Chapter Six

1019 Words
Maging sa panaginip ko siya pa rin ang laman nito. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. "Here!" tinitigan ko ang kamay niyang may hawak na panyo. "Okay na ako salamat!" nagkibit balikat lang ito tsaka ibinalik sa bulsa niya ang panyo. Nakaramdam ako ng hiya, Sa dami ng taong sasakay sa bus bakit lalaki pa ang makakatabi at makakakita sa pag iyak ko. Umayos ako ng upo. Sa pangamba na maulit muli ang pag iyak ko hindi na ako natulog at ibinaling na lang sa labas ang atensiyon ko. Ngunit nakaramdam naman ako na parang may dalawang pares ng mga mata ang nakamasid sakin. Bumaling ako ng tingin sa lalaking katabi ko. "Pwede ba huwag mo akong tingnan? Kanina ko pa nararamdaman na tinitingnan mo ako!" mataray na sabi ko. he smirked at me "Don't be assuming, I'm looking outside, not at you!" nang dahil sa mga sinabi niya naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. Mas lalo pa nag init ang mukha ko nang makita ko ito na tumawa. Napansin niya na siguro ang pamumula ng pisngi ko. Sa subrang pagkapahiya ko pinahinto ko ang sasakyan sa gilid at nagmamadali na bumaba. Bago pa man umandar ang sasakyan idinungaw nito ang ulo sa bintana ng sasakyan at tiningnan ako ng nakakaloko. "Bye miss assuming!" Nakangising sabi nito habang kumakaway "Bwesit!" sigaw ko habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. haist, nakakainis napilitan tuloy akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero nasisiguro ko na malayo layo pa ito sa isla na sinasabi ni lay. Maghihintay na lang ako na may dumaan sasakyan. I have been waiting for over thirty minutes but still wala pa rin may dumadaan bus. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa backpack na nakapatong sa mga hita ko. Sinagot ko kaagad ang tawag ng makita ang pangalan ni lay sa screen ng cellphone ko. "Hello Jamie, where are you?" Bungad kaagad nito sa kabilang linya "Naligaw yata ako. Hindi ko alam kung nasaan lugar ako!" Pagsisinungaling ko "What?" sagot nito sa kabilang linya "Sorry, nakatulog kasi ako tapos may nangyari kaya napilitan akong bumaba ng sasakyan!" Pag amin ko sa nangyari. "Okay, sabihin mo sakin ang mga nakikita mo sa paligid." Inilibot ko ang paningin "Nandito ako sa waiting shed na kulay dilaw, bangin ang likuran nito at puro mga kawayan naman ang nasa kabilang kalsada." "Gotcha, alam ko na kung saan lugar iyan. Hintayin mo ako jan huwag ka na umalis okay?" hindi niya na hinintay pa ang sagot ko at kaagad ng ibinaba ang tawag. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng may matanaw na sasakyan. Gumaan ang pakiramdam ko ng huminto ito sa harapan ko at makita si lay. "Get in!" utos nito. Inilagay ko lang sa likod ng sasakyan niya ang maleta ko at sumakay na agad. "Anong nangyari kanina?" kunot noo na tanong nito sakin "Wala iyon, kalimutan mo na lang!" maikling sagot ko. Ayoko nang ikwento at baka pag tawanan lang ako ni lay kapag nalaman niya. "Ookay!" I rolled my eyes ng mahimigan ko ang pang aasar sa boses nito. Natawa siya sa naging reaksiyon ko. Ilang minuto pa nang tumigil ang sasakyan, Nauna siyang bumaba ng sasakyan. "Dito na ba?" tanong ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Tumango lang ito at naglakad papasok sa nakabukas na malaking gate. Sumunod naman ako sa kanya. Malawak na karagatan at puting puti na buhangin ang tumambad sa paningin ko pagpasok namin sa loob. Akala ko papasok kami sa malaking building ngunit nilagpasan lang namin ito. May mga kubo kubo akong natatanaw sa di kalayuan. Nag pakahilera ang mga ito hanggang don sa pinakadulong bahagi ng dalampasigan. "Pasensiya ka na dito na kita dinala kasi wala ng bakante sa hotel!" Hinging paumanhin nito. "Ayos lang!" matipid na sagot ko. Naka ilang lakad pa ang ginawa namin ng huminto ito sa tapat ng kubo. Gawang kawayan ang palibot nito at pawid naman ang bubong.Umupo siya sa nag iisang baitang at hinubad ang sapatos na suot nito saka umakyat. Ginaya ko ang ginawa niya at sumunod sa taas. Makintab ang kawayan sahig, maging ang mahabang upuan sa balkonahi ay makintab din. "Pareho lang naman ang itsura nang kwarto sa hotel tsaka dito kaya magiging kumportable ka pa rin." Nakangiting sabi nito habang binubuksan ang pintuan.Hindi ko napigilang humanga ng makita ang loob, tama nga si lay simple lang ang labas nito at aakalain mo na maliit na kubo lang ito ngunit para kang nasa hotel room kapag nakapasok ka na sa loob. May maliit na sala, sa gilid ang dining area maliit lang din ito ngunit kumpleto sa gamit.sa likod ng sala may hagdan paakyat nakikita ko doon ang isang kama. At ang ilalim naman nito ay ang cr na salamin ang dingding ngunit may kurtina din na pwedeng pang takip sa loob. "Ang ganda!" Namamangha pa rin na sabi ko. "I know you are tired and need some rest, so i'll leave you first. kapag nagutom ka may mga pagkain jan pwede ka magluto. kapag tinamad ka naman pwede ka rin kumain sa hotel ipakita mo lang ang card na ito." Nakangiting paliwanag nito sakin. tumango lang ako at nagpasalamat saka umalis na rin ito. tinitigan ko ang card na ibinigay sakin ni lay. Nagugutom ako ngunit inaantok na ako at nakakaramdam na rin ng pagod. Kinuha ko ang maleta at inakyat iyon sa taas, Kumuha ako ng damit. Nanlalagkit na ang katawan ko kaya maliligo na muna ako. Bumaba ulit ako ng hagdan at pumasok sa banyo. Gusto ko sana mag babad sa bathtub kaya lang baka makatulog ako. Nang matapos maligo tinungo ko ang kusina baka may pwede akong makain ng hindi nagluluto. Napailing ako nang walang mahanap. dinampot ko na lang ang chichirya na nasa maliit ng kabinet sa itaas ng lababo. Binuksan ko ang tv at umupo sa sofa itinaas ko ang mga paa sa lamesita. Nagbuga ako ng hangin sa bibig nakailang lipat na ako ng channel ngunit wala akong may nagustuhan na palabas, pinatay ko na lang ang tv at umakyat sa taas matutulog na lang muna siguro ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD