Naalimpungatan ako sa tunog ng telepono ko. Inaantok pa ako. Ipinaloob ko ang kamay sa ilalim ng unan at hinanap doon ang telepeno. Tuluyan na akong nagising ng mabasa ang pangalan ni lay.
"Good morning Jamie! Fix yourself, I'll wait for you here at the hotel." Tumayo kaagad ako sa higaan pagkarinig ko sa sinabi niya.
"Okay!" Ibinaba ko na kaagad ang telepono ng matapos magpaalam ang nasa kabilang linya. Nagmamadali ako na pumasok sa loob ng banyo at binilisan lang ang pagligo. One piece swimsuit na kulay pula at short short na kulay puti ang napili ko na isuot. Nagsuot rin ako ng lace beach kimono na aabot lang hanggang sa itaas ng tuhod ko. at sneakers ang suot ko sa paa. Sinuklay ko lang ang buhok ko saka inabot ang may kalakihang bag na nasa upuan.Ala singko pa lang ng umaga pero medyo maliwanag na sa labas. Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis na makarating sa hotel. Ayokong paghintayin ng matagal si lay.
Nakita ko kaagad si lay sa labas ng hotel. Nakaupo ito sa sun lounger. Marami rami na rin sila na nandoon. Nginitian niya ako nang makalapit sa kanya, Pinaupo niya ako sa tabi niya na kaagad ko naman sinunod.
"Hintayin lang natin ang iba pa na dumating tapos sabay sabay na tayong aakyat." Nakangiti ako na tumango sa kanya. Pinanood ko ang papasikat na araw sa malayong bahagi ng karagatan. Nakakasilaw man tingnan ngunit napakaganda parin panoorin.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Sa kanang bahagi naroon ang lahat ng kubo habang sa kaliwa naman ay ang gate, sa gilid nito may nakatayong carousel style na bahay open lang ito kaya tanaw mo ang nasa loob, at sa tingin ko ay gym iyon dahil may mga nakikita akong mga equipment pang exercise.
Napunta ang mga mata ko sa nag iisang lalaki, nakatagilid ito sa direksiyon ko. Nasa treadmill machine siya nakasakay, umaandar ito kaya tumatakbo siya. Sakto lang ang pangangatawan niya pero mahahalata mo na may pandesal ito sa tiyan niya. Sweatpants na Kulay abo ang pang ibabang suot nito, bumagay iyon sa mahahaba niyang biyas. Basa na ng pawis ang sando na suot niya kaya bakat ang matigas na dibdib nito na minsan ko ng naramdaman. Napalunok ako ng maalala ang nangyari kahapon. Sneakers na kulay itim naman ang sapatos niyang suot. Nakikinig siguro ito ng music dahil sa earphone na nasa tenga niya. Naaaliw ang mga mata ko na panoorin ang bawat pag galaw ng kawatan niya nang mapatingin ito sa direksiyon ko. Napaayos ako ng upo nang ngitian niya ako.
"Kumpleto na ang lahat kaya lets go sabay sabay na tayong umakyat!" Anunsiyo ni lay, tumayo na rin ako at sumunod sa kanila pinigilan ko ang sarili na mapatingin sa kanya. Nagbuga ako ng hangin sa bibig nang makapasok na sa loob. 'Ganyan nga Jamie lagi mo pigilan ang sarili mo' Pag uudyok sakin ng utak ko.
Marami kaming aakyat sa taas kaya napag desisyonan na gumamit na lang ng hagdan sa halip na mag elevator. Nasa second floor lang naman ang auditorium kaya okay lang samin na mag hagdan.
Namangha kami lahat nang makita ang loob, malawak ito. Sinadya nilang gamitin ang buong second floor para dito. Nasa taas kami at kailangan pa namin bumaba sa mga baitang para makarating sa stage. May mga nakaupo na sa ibaba pero hindi pa rin nangangalahati ang nauukopa nila sa haba ng upuan na nakalinya paakyat.
"Tara sa unahan." sabi niya sabay hawak sa kamay ko ngunit pinigilan ko siya.
"Ahm, lay salamat sa alok mo pero ayokong pag isipan ako ng masama ng iba pang mga kandidata. Naiintindihan mo naman siguro ako di ba?" malumanay na sabi ko sa kanya. Pare pareho kami ng gusto ang manalo kaya gusto ko lumaban ng patas.
"Okay, I'll understand you!" Pinisil niya ang kamay ko bago ito bumaba. Napansin ko na may kanya kanya na kaagad silang grupo. more than a week na silang nandito kaya hindi na nakakapagtaka kung kilala na nila ang bawat isa. Naghanap ako ng mauupuan, Nakita ko sa third row may two vacant seat doon. Naglakad na ko papunta doon.
"May nakaupo ba dito?" Nakangiting tanong ko sa babaeng kulot at kulay brown ang buhok. Nakangiti itong umiling sakin kaya naupo na ako sa tabi niya. Inilapag ko sa sahig ang dala kong bag para maupuan ng iba ang isa pang upuan na nasa tabi ko.
"Pwede ba ako maki upo?" Nag angat ako ng tingin ng may magsalita.
"Upo ka!" Nakangiting sabi ko sa babae.
"Thank you! Anong pangalan mo?" Magiliw na tanong nito.
"Jamie ikaw?" Ganting tanong ko dito.
"Jackie naman ang pangalan ko, ikaw?" tumagos ang tingin niya sa likod ko. Nilingon ko ang babae sa tabi ko. Nginitian ko siya ng tumingin ito sakin.
"Ahmm, Celine.. Celine naman ang pangalan ko at ito naman si Zeinab!" Nahihiyang pakilala nito sa sarili at sa katabi niya.
"Hello!" Nahihiyang bati ng huli
"yeey, may kakilala na rin ako. Okay lang ba kung magsama sama tayong apat?" Nagpapalit palit ang tingin niya samin tatlo. Nilingon ko ang dalawa. Nagkatawanan kami bigla at sabay sabay na tumango. Nakakatuwa lang hindi ko akalain na magkakagaanan kaagad kami ng loob.
"Good morning beautiful ladies! Ito ang unang araw na nagkasama sama kayong lahat at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang isang daan na nag gagandahang dilag sa buong mundo. Isa lang ang masasabi ko mahihirapan ang mga hurado na makapili kung sino ang labin dalawang mananalo kaya naman gagawa tayo ng ibat ibang activities. Ang una natin gagawin ay ang rehearsal. Sa rehearsal hindi niyo lang dapat matutunan ang tamang paglalakad, tamang tindig, tamang expression ng mukha. Kailangan niyo rin matutunan na pakitunguhan ng maayos ang bawat isa. Pero mukhang ngayon pa lang ay alam niyo na iyon dahil pansin ko na may mga nakasundo na kaagad ang iba sa inyo. Ganyan dapat huwag niyong ituring na kalaban ang bawat isa sa halip gawin niyong inspiration, motivation ang bawat isa para manalo. Dalawang linggong rehearsal ang gagawin natin dahil marami kayo. Tandaan kahit rehearsal pa lang ito magkakaroon pa rin ng evaluation. At ang sunod na gagawin ay ang swimsuit competition. Since jewelries ang imomodel niyo kailangan mayroon din tayong Casual attire competition. At ang pang huli ay ang evening gown competition. Sa bawat competition ay magkakaroon tayo ng elimination. Thirty five kaagad ang matatanggal sa unang round. at ang natirang Sixty five ay maglalaban laban ulit sa pangalawang round. at ang huling matitira na Thirty five candidates doon na mapipili ang twelve ladies na natatawaging CALENDAR PRINCESS of the year." Nagpalakpakan ang lahat sa huling sinabi ng babae na nasa stage.
"Excited na ba kayong lahat?" Sigaw ng babae sa stage. Naging maingay sa loob ng auditorium.
"Mukhang ready na kayong lahat para sa rehearsal bukas!" Nangingiting sabi nito.
"Miss lay ready na ba ang palabunotan?" tanong nito kay lay. Tumango ang huli saka itinaas ang babasagin na lagayan. may maliliit na papel sa loob nakaroll ang mga ito.
"Ang number na mabubunot niyo jan ay siyang gagamitin niyo. ibibigay niyo isa isa ang number kay mister daniel para malaman namin kung anong number ang nakuha niyo." Pag papaliwanag ng babae na nasa stage.
Ibinigay ni lay sa isang babae ang lagayan, naglakad ito papunta sa pinakaunang upuan para magsimula bumunot ang nasa first row. There are twenty chairs in every row kaya medyo matagal din ang pagikot ng babae na may dala ng lagayan. Sa parehong gilid ng mga upuan may daanan kaya mabilis na nakakalipat sa susunod na row ang babae. Nginitian namin siya ng ilahad niya ang lagayan sa harapan namin apat.
"Anong number sa inyo?" Tanong ni jackie. Sabay sabay namin binuklat ang maliit na papel. Number 35 ang akin, kay jackie 30, 45 naman ang kay celine. At number 15 ang kay zeinab.
"Bat ang lalayo naman?" dismayadong sabi ni jackie.
"Hayaan mo na ganon talaga!" Nakangiting sagot ni celine.
"Since may mga number na ang lahat. Tumayo na ang nasa first row at lumapit dito para mailista ang pangalan at numero niyo. " Pagsasalita ng lalaki. Kaagad naman na tumayo ang nasa first row, Binigyan sila ng bilog na bagay, don nakalagay ang number na gagamitin.
Sa wakas natapos na rin mabigyan ang lahat. Palabas na kami lahat. Pinaiwan na sa loob ang mga dala namin bag, may mga pangalan iyon kaya hindi makakapalitan ng gamit. Ang kompanya ang nagbigay samin non.
"Nagutom ako! gusto niyo ba kumain?" Tanong ni jackie
"Sige tara!" Magkasabay na sagot nila celine. Saka ko naalala ang card ko. Hindi pa pala naibabalik ni david sakin.
"Ikaw Jamie?" baling sakin ni zeinab
"Mauna na kayo, naiwan ko kasi ang card sa kubo!" pag dadahilan ko.
"Sige, sunod ka ha!" sabi ni celine. Tumango lang ako. Ang totoo hindi ko alam kung makakasunod ba ako sa kanila kasi nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba ang card sa kanya. Kung hindi ko naman kukunin wala akong gagamitin. Kaya no choice ako, kahit iniiwasan ko siya mapipilitan akong lumapit sa kanya ngayon.