CHARLES' POV Simula nang iwan ako ni Abby ay walang araw na hindi ako nag-inom. Halos lahat ng aking mga negosyo ay napapabayaan ko. Pati na rin ang ipinapatayo kong factory ng wine ay napabayaan ko na. Mabuti na lamang at hindi ako iniwan ng aking mga kaibigan na sina Rigor at Carlo. Silang dalawa ang naging abala upang patakbuhin ang aking negosyo. Kasalukuyang nakatingin ako sa larawan ng aking mag-ina habang umiinom ng alak. "P're, ilang buwan ka nang ganiyan. Pati sarili mo, pinababayaan mo na," narinig kong sabi ni Rigor na hindi ko namalayang dumating. Tumingin ako sa aking mga kaibigan. "Ang sama-sama ko! Hindi ko man lang pinakinggan si Abby ng araw na 'yon. Hinusgahan ko agad siya," saad ko. Ngumiti si Carlo at kinuha sa akin ang alak na hawak ko. "P're, hindi solusyon ang a

