Chapter Nine

1125 Words
Nang malapit na kami sa hotel saka ko lang binawi ang kamay ko sa kanya. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "What?" Taas kilay na tanong ko. He tilted his head at naglakad na ulit. Nagugulohan ako sa mga ikinikilos niya. Hindi maganda ang unang pagkikita namin, at kagabi lang kami pormal na nagkakilala ngunit kung umakto siya ngayon parang close kami. May pahawak hawak pa siya sa wrist ko. Binigyan ko ba siya ng permiso para hawakan ako? 'Ngayon ka pa aarte hindi ka nga nag reklamo kanina!' kontra ng kabilang utak ko. 'Syempre nagulat ako kanina kaya hindi kaagad ako nakapag react'. Pagtatalo ng isipan ko. Ipinilig ko ang aking ulo, nababaliw na yata ako. Nakita ko siya na pumasok sa loob ng restaurant at umupo sa pwesto kung saan kami umupo kagabi. Tinanguan niya ako na para ba pinapalapit niya ako kung nasaan man siya. Naghanap ako ng ibang lamesa sa halip na lumapit ako sa kanya. Sakto naman na may dalawang babae na tumayo malapit sa pwesto niya, dalawang lamesa lang ang pagitan. Umupo ako doon kahit hindi pa naililigpit ang pinagkainan ng mga umalis. Nginitian ko ang waiter na lumapit at nilinis ang lamesa saka umalis din at babalik daw siya para ibigay sakin ang menu. Napatitig ako kay david na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Hindi ko inaasahan na lilipat siya. "Ano ba? Bakit nandito ka na naman?" Salubong ang kilay na tanong ko. "Boring kumain ng magisa lang!" he licked his lips and smiled at me. Napalunok ako sa ginawa niya. Nabasa ang mga labi niya at lalo pang pumula. Ang ganda ng lips niya maliit na manipis parang sa babae lang, bumagay ito sa maliit na baba niya. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon para paalisin siya alam ko naman na hindi niya din ako susundin. Hinanap ko ang card sa pouch na dala ko at inilabas iyon. Ipapakita ko na sana sa waiter ngunit kinuha niya iyon sakin. I rolled my eyes. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito bakit pilit akong ginugulo. Hinayaan ko siyang mag order ng kakainin namin. "What are you doing? Give me back my card!" Naiiritang sabi ko ng makaalis ang waiter. Wala ba talaga siyang ibang gagawin kundi ang inisin ako. "Gusto lang kita i treat pam bawi ko kagabi kasi bigla kitang iniwan." Naging seryoso ang mukha nito. "Okay pagbibigyan kita ngayon, pero sana last na ito. Wala akong panahon sa mga pakulo mo david!" Madiin na sabi ko. Hindi ito sumagot. Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya. Tahimik kami habang kumakain. Maya't maya ko siyang sinusulyapan. Nasa pagkain lang nito ang atensiyon niya ni hindi manlang ito nag aangat ng tingin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mga mata na titigan ang bawat pag galaw ng mga muscles niya sa braso, maging ang pag nguya nito sa kinakain niya ay parang mapang akit sa paningin ko. Natapos na kami kumain ngunit wala pa rin siyang kibo. Nasaktan ba siya sa sinabi ko kanina? Pero bakit? nagsabi lang naman ako ng totoo. Ayoko ng maulit pa ang naging sitwasyon namin ni jack.. Hindi pa nga ako tuluyan nakakamove on tapos heto na naman ako. Pero baka naman kasi nakikipag kaibigan lang din siya sakin, huwag kasi mag assume kaagad kaya ka nasasaktan eh. Nagbuntong hininga ako ayoko na lang mag isip pa, lalo lang akong naguguluhan. Tumikhim ako para kasing may bumara sa lalamunan ko. Kinuha ko ang baso na may laman na tubig saka uminom ng kaunti. Napatingin ako sa kanya ng tumikhim din ito at uminom ng tubig. Napatingin siya sakin pagbaba niya sa baso. Napanguso ako upang pigilan ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko. "What?" Natatawa nitong tanong. Naisip ko na mas okay pala sa kanya ang nakangiti kesa ang maging seryoso. "Anong bakit?" salubong ang kilay ngunit may maliit na ngiti sa labi ko.. "Never mind!" Tumayo ito pero hindi naman naglakad. "Sasabay ka ba sakin palabas?" malumanay na tanong nito. Tumingin ako sa paligid nakita ko na nakatingin samin ang ibang mga staff ng restaurant. Baka anong isipin nila kapag nauna itong lumabas at maiwan ako sa loob kaya tumango ako saka tumayo na rin. Sabay kami naglakad palabas. Pabalik na kami sa kubo nang mapatingin ako sa dalawang grupo na naglalaro ng volleyball sa dalampasigan. Tirik na tirik ang araw pero hindi nila alintana ang init. Inilagay ko ang kamay sa taas ng mga mata ko para gawin pang harang sa sikat ng araw. Nahinto ako sa paglalakad at napatingin kay david nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko kasabay ang mabilis na pagpihit ng katawan niya papunta sa harapan ko at niyakap ako. Nakapaikot sa bewang ko ang isa niyang kamay niya habang ang isa ay nasa likod ng ulo ko. Matangkad siya kesa sakin kaya napasiksik ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Narinig ko ang pagtama ng bola sa likod niya, Iniharang niya pala ang sarili para hindi ako ang matamaan ng bola. Lumayo siya ng kaunti para makita ang mukha ko. Matiim niya akong tinitigan. "Ayos ka lang ba?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko ng mag tama ang aming paningin. "Bakit ako ang tinatanong mo eh ikaw itong natamaan! Masakit ba?" Hinaplos ko ang likod niya kung saan tumama ang bola. Nahinto ako sa ginagawa at kaagad na ibinaba ang kamay ko ng matauhan. Nakita ko ang pag galaw ng adams apple niya nang lumunok ito. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at nahihiya na nginitian siya. Bumalik na rin ito sa gilid ko at nag patuloy kami sa paglalakad. "Salamat!" Taos pusong pasasalamat ko. Siguro kundi dahil sa kanya natamaan ako sa mukha at hindi malabo na magkapasa pa ako dahil sa malakas na pagtama ng bola sa likod nito. "Pasok na ako!" Nahihiyang paalam ko ng nasa tapat na ko ng kubo. Nginitian niya lang ako saka tumango. Wala na siya sa baba pagkaakyat ko sa taas, hinanap siya ng mga mata ko. Natigilan ako ng makita ito sa kabilang kubo kagaya ko nasa tapat na rin ito ng pintuan, nakatingin ito sakin. Nakita ko ang pag ngisi niya. Bigla tuloy akong nagsisi alam ko nakita niya ang ginawa ko paghahanap sa kanya. Sa subrang kahihiyan nataranta ako at nagmadaling makapasok sa loob. Hawak ang dibdib na napasandal ako sa likod ng pintuan. Ipinikit ko ang aking mata. Ganitong pakiramdam din ang naramdaman ko kay jack noon, mas kakaiba lang ngayon dahil mas matindi at hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi pwedeng mangyari ito. Unti unti ko ng naaalis sa puso ko si jack, Ayoko ng masaktan ulit. Kailangan ko na siyang iwasan hanggat maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD