ABBY'S POV Isang linggo na ang lumipas. Simula nang magbalikan kami ni Charles at magsama sa iisang bubong. At katulad nang sinabi niya, araw-araw kaming nagse-s*x. Kasalakuyang nandito kami ngayon sa park malapit sa Glorietta at mag-isa ako dito sa isang lamesa. Habang si Charles ay nasa isang fast food chain kung saan buminili siya ng aming kakainin dito. Samantalang ang aking anak ay abalang nakikipaglaro sa kanyang Yaya Marie. Habang pinagmamasdan ko ang aking anak nang may narinig akong tumawag sa akin. "Abby," tawag sa pangalan ko. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. "Bryan," tanging nasabi ko. Lumapit sa akin si Bryan. "Abby, anong ginagawa n'yo dito? At bakit ilang araw na kayong wala sa condo n'yo? At bakit— hindi mo ako tinatawagan?"sunod-sunod na tanon

