Maaga akong nagising kinabukasan. Nakabawi na rin ako ng tulog tsaka magaan na ulit ang pakiramdam ko ngayon. Bigla pumasok sa isip ko si david. Matapos namin malaman ang pangalan ng bawat isa, nagpaalam na rin ito kaagad ng may tumawag sa cellphone nito. Sa hotel siguro ito tumutuloy nakita ko siya na papunta don.
Inayos ko muna ang kama saka tinungo ang banyo para maghilamos at mag tothbrush na rin. Tinatamad akong lumabas kaya magluluto na lang ako ng makakain ko. Bacon, itlog tsaka tinapay ang naisipan kong kainin, nagtimpla na rin ako ng kape. Kinuha ko ang tinapay tsaka itlog at dinali iyon sa balkonahe naisipan ko na doon mag almusal. Nang mailapag sa maliit na mesa ang mga dala ko bumalik ulit ako sa loob upang kunin ang naiwan na pagkain sa kusina.
Ang ganda ng paligid at subrang linis, maging ang dagat subrang linaw, kulay asul ito medyo maalon kaya maririnig ang pag hampas nito sa dalampasigan. Kakasimula ko pa lang sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Si Aira ang tumatawag kaya sinagot ko ito.
"Hello girl, Kumusta ka jan?" Pangungumusta nito.
"Maayos naman, kahapon pa ako dito. Sorry nawala sa isip ko na tawagan ka!" Sa subrang pagod ko kahapon kaya hindi ko na siya natawagan.
"Okay lang alam ko naman pagod ka. Nga pala may pinadala akong mga damit kay lay na magagamit mo sa pageant naibigay niya na ba sayo?" Tanong nito sakin.
"Wala pa, baka mamaya kapag nagkita kami saka niya ibigay sakin. Girl thank you ha!" Sa kagustuhan ko na makalayo sa pamilya ko maging ang mga gagamitin ko sa pageant hindi ko na naisip pa.
"Don't mention it, alam kong lutang ang isip mo sa dami ng problema mo kaya ako na ang nag asikaso ng lahat!" Parang gusto ko tuloy umiyak dahil sa mga sinabi niya. Siya na kaibigan ko lang inaalala ako samantala iyon totoo kong pamilya walang pakialam sakin.
"O siya, hindi na kita aabalahin pa. Galingan mo sa pageant ayan na lang pam bawi mo sakin!" tumatango tango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
"Syempre naman ako pa!" Pagbibiro ko. Narinig ko ang pagtawa nito saka nagpaalam na. Ibinaba ko ang cellphone at nagpatuloy na sa pagkain. Saktong kakatapos ko lang kumain ng matanaw si lay sa di kalayuan. palapit ito sa kubo ko. Nakangiting kumaway pa ito sakin na kaagad ko naman na ginantihan.
Nakita ko rin ang dalawang lalaki na nakasunod sa kanya. May tag iisang maleta sila na buhat buhat. Ayon na siguro ang sinasabi ni Aira na gagamitin ko sa pageant.
Hinintay ko sila na makaakyat sa balkonahe.
"Nakapag pahinga ka na ba?" Hinihingal na tanong nito sakin.
"Yup nakabawi na rin ako ng lakas. You want some drink?" Alok ko sa mga ito.
"Tubig na lang!" Sagot nito habang ginagawang pamaypay ang kamay nito. Napagod siguro ito, medyo may kalayuan ang kubo ko sa hotel.
"Okay, saglit kukuha lang ako!" Iniwan ko na muna sila para kumuha ng malamig na tubig sa ref.
"Here!" Alok ko ng makabalik. Maging ang dalawang lalaki ay nakiinom na rin.
"Hindi na rin ako magtatagal. Hinatid ko lang ito mga gamit mo. tsaka para ipaalam na rin sayo na magsisimula na ang mga activities sa susunod na araw." tumango lang ako dito at bumaba na rin. Ipinasok ko sa loob ang dalawang maleta tsaka iniligpit ang mga pinagkainan ko.
Nacurious naman ako kung ano ang mga nasa loob ng maleta. Apat na high heels, make up kit, at kung ano ano pa na mga abobot para sa buhok. May nakita rin akong jewelry set. Sunod ko na binuksan ang mas malaking maleta. Unang tumambad sa paningin ko ay ang mga bikini, Halo halo, may One piece tsaka two piece. binuklat ko iyon isa isa, nagustuhan ko naman ang mga ito. Nasa beach kami kaya inaasahan ko na ito. May ilan gown din akong nakita lahat magaganda. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni aira. Nakailang ring lang at sinagot na nito.
"Girl nakuha ko na iyon mga gamit!" Balita ko sa kabilang linya.
"O ano Nagustuhan mo ba?" Tanong nito
"Yup, nagustuhan ko lahat!" Natutuwang sagot ko habang nakatitig sa mga gamit.
"Meron pa akong gown na hindi naipadala jan. But don't worry ipadadala ko sa make up artist na papupuntahin ko jan. Ayun ang gamitin mo para sa evening gown tiyak na magugustuhan mo iyon."
"Talaga! sige antayin ko na lang. Thank you ulit girl!"
"Ano ka ba nakailang thank you ka na! Paulit ulit lang!" Natawa ako sa sinabi niya
"o sige na ibababa ko na!" Nang matapos ang pag uusap namin ibinalik ko na sa maleta ang mga inilabas kong mga gamit.
Naghanap ako ng damit na maisusuot saka tinungo ang banyo. Maliligo muna ako tapos maglalaba ako ng damit na hinubad ko kahapon. Hindi na ako gumamit ng washing machine at kinusot ko na lang kasi ilang piraso lang naman iyon. Wala akong makitang sampayan sa loob kaya naisipan ko na sa likod na bahagi ng balkonahe ko ito isampay. Pa L ang shape ng balkonahe kaya umikot pa ko sa gilid upang doon magsampay. Doon ko na rin isinampay ang mga damit pan loob ko. Wala naman makakakita dahil nasa gilid ito ng kubo nakapwesto. Wala rin naman akong nakikitang tao sa kabilang kubo kaya okay lang. Pumasok na rin ako sa loob ng maisampay lahat.
Nag isip ako kung ano ang susunod ko pa na gagawin. Nang walang maisip humiga na lang ako sa sofa at nanuod ng palabas. Boring pala kapag mag isa lang.
Inubos ko ang oras sa panonood. Saka lang ako tumayo ng makitang mag aalas dose na. Balak ko sa hotel mananghalian kaya nagpalit ako ng damit. Knitted dress ang naisipan ko suotin tsaka tsaka sandal na two inches lang ang taas. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Nagpahid lang ako ng kaunting liptint sa mga labi ko. bakat ang magandang kurba ng aking katawan sa damit na suot ko. Isang sulyap pa sa salamin at lumabas na rin ako.
"Ay gwapong kabayo!" Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto nakatayo si david sa labas at aktong kakatok ito sa pintuan. Hindi ko alam kung natawa siya sa naging reaksiyon ko o sa sinabi ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong.
"Ahmm," Pinangunotan ko ito ng noo nang hindi kaagad ito nagsalita.
"Na-nakita ko kasi ito sa labas nilipad yata ng hangin!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bra at panty na hawak niya. Kaagad ko itong inagaw sa kanya at hinagis sa sofa.
"H-hindi mo na lang sana kinuha!" Nahihiya kong sabi
"Sorry nakita ko kasi paglabas ko ng kubo. Baka lalong madumihan kapag nagtagal sa buhangin kaya kinuha ko na. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang may ari niyan!" Sumilay na naman ang pilya nitong mga ngiti.
"Ganon ba, okay salamat!" Naiiritang sabi ko saka lumabas. Nilagpasan ko siya. Sa dami na naman ng tao bakit siya ulit ang makakakita ng mga pan loob ko. Jan pala siya nakatuloy sa kabilang kubo akala ko walang tao kasi sarado kanina nong nagsampay ako.
"Sa hotel ka rin ba pupunta? Sabay na tayo doon din ang punta ko!"
"Ikaw ba walang mga kasama at buntot ka ng buntot sakin?" taas kilay na tanong ko dito. Nagmadali nga akong lumabas para makaiwas sa kanya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari.
"Meron ikaw, di ba magkaibigan na tayo?" Nakangisi nitong sabi sakin. Nang gigigil na nahaplos ko na lang ang sariling batok ng marinig ang sagot nito. Napasinghap ako sa subrang gulat ng hawakan niya ako sa may pulso at hilahin ng mauna itong maglakad. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod na lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa na bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.