"Aaaa, ang binti ko!" Daing ko ng maramdaman ang lalong pagkirot ng binti ko. Narinig ko pa ang pagmumura nito bago sumisid sa ilalim. Naging sunod sunod ang paglunok ko ng maramdaman ang pagmamasahe niya sa binti ko. Kahit malamig ang tubig ramdam ko pa rin ang init na hatid ng mga palad niya.
Habol ang hininga nito pag angat niya sa tubig.
"Masakit pa ba?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Masakit pa rin ng kaunti pero kaya ko na!" mahinang sagot ko.
"Bumalik na tayo, kaya mo na ba lumangoy?" Nag aalala pa rin na tanong nito. Tumango lang ako saka nauna ng lumangoy.
Kinuha niya ang bathrobe, nakita ko ang pag iling at paglunok na ginawa nito matapos niya akong tingnan mula taas pababa. Aabotin ko na sana sa kanya ang bathrobe ko ngunit pumwesto ito sa likuran ko at siya na mismo ang nagsuot sakin non. wala na akong nagawa kundi ipasok sa mga manggas ng bathrobe ang mga kamay ko saka ibinuhol ang tali.
"Sa susunod huwag ka ng maliligo ng mag isa!" salubong ang kilay na sabi nito nang harapin ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit galit siya, hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari. Susungitan ko sana siya kaso nakakahiya naman. Iniligtas niya na nga ako, aawayin ko pa siya.
"Salamat!" nahihiyang sabi ko. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya iniligtas niya pa rin ako sa pangalawang pagkakataon.
"Pumasok ka na sa loob baka magkasakit ka pa!" salubong pa rin ang mga kilay nito ng magsalita. Problema nito? naku pasalamat ka at iniligtas mo ko dahil kung hindi who you ka sakin ngayon. Nakasimangot ang mukha na nilagpasan ko ito at pumasok sa loob.
Tiningnan ko ang orasan lagpas alas dose na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok, kailangan ko ng makatulog dahil may rehearsal pa kami bukas. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko saka naman pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Napahawak ako sa mga labi ko. Alam ko na ginawa niya lang iyon para makahinga ako ng maayos pero parang hinalikan niya na rin ako. Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko saka tumayo sa higaan.
Lumabas ako ng kubo at tumungo sa dalampasigan. Umupo ako sa buhangin, Niyakap ko ang mga tuhod, nakatitig lang ako sa mga paa ko na inaabot ng tubig dagat, gusto ko ang malamig na hatid nito sa mga paa ko.
"Bakit gising ka pa? May balak ka na naman ba lumangoy?" Gulat na nag angat ako ng mukha nang may magsalita. Umiling lang ako saka ibinalik ang tingin sa mga paa ko.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.
"Natulog kasi ako kaninang hapon kaya medyo nahihirapan akong makatulog ngayon." tumango tango lang ito.
"e ikaw bakit gising ka pa?" tanong ko dito.
"Hindi ako makatulog, Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina!" Seryosong sabi nito. kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung alin ang tinutukoy niya. Iyon paghalik niya ba sa kamay ko o ang nangyari sa dagat.
"Muntikan ka ng malunod, paano na lang pala kung wala ako?" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Siguro kong hindi dahil sayo malamang nalunod na ako, maraming salamat, pero teka paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman ako gumawa ng ingay para humingi ng tulong kaya paano niya nalaman na nasa panganib ako. Napansin ko ang paglikot ng mga mata nito.
"Gu-gusto ko sanang maligo ng mga oras na yun tapos napansin ko na subrang tagal mo na sa ilalim kaya nilapitan na kita." Nauutal nitong paliwanag. bakit parang may pakiramdam ako na hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Anong tingin yan?" natatawang tanong nito.
"Wala, nag iisip lang ako kung paano ako makakabawi sayo!" pag iiba ko na lang.
"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yup, pangalawang beses mo na kasi akong iniligtas, tsaka sorry din kung lagi kitang sinusungitan!" Nakangiting sabi ko.
"Bakit kaya hindi natin ituloy ang dinner na inaalok ko sayo kanina!"
"Okay!" Wala sa sariling sabi ko.
Nagulat ako sa isinagot ko.
"Sabi mo yan ha!" Masayang sagot nito. Balak ko sanang bigyan siya ng simpleng regalo lang pero huli na dahil sa naging sagot ko.
Tinanghali ako ng gising kinabukasan, mabuti na lang at tinawagan ako ni lay para ipaalam na hindi matutuloy ang rehearsal ngayong araw dahil nagkaproblema sa stage na senet up nila sa auditorium. Nagugutom na ako, wala na akong oras mag ayos ng sarili para kumain pa sa hotel, tinatamad din akong magluto kaya ang natirang pagkain ko na lang kagabi ang kakainin ko ngayon.
Naudlot ang pagpasok ko sana sa kusina nang makarinig ng katok. Nagtataka na tinungo ko ang pintuan. Si david ang nakita ko pagbukas ko ng pinto, may hawak itong tupperware. Hindi ko alam kung ano ang laman nito dahil nakatakip ito. Nakangiting iniabot niya ito sakin.
"Ulam para sayo, mukhang kakagising mo lang, may muta ka pa oh!" Nakangising sabi nito. Kaagad ko naman kinapa ang mga mata ko ngunit wala naman akong nahanap. Napahalakhak ito sa ginawa kong
pagsimangot sa kanya. Niloloko niya na naman ako. Inis na kinuha ko sa kamay niya ang ulam at isasara ko na sana ang pinto ng may marinig na ibang boses.
"knock knock." Napatingin kami pareho sa ibaba ng kubo. Nanunudyong mga tingin nila celine ang nakita ko. Anong ginagawa ng mga ito dito?
"Mukhang naliligaw yata kayo!" pabirong sabi ko pagkaakyat nila sa taas. Tabi tabi silang umupo sa mahabang upuan sa balkonahe
"Kaya naman pala hindi ka namin makita sa hotel dahil may pinagkakaabalahan ka pala dito!" Nangingiting sabi ni jackie. Nangingiting napailing na lang ako.
"Ipakilala mo naman kami sa boyfriend mo." Napanganga ako sa sinabi ni celine.
"Hindi ko siya boyfriend no!" mabilis na sagot ko. Natawa naman sila, maging si david ay natawa rin sa naging reaksiyon ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Hindi pa pero malapit na!" Nakangising sagot nito. Naiinis na siniko ko ito sa sikmura. Kung ano anong mga pinagsasabi, kung hindi ko lang alam na maloko siya maniniwala pa sana ako. Kinikilig naman ang tatlo habang tinutukso kami
"Bakit ba kayo nandito?" pag iiba ko na lang.
"Dito kami kakain!" Sagot ni zeinab saka ko lang napansin ang lagayang papel na kulay brown sa tabi niya. Kinuha ko ang folding table sa isang tabi saka inilatag sa harapan nila. Isa isang inilabas ni zeinab ang laman non.
"kukuha lang ako ng mga plato!" paalam ko sa kanila.
"Tulungan na kita!" Napatingin ako kay david ng magsalita ito.
"Hindi ka pa ba babalik sa kubo mo?" Nagkibit balikat lang ito saka nauna ng pumasok sa loob. Pumasok na lang din ako sa loob.
"Maiwan ko na kayo!" pagpapaalam ni david nang matapos niya akong tulungan sa pagkuha ng mga gagamitin namin sa pagkain.
"Mamaya ka na umalis, salohan mo muna kaming kumain." Pinanlakihan ko ng mga mata si jackie dahil sa pag pigil nito sa pag alis sana ni david. Hindi naman sa ayokong kumain siya dito pero hanggat nandito siya uulanin na naman nila ako ng panunukso.
"Huwag mo na pigilan, may gagawin pa yan siya hindi ba david?" Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya.
"Wala naman akong gagawin kaya sige sasalohan ko kayo." malapad ang pagkakangiti nito at naupo siya sa tabi ko. I rolled my eyes ng makita na naman ang panunuksong tingin ng tatlo. Itinuon ko na lamang ang atensiyon sa mga pagkain na nasa harapan ko.
"Tikman mo ito." kinuha niya ang ulam na dala niya kanina. Calderita ang laman nito, kumuha siya at inilagay sa plato ko, kinuhaan niya rin ako ng kanin. Nagtataka man sa ginagawa niya ngunit hindi na lang ako tumutol pa.
Natitigilan na lang ako sa tuwing kukuha kasi siya ng pagkain na para sa kanya nilalagyan niya rin ng pagkain ang plato ko. Tinulungan niya rin ako mag ligpit at maghugas ng pinagkainan namin.
"Can i borrow your phone?" Nahihiyang paalam nito.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko kasi mahanap ang akin, ipapa ring ko lang." Mabilis na sagot nito.
"Ahh, ok saglit kunin ko lang sa taas." Paalam ko. Naabotan ko ang tatlo na nanonood ng tv sa sala, mukhang wala pa silang balak umalis.
Lumabas siya ng bahay pagkabigay ko ng telepono ko. Kaagad din naman bumalik, ipinakita niya sakin ang telepono niya. Nagpasalamat ito saka umalis ulit maliligo daw muna siya.
"Kayo ba talaga hindi titigil? kanina ko pa napapansin ang malisyosa niyong mga tingin!" Nakakunot ang kabilang bahagi ng noo ko habang nakataas naman ang isa kong kilay.
" Ang sabi mo hindi mo siya boyfriend, e bakit ganon ka na lang niya pagsilbihan?" tanong ni zeinab.
"Malay ko don!" Nakangusong sagot ko. Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit niya ginagawa yun sakin. Aaminin ko na may parte ng puso ko ang natutuwa sa ginawa niyang iyon.