"Jusko Ijo! ano bang nangyayari sa iyo?" mangiyak ngiyak na saad ng mommy niya nang makita ang lugar. Nagkalat ang ilang mga bote at lata ng alak, sirang mga gamit, basura at nakapatay pa ang mga ilaw. Naroon na rin ang kakaibang amoy sa loob dulot ng gulo at kawalan linis nito. Binalingan lang sandali ni Andrew ng tingin ang kanyang mommy bago muling lumagok sa hawak na bote at bumalik sa pagtingin sa kisame habang nakahilata sa sofa. "Buti nga sa iyo iyan, ang libog mo kasi!" singhal ni Andrea. Napasalubong na lang siya ng kilay nang marinig ang turan ng pinsan, hindi niya ito nilingon pero naroon na ang panlilisik ng kanyang mga mata dahil sa pagkulo ng dugo. "Andrew, Iho. Please stop this," mangiyak-ngiyak na saad ng mommy niya pakatabi nito sa kanya, maingat nitong inabot ang kam

