ABBY'S POV Mabilis lumipas ang taon simula nang iwan ko si Charles. Si Charley ay nagsimula nang pumasok sa school. Minsan ay naaawa ako sa kaniya. Dahil araw-araw niyang hinahanap ang kaniyang daddy. Walang araw ang hindi niya itinanong sa akin si Charles kung bakit hindi namin ito kasama. Hindi ko na rin alam ang idadahilan ko sa kaniya. Hanggang sa ipatawag ako ngayon dito sa school. "Mrs. Hamilton, ipinatawag po namin kayo kasi nag-aalala na po kami kay Charley," sabi sa akin ng kaniyang teacher. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ng kaniyang guro. "Ma'am, ano pong ibig sabihin ninyo?" tanong ko. Ngumiti nang pilit si Mrs. Cuevas at tumingin kay Charley. "Sa tingin ko po may pinagdaraanan ang anak ninyo. Araw-araw po siyang tulala at hindi makausap nang maayos. Baka kung hindi

