Tulala lang si Lucy habang iniisip ang mga ikinikilos ni Andrew nitong nakaraan, nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang mga napapansin nito sa kanya kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na kumonsulta sa doktor ng araw na iyon. Matapos manggaling sa hospital ay naisipan niyang huwag na munang pumasok, namili na lamang siya nang maalala ang araw na iyon at ang kakulangan ng ilan sa mga pagkain sa tinutuluyan nila. Agaran na lang siyang nagpadala ng text kay Andrew ukol sa naisipan gawin para na rin hindi ito manggulo sa kanyang pamimili. To Bee Im at the grocery may ipapabili ka? From Bee Snacks would be good, baka dumaan kasi sina Jordan dito mamaya Napabuntong hininga na lang siya matapos iyon mabasa, nagmadali na lang siya sa pamimili upang masalubong ang mga darating na bi

