Chapter thirteen

1765 Words
"grabe subrang sakit ng mga paa ko." Daing ni celine habang hinihilot ang mga paa niya. Sa room nila kami dumiretso matapos ang rehearsal. "Ang akin din oh." Sabi ni zeinab sabay pakita ng mga paa niya. "Haist nakakainis ang daming pwedeng ipagawa sakin ng mother ko bakit ito pa!" pagrereklamo ni jackie. Ibinato pa nito ang isa niyang sandal na kahuhubad niya lang. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti dahil sa mga reaksiyon nila. Ganyan din ang nangyari sakin nong bago pa lang ako pero kalaunan nasanay na rin ako. Pinagmamasdan ko lang sila ng tumunog ang telepono ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni david sa screen. Paanong nalagay dito ang number niya? Kaagad ko naman naalala nong hiniram niya ang cellphone ko kahapon. Kaya pala ang bilis niyang bumalik noon dahil hindi naman totoong nawawala ang telepono niya. gusto niya lang makuha ang number ko. Napapailing na lang ako. Binuksan ko ang message, Hi lang ang mensahe niya. Ibabalik ko na sana sa bag ng tumunog ulit ito. ' Busy ka ba?' Basa ko sa text niya. Wala akong balak sagutin ang text niya ngayon mamaya na lang siguro pagbalik ko sa kubo. "Ako na ang magbubukas." sabi ko at tinungo ang pinto ng may kumatok sa labas. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain para sa pananghalian namin. Isinara ko na rin kaagad ang pinto matapos ipakita ang card at magpasalamat sa lalaki. Inihanda ko na rin ang mga ito sa lamesa. "Kain na muna kayo, mamaya niyo na problemahin ang mga paa niyo." Nakangiting sabi ko sa kanila. kaagad naman silang tumayo at lumapit sa lamesa. "Buti ka pa Jamie walang iniindang sakit." Nakanguso na sabi ni zeinab. "Napagdaanan ko na rin yan noon. Sa una lang yan mahirap tsaka mag susugat din pero kapag tumagal na masasanay ka rin." mahabang paliwanag ko. "Parang gusto ko na nga sumuko. Buti na lang talaga hindi buong araw ang rehearsal natin. " sabi ni jackie habang nag lalagay ng pagkain sa plato niya. Hinati kasi kami sa dalawang grupo. Ang 1 to 50 candidates ay pang umaga, at iyon kalahati naman ay sa hapon sila. "Kaya niyo yan girls tiwala lang." Pagpapalakas ko sa loob nila. Kaibigan na ang turing ko sa kanila kahit ilang araw pa lang kaming nagkakilala, at hindi ko sila kayang ituring na kakumpetensiya sa pageant na ito. Ang gusto ko nga manalo kaming apat. "nga pala zeinab kilala mo ba iyon number 14?" sabi ni celine kay zeinab. "Yup," walang ganang sagot nito "Kilala mo? Bakit ang sama ng tingin sayo?" Nagtatakang tanong ulit ni celine "Ex girlfriend siya ni Dave." Maikling sabi nito. "Sinong dave boyfriend mo?" Hindi na nakatiis na sabat ni jackie. Nagkibit balikat lang ito sa tanong ni jackie. Nagkatinginan kaming tatlo, hindi na ulit sila nagtanong dahil halatang ayaw niyang pag usapan ang mga iyon. "Ano kaya kung maligo tayo mamaya ng dagat, gusto niyo ba?" Pag iiba na lang ni celine. "game ako jan." masiglang sagot ni jackie. "Ako rin." nakangiting saad ko. Tumingin kami kay zeinab, tumango lang ito saka tahimik ulit na kumain. Nang matapos kumain nanood kami ng the hows of us movie, mamayang hapon na kami maliligo kapag hindi na mainit sa labas. Inilatag pa ni zeinab ang kutson na ginagamit niya sa pagtulog, hindi muna kami nahiga dahil kakakain lang namin. Nasa tv ang atensiyon namin subrang ganda kasi ng palabas ng tumunog na naman ang telepono ko. ' Galit ka ba? Sorry kung kinuha ko ang number mo ' nakatitig lang ako sa screen. Iniisip niya sigurong galit ako dahil hindi ko sinasagot ang mga text niya. ' Ang kulit mo, bakit na naman ba? ' reply ko sa text niya. Bahala siya mag isip kung galit ba ako o hindi. ' Pasensiya ka na kung makulit ako. Gusto lang kitang makatext ' Napangiti ako pagkabasa sa text niya. Ang weird niya hindi ako sanay. ' May sakit ka ba? bakit ang drama mo jan? ' reply ko. Pag angat ko ng mukha nasa akin ang tingin nilang tatlo. "Si david nagtext." Inunahan ko na sila bago pa man mag tanong ang isa sa kanila. "kaya pala ganyan ka na lang kung kiligin jan." panunukso ni celine sakin. "Oy, hindi ah. Manood na lang kaya kayo jan." sagot ko dito. "Paano kami makakapanood ng maayos panay tunog ang cellphone mo. masungit na sagot ni jackie. "Ito na po pahihinaan ko na po." Natatawang sagot ko. Natawa ito saka itinuon na ulit nila ang mga mata sa pinapanood. ' Masama nga ang pakiramdam ko ngayon. ' Hindi ko mapigilang mag alala sa kanya. ' ha bakit anong nararamdaman mo? Uminom ka na ba ng gamot? ' sunod sunod na tanong ko. "May problema ba? kanina ko pa napapansin panay tingin mo jan sa telepono ." tanong sakin ni zeinab. Nasa kubo kami ngayon ni jackie. Sila Jackie at celine nauna ng maligo. kumuha pa kasi kami ng pwedeng makakain habang naliligo. "Si david kasi hindi pa sinasagot ang text ko. Nag aalala na ako kasi ang sabi niya masama daw ang pakiramdam niya." alam kung hindi dapat ako makaramdam nito pero kasi mag isa lang siya sa kubo niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Oy, nag aalala siya." Panunukso nito.Siniko siko niya pa ako. Sumeryoso din naman ito kaagad. " Bakit hindi mo siya puntahan, kanina pa ba siya hindi nagreply?" Umiling ako sa sinabi niya. "Ayoko, ano naman ang sasabihin ko? tsaka hindi pa kami gaanong magkakilala no." tanong ko dito. Ang totoo kanina ko pa siya gustong puntahan para alamin kung ayos lang ba siya. "Kailangan pa ba itanong yan? aalamin mo lang naman kung kumusta siya, tsaka Mukha naman siyang mabait." tiningnan ko lang siya. "Mamaya na lang siguro baka nakatulog lang iyon." sagot ko dito. Nagkibit balikat lang ito saka pinapatuloy na ang ginagawa. Gusto kong puntahan siya pero nag aalangan naman ako. Isinalin ko sa malaking lagayan ang pasta na inorder namin. Si zeinab naman ang nag slice ng cake. Kumuha rin kami ng mga chichirya tsaka coke in can. Dinala namin iyon sa balkonahe. Pababa na sana kami ng hagdan ng maalala ko ang telepono ko. "Sandali, naiwan ko ang cellphone ko sa kusina kukunin ko lang." Pigil ko kay zeinab. tumango lang ito. Patakbo na tinungo ko ang kusina. Nakita kong umilaw ito. Mabilis ko itong binuksan ng makitang may text message. 'Jamie h.' Nangunot ang noo ko ng mabasa ang text niya. Hindi ko maintindihan ang text niya. Hindi kaya help ang karugtong non? Nagmadali akong lumabas at ipinakita kay zeinab ang text. "Alam mo ang mabuti pa puntahan mo na kaya baka kung napaano na iyon." Nag aalala na rin ito. "O sige ikaw na ang bahalang magsabi sa dalawa." Tumango lang ito. Nagmamadali akong bumaba ng kubo narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa pero hindi na ako nag abala pa na lumingon. "David." Tawag ko habang kumakatok sa pinto "David!" mas lalo ko pang nilakasan ang pagtawag at ang pagkatok ko ng walang may magbukas ng pinto. Kinakabahan na ako ng wala pa rin may sumagot. Pinihit ko ang doorknob mabuti na lang at hindi ito nakalock. Inilibot ko ang paningin sa loob pero wala siya. Napadako ang tingin ko sa isa pang pintuan. tinakbo ko iyon at nagmamadali na binuksan ang pinto. Nandon nga siya nakabaluktot ang higa nito sa kama. Nakapikit ito at yakap yakap niya ang sariling mga tuhod. "David!" tawag ko sa kanya ng makalapit. Subrang init ng katawan niya. Dahil nasa gitnang bahagi siya ng higaan sumampa ako at naupo Ko patagilid paharap sa kanya. Nakatalikod ito sakin. Nasa ulohan niya ang isang kamay ko hinahaplos ang buhok niya. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa braso niya. "David!" pilit ko siyang ginigising pero umuungol lang ito. Nataranta ako ng manginig ang katawan niya. Umalis ako sa higaan at pinatay ang aircon. Binuksan ko ang kabinet na nandon pero wala akong makita kahit isang kumot. Nasaan na iyon? Nakita ko siyang nanginginig pa rin. Isa na lang ang naiisip kong gawin. Lumapit ako sa kanya at hinubad ang bathrobe kong suot, hindi ko na inisip pa kahit two piece lang ang suot ko. Humiga ako sa tabi niya, para naman itong bata na nagsumiksik sa katawan ko. Ikinumot ko sa kanya ang bathrobe at niyakap siya. Lalo pa itong nagsumiksik sakin. Napalunok ako ng maramdaman ang kakaibang hatid ng mainit niyang balat sa katawan. Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ito ang oras para mag isip ng kung ano ano, kailangan niya ng tulong ngayon. Lalo ko pa siyang niyakap at hinaplos haplos ang likod niya para mabawasan ang panginginig niya. Naramdaman ko na may huma-haplos sa pisngi ko. Nagulat ako pagbukas ng mga mata ko dahil malapit ang mukha ni david sa mukha ko. Nakangiti ito sakin. Idikit ko sa noo niya ang palad ko ng maalalang may sakit pala siya kaya ako nandito. Hindi ko na namalayan nakatulog pa la ako. Mainit pa siya pero hindi na kagaya kanina. "Bumaba baba na rin ang lagnat mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko dito. "Ayos na, magaling kasi ang doctor ko. " Nakangiti pa rin na sabi nito. Halatang okay na siya dahil nagbibiro na ulit siya. Mabilis akong umupo at inagaw sa kanya ang bathrobe ko saka itinakip sa katawan ko ng bumaba sa katawan ko ang paningin niya. "tss, nakita ko naman na yan dalawang beses na." Nakangising sabi niya. Kaagad naman akong pinamulahan ng mukha. "Bastos ka talaga!" Naiinis ko siyang pinalo sa dibdib. Sana pala hindi ko na lang siya tinulungan. "Joke lang, ito naman." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko siya. Isinuot ko ang bathrobe sa katawan ko. Walang utang na loob, imbes na magpasalamat e iniinis pa ako. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya nakaupo na rin ito. "Salamat sa pag aalaga mo sakin kanina." sinsero nitong sabi habang nakatitig sa mga mata ko. "Wa-wala 'yun." nauutal kong sabi. Binawi ko ang kamay ko saka tumayo na. "May lagnat ka pa rin huwag ka munang bumangon baka mabinat ka pa." Pigil ko sa tangka niyang pagtayo. "Pero nagugutom na ako, hindi pa ako kumakain simula pa kaninang umaga." Bigla naman akong naawa sa kanya. "Ipagluluto na lang kita huwag ka ng bumangon." Nakita ko ang pag silay ng matamis na ngiti nito sa mga labi niya. Inirapan ko siya at lumabas na ng silid. Naiinis ako bakit kasi ang pogi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD