Chapter Seven

1260 Words
Nagising ako nang dahil sa pagsakit ng sikmura ko. Chichirya lang ang naging laman ng tiyan ko simula kaninang umaga. Napansin ko madilim na sa labas. Nag inat inat muna ako bago bumangon, kailangan ko ng kumain dahil mukhang gutom na ang mga alaga ko sa tiyan. Naligo ulit ako. Mini skirt at crop top na kulay pula ang sinuot ko, tsaka flat sandal na kulay puti. Hindi na ako nag abala pa na mag lagay ng koloreta sa mukha, sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin nang masigurong maayos ang itsura ko saka na ako lumabas ng kubo.Sa bawat madadaanan ko na kubo may mga nakatayong lamp torch sa mga gilid, ito ang nagsisilbing liwanag sa paligid kaya kahit gabi may mga tao pa rin sa bawat sulok ng lugar. Ipinakita ko sa receptionist ang card na ibinigay sakin ni lay. May tinawag siyang lalaki at kinausap ito na samahan ako loob. "Siya na po ang bahala sayo, ipakita mo lang itong card pwede ka ng mag order ng pagkain na gusto mo." nakangiting paliwanag nito. Tumango lang ako at nagpasalamat saka sumama na rin sa lalaki. Sasamahan niya pa sana ako sa loob ng restaurant ngunit pinigilan ko na siya baka kasi may gagawin pa siya. Madaming tao sa loob kaya inilibot ko ang paningin upang makahanap ng mauupuan. May nakita akong bakanteng mesa nasa isang sulok pang dalawahan tao iyon. Mabilis na akong naglakad papalapit doon. Sa pagmamadali na makaupo hindi ko napansin ang lalaki sa likuran ko saka ko lang napansin ang presensiya niya ng magkasabay kaming umupo sa magkabilaan na upuan. Sabay pa kaming nagulat ng makilala ang isa't isa. "Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?" Naiirita na tanong ko sa kanya. Siya lang naman ang lalaki sa bus kanina. Natawa ito sa sinabi ko. "Assuming ka na naman!" naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi niya. "WHATEVER! pwede ba na sa ibang lamesa ka na lang umupo nauna ako sayo dito!" taas ang kilay na sabi ko. "Magkasabay lang kaya tayong umupo, tsaka hindi mo ba nakikita wala ng bakante?" pangangatwiran nito. "magkasabay nga tayong umupo pero nauna ako sayong maglakad kaya umalis ka na!" sunod sunod ang ginawa nitong pag iling, napapikit na lang ako ng makita ang pag senyas niya sa waiter. Kinalma ko ang sarili ko, Naalala ko kung bakit ako nandito kaya hindi ako pwedeng gumawa ng gulo baka madisqualified pa ako sa pageant. Nginitian ko ang waiter ng iabot niya sakin ang menu. Ipinakita ko sa kanya ang card pagkatapos ko sabihin ang order ko. "kasali po pala kayo sa pageant ma'am, baka may gusto pa po kayong kainin!?" magalang nitong tanong sakin. "Wala na po. Salamat!" Nakangiting sagot ko. Tumango ito sakin saka binalingan ang lalaking nasa harapan ko. Nasa menu ang atensiyon nito kaya malaya akong matitigan ito. Maputi ang balat nito, matangos ang ilong, mahaba rin ang mga pilikmata nito na bumagay sa singkit niyang mga mata. Makakapal ngunit nasa tamang pwesto ang mga kilay nito. Natural rin na mapupula ang labi nito. Ibinaling ko sa iba ang paningin ko ng mag angat ito ng mukha. "Are you done?" kunot noo ko siyang tiningnan "Tapos mo na ba titigan lahat ng parte ng mukha ko? kasi kung hindi pa okay lang naman na titigan mo ko ngayon." Malapad ang ngiti nito habang sinasabi iyo. Nang dahil sa sinabi niya napalunok ako, paano niya nalaman na tinitingnan ko. Pero hindi ko aaminin sa kanya na tama siya. I smirked at him "Ang kapal mo. Ikaw naman yata ngayon ang assuming. Tumingin ka sa likod ng malaman mo kung saan ako nakatingin!" mataray na sagot ko. Mas lalo pa lumapad ang pagkakangiti nito na tila ayaw niya akong paniwalaan. Nagkibit balikat na lang ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Tiningnan ko ang mga pagkain na nasa mesa parang mas natakam pa ako sa mga inorder niya kesa sa inorder kong pagkain. Pinigilan ko ang sarili. Malakas ang pakiramdam ng taong nasa harapan ko kaya kailangan hindi ako magpahalata ngunit hindi ko pa rin mapigilan na mapatingin sa mga pagkain niya. "Gusto mo ba?" Napatitig ako sa kanya ng mahimigan sa boses nito ang sincerity ng mag alok ito. "Huwag na, salamat na lang!" Mahinang sagot ko. Saka nag umpisa na kong kumain. "Actually sinadya ko talaga mag order ng marami para if ever na magustuhan mo pwede kang kumuha." Sabi nito habang nasa plato nito ang atensiyon niya. Parang may naramdaman akong hindi maipaliwanag nang dahil sa sinabi niya ngunit kaagad ko itong pinalis. "Wow ha joke ba yan?" Pang aasar ko dito. Sa halip na sagutin ang sinabi ko kinuha niya ang inorder kong ulam at kumuha siya doon. "Sorry, Kumuha ka na lang din dito!" Nangingiti nitong sabi. Alam kong sinadya niya lang iyon. "Fine!" Kinuha ko rin ang pagkain niya na kanina ko pa gustong kainin at nag lagay sa plato ko. Natawa ako ng maparami ang lagay ko. "Sorry!" natatawa ko na sabi. Nakita ko rin ang pag pipigil nito ng tawa. Nilantakan ko na kaagad ang pagkain na nasa plato ko. Sa tuwing kumukuha siya sa inorder kong pagkain ganun din ang ginagawa ko sa pagkain niya hanggang sa naubos namin lahat ng pagkain na nasa mesa. "Thank you sa pagkain nabusog ako!" Nahihiyang sabi ko. Anong nangyari sakin? Kanina lang naiinis ako sa kanya pero bakit bigla na lang naglaho iyon? Ganoon ba ako kagutom? nang dahil sa pagkain nag iba ang pakiramdam ko? "Thank you rin!" matipid na sagot nito habang pinupunasan ang labi nito. Tumayo na ako at naglakad na palabas. Wala naman akong gagawin sa kubo kaya maglalakad lakad na lang muna siguro ako sa dalampasigan. Mapayapang karagatan, tahimik na kapaligiran, Mga kumikinang na mga bituin sa langit na kay gandang pag masdan. Malayo sa lugar na kinalakihan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Simula nong nalaman ko ang tungkol sa relasyon ni jack at ng kakambal ko hindi na natahimik ang buhay. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kapayapaan. "ehem!" Napadilat ako ng mga mata ng marinig ang pagtikhim ng kung sino man tao sa likuran ko. Nang makilala kung sino ang taong iyon ibinalik ko sa karagatan ang paningin ko at tahimik lang na tinanaw ang mga ilaw na lumiliwag doon. May mga mangingisda siguro doon kaya may mga ilaw. "A-ahm, is it okay with you kung samahan kita dito?" Nag aalangan nitong tanong sakin. Kanina lang inaasar niya ako tapos ngayon umaakto siya na parang close kami. "Anong kailangan mo? Hindi tayo magkakilala kaya bakit ka nandito?" Nakahalukipkip kong tanong. Nagkibit balikat ito "then, magpapakilala ako. I am David Agustin. Can we just friend now?" Inilahad nito ang kamay sa akin. Tinitigan ko lang ang kamay niya na nakataas pa rin sa ere. "Look, sorry for what happened lately! I didn't mean to offend you." Nagulat ako sa paghingi niya ng tawad hindi ko inaasahan na ang isang lalaki mapang asar na kagaya niya ay hihingi sakin ng paumanhin. "I'm serious!" Sabi nito ulit. Tatanggapin ko ba ang paghingi niya ng paumanhin? May kasalanan din naman ako kung tutuusin. Nagbuntong hininga ako saka tinanggap ang pakikipag kamay nito. Binawi ko kaagad ang kamay ko ng maramdaman ang init sa palad niya. "I am Jamie Sandoval, and you are forgiven!" Napatitig ako sa labi niya nang makita ang pagguhit ng mga ngiti sa labi nito. Bakit parang ang pogi niya sa paningin ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD