukin ito, mabilis ang pagtalim ng kanyang tingin dito subalit agad din iyon napalitan ng ngiti nang makita kung sino iyon. "Tang ina ka Vince, ginulat mo ako! Akala ko ba hindi ka pwede ngayon?" taka niyang tanong habang nilalagok nito ang bote niya ng beer."Hoy pare, hinay-hinay lang," sita niya sa kaibigan nang mapansin tuloy-tuloy nitong inuubos ang naturang bote. Salubong na salubong ang kilay nito habang papaupo sa kanyang tabi niya, walang

