Chapter Eleven

1468 Words
Bumagal ang paglalakad ko nang makita ko si david sa balkonahe ng kubo na tinutuloyan ko. Pupuntahan ko pa lang sana siya sa kubo niya para kunin ang card ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa pasamano sa gilid ng pintuan paakyat sa taas. Itinukod niya doon ang dalawang siko at pinag salikop ang dalawang kamay.Dahil may kababaan ang pasamano nabend ng kaunti ang katawan nito. Habang palapit ako ng palapit sa kubo, palakas din ng palakas ang kabog sa dibdib ko. Nakakapaso ang ginagawa niyang paninitig sa akin. Bago pa man ako tuluyan makalapit sa kanya, pasimple akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang nagwawala kong puso. "Anong ginagawa mo jan?" Tanong dito habang nakatingala sa kanya. Hindi na ako umakyat pa dahil balak ko rin bumalik sa hotel pagkatapos ko makuha ang card sa kanya. Napatingin ako sa mga labi niya ng kagatin niya ang ibabang labi nito. "For this, I forgot to return your card yesterday!" Sabi nito sabay pakita sakin sa card ko. Aabotin ko na sana ito ng umayos siya ng tayo tsaka bumaba ng hagdan. Napansin ko iba na ang suot niya at parang bagong ligo lang ito dahil basa pa ang buhok niya. Pinangunotan ko siya ng noo. Ano na naman kaya ang pakulo nito ngayon at hindi kaagad ibinigay ang card ko. "Mamaya ko na ibibigay pagkatapos natin kumain!" Nakangiti nitong sabi. Lalong nangunot ang noo ko. Makapag desisyon siya, akala niya naman sasama ako. Hindi manlang nagtanong kung papayag ba ako. "At sinong may sabi na sasamahan kita?" Taas ang kilay na sabi ko "Ayaw mo? e di sige hindi ko rin ibabalik ang card mo!" Nakangisi sabi pa nito. Nanggigigil na pinalo ko siya sa braso. "Nakakainis ka na talaga!" tumawa lang ito ng malakas. Papaluin ko na naman sana siya dahil sa subrang pagka pikon ko kaya lang nahuli niya ang kamay ko at mabilis itong hinalikan. May kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan sa pag dampi ng malambot niyang labi sa balat ko. Binawi ko kaagad iyon saka umatras palayo sa kanya. "I'm sorry, hindi ko sinasadya!" Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. "Akin na ang card ko!" Seryosong sabi ko habang nakalahad ang isang kamay ko. Ibinaba ko lang ulit yun sa takot na baka abotin niya na naman ito. Nakita ko ang pag aalinlangan niya. "Sorry, Gusto kong makabawi sa nagawa ko. Hihintayin kita mamayang gabi sa labas ng hotel kung saan ka nakaupo kanina." mahinang sabi niya. Iniabot niya sa akin ang card, kinuha ko iyon sabay alis. Lutang ang isip ko habang pabalik sa hotel. Bakit iba ang nararamdaman ko ngayon imbes na magalit sa ginawa niya. Alam ko na ginawa niya lang iyon para lalo akong inisin ngunit ibang pakiramdam ang naging dulot ng paghalik niya sa kamay ko. "Jamie!" Nabalik sa katinuan ang isip ko nang marinig ang pag tawag sakin. Nakangiting kumaway si jackie sakin. Nilapitan ko kaagad sila. Nasa gitna sila nakapwesto, Pinagdikit nila ang dalawang lamesa na naroon para magkasama sama kaming apat. "Hindi pa kayo nag order?" Nagtatakang tanong ko ng makitang wala pang pagkain sa lamesa. "Hindi pa, hinihintay ka namin dumating!" Sagot ni zeinab. Paano na lang pala kung hindi ako nakabalik, maghihintay sila ng matagal. "Aayy, naiiyak tuloy ako!" Pagbibiro ko sa kanila. Natawa na lang kaming apat. Tinawag ni jackie ang waiter para umorder na ng pagkain. "Anong dahilan mo? bakit ka sumali?" Curious na tanong sakin ni jackie. "Gusto ko lang takasan ang mga magulang ko, balak kasi nila akong ipakasal sa anak ng business partner nila." Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya nagsabi ko ng totoo. "Talaga? Uso pa pala yan ngayon? hindi makapaniwalang tanong ni zeinab. "Ganyan yata kapag mayayaman!" sagot ni celine. Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya "eh kayo anong dahilan?" Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. "Pambayad sa pagkakautang ng tatay ko!" Malungkot na sagot ni celine. Gusto kong mag usisa ngunit mas pinili kong manahimik na lang "Ako naman napag tripan lang ng kaibigan ko kaya nandito ako ngayon!" Natawa kami sa sinabi ni zeinab. "Eh ikaw?" tanong ko kay jackie. Bigla kasi itong natahimik. "Dahil sa mom ko. Isa akong lesbian eh hindi niya tanggap kaya pinasali niya ako dito para maging straight!" Walang ganang sabi nito "Lesbian ka?" Sabay sabay namin tanong. Bigla naman itong nataranta sa pag aakalang may nakarinig samin. "Huwag kayong maingay sekreto lang natin ito. Ayokong ipaalam dahil baka mamaya iwasan nila ako, Iwasan niyo ko."Nakangusong sabi nito "di nga? hindi naman halata!" Hindi makapaniwalang sabi ni zeinab. "Oo nga! kumain na nga lang tayo at huwag niyo na akong tanungin pa dahil baka may makarinig." Naiiritang sabi ni jackie. Hindi na nga kami nag tanong pa at iniba na lang ang topic. "Saan kayo ngayon?" tanong ko nang matapos na kaming kumain. "Babalik na ako sa room bigla akong inantok e." sagot ni zeinab, naghihikab pa ito. "Ako rin!" sagot ni celine. "Ganoon din ako!" nakangiting sagot ni jackie. Napalabi naman ako. Gusto ko pa naman sanang tumambay lang muna kasama sila. "Sabay na tayo bumalik sa mga kubo natin!" Pag aaya sakin ni Jackie. Tumango ako. Nagpaalam na rin sila zeinab, magkasama sila ni celine sa iisang kwarto dito sa hotel. Si jackie naman sa kubo rin kagaya ko pero hindi ko alam kung alin sa mga kubo doon. Naunang makapasok sa kubo niya si jackie. Nasa pangatlong kubo siya, ako naman nasa pang anim. Wala na doon si david pagbalik ko. Nagmamadali na akong umakyat nang makaligo na at makapag palit na rin ng damit. Mag aalas tres pa lang, parang subrang tagal ng oras ngayon. Nakahilata lang ako sa sofa habang nanonood ng palabas. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni david kanina. Hihintayin niya daw ako mamayang gabi sa labas ng hotel. 'tss, di maghintay siya doon kahit hanggang umaga pa kung gusto niya, hindi ako pupunta don' pagsasalita ko ng magisa. 'Ang harsh mo naman! paano nga kung maghintay talaga siya doon hanggang umaga?' sabi ng kabilang utak ko. 'Wala akong pakialam, tsaka bakit niya naman gagawin iyon wala naman kaming relasyon para mag aksaya siya ng oras sakin' sagot ko 'At bakit gusto mo ba magkaroon kayo ng relasyon?' panunudyo ng kabilang utak ko sakin. Inalog ko ang ulo ko para mawala ang nagsasalita sa utak ko. Nababaliw na talaga yata ako. Simula ng makilala ko si david bigla na lang may kumakausap sakin. Pinatay ko ang tv at pinilit na lang ang sarili na makatulog. Gabi na ng magising ako. Wala akong balak na pumunta sa hotel ngayon. Ayoko ng makita pa siya ulit. Wala ng rason para magkalapit pa kami. Tinungo ko ang kusina para magluto ng makakain ko. Adobo ang niluto kong ulam. May alam ako sa pagluluto dahil palagi kong pinapanood si ate minang kapag nagluluto ito. Nong umalis si ate siya ang lagi kong kasa kasama sa bahay. Nang maluto kaagad na akong kumain. Balak kong maligo ng dagat ngayon kesa naman tumunganga lang ako dito baka kung ano ano na naman ang pumasok sa isip ko kaya papagurin ko na lang ang sarili sa paglangoy. Nahiga lang muna ako sa sun lounger na nasa tapat ng kubo ko. Bawat kubo ay may sariling sun lounger sa labas. Mamaya na ako lulusong kapag wala ng tao sa dagat. Mag aalas otso pa lang naman kaya ayos lang kahit maghintay pa ako ng dalawang oras. Inayos ko ang bathrobe na suot ko nang makahiga. Wala akong ibang suot sa loob kundi two piece swimsuit lang. Ipinikit ko ang aking mga mata, narerelax ang katawan ko sa lamig na dala ng hangin. Napabalikwas ako ng bangon, nakaidlip pala ako. Hinubad ko na ang suot na bathrobe ng makitang wala ng tao sa paligid. Nagsimula na akong maglakad palapit sa tubig. Napasinghap ako ng tumama sa paa ko ang malamig na tubig. Sanay ako sa malamig kaya itinuloy ko parin ang paglusong sa dagat. Inenjoy ko ang sarili sa paglangoy. Hindi ko na namalayan na napalayo na pala ako at nasa malalim na parte na ng dagat ngunit patuloy pa rin ako paglangoy. Naramdaman ko ang kirot at paninigas ng isang binti ko. Nag ipon ako ng hangin sa bibig saka lumubog para masahiin ang namumulikat kong binti ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit. Natataranta na ako, kinakapusan na rin ako ng hininga. May naramdaman akong mga kamay na humawak sa ang balakang ko sa likuran. umikot ito paharap sakin at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi ko upang mabigyan ako ng hangin. Hindi ko makita kung sino siya dahil madilim sa ilalim. Habol ang hininga ko ng makaangat sa tubig. Mukha ni david ang nakita ko pagbukas ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD