CHAPTER 64

1856 Words

ABBY'S POV Bago ang graduation ni Lorraine ay naisipan nina Charles na magsama-sama muna kami dito sa mansyon. At kumpleto ang barkadahan namin. "Sis, mabuti ka pa. Aakyat ng stage," sabi ko na may halong inggit. Sa aming magkakaibigan, ako lamang ata ang hindi nakatapos ng pag-aaral. Dahil sa maaga kong pagbubuntis. Ngunit kahit kailan, ay hindi ko naman pinagsisihan na maging ina sa aking anak. "Sis, siguro, p'wede ka na ulit mag-aral. May mag-aalaga na sa anak mo," seryosong sabi ni Lorraine habang nakatingin kay Nathan. Napailing na lamang ako. Dahil mukang imposible na makapag-aral akong muli. Lalo na't gusto ni Charles na sundan si Charley. "Naku, sis, malabo na yatang makapag-aral ako. Baka bigla na naman akong mabuntis." Sabay inom ko ng juice. Tumingin si Lorraine sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD