ABBY'S POV Nang sabihin sa akin ni Laya na tinangkang magpakamatay ni Charles, ay bigla akong nakonsens'ya. Dahil hindi ko lubos maisip, na gagawin 'yon ni Charles. Kaya 'eto na naman ako. Muling isusugal ang aking puso. Para sa lalaking labis kong mahal. Ngunit sobrang nanakit ng aking damdamin, walang iba kung 'di si Charles. "Naku, Pareng Charles, pakasalan mo na si Abby. Hindi 'yong puro ka na lamang baon," biro ni Rigor kay Charles, na labis kong ikinapamula ng aking mukha. "Sis, namumula ka na naman. Dahil ba totoong— hindi mo rin magawang tiisin si Charles? Sa tuwing babaon siya sa 'yo," biro naman sa akin ni Laya. Ngumiti ako nang pilit. "Mahal ko, eh," katwiran ko at sabay hilig ko kay Charles. Habang nagbibiruan naman kami, ay bigla naman kaming nakaramdam ng awa kina Nat

